Year 2030. Paano ko nga ba makakalimutan ang taon na iyon?
Sa nagdaan na mga taon, sariwa pa rin sa akin ang mga nasaksihan ko.
Diyes anyos ako ng sumabog sa buong bansa ang balita tungkol sa pinakamalaking proyekto na hinahawakan ng Official na maaaaring makapagpabago sa buhay ng tao.
Ang Project Life.
"Nandito ngayon live sa ating studio, the head of the most awaited and life changing project in the country‒Project Life. Everyone, William Wayne." napuno ang buong istudyo ng masagabong palakpakan na kahit sa telebisyon lamang ay rinig na rinig ito.
Ipinukos ng camera ang isang lalaking tila nasa mga late-twenties niya. Nakapormal na kasuotan ito, naka-amerikana, suot-suot din nito ang napakalaking ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labing nakakairita tignan.
"People of this country, I am here now to tell you all, the best news you'll ever hear in your whole life. Finally, a series of process and experiments, malapit nang maisakatuparan ang pinakainaasam-asam natin na proyekto. Project is now on it's final stage of experiment, we, the Officials needs your cooperation in this matter," buong statement ng sinabi nakangiti ito. Hayst.
Sa ikahuling proseso ng itinurang proyekto, nangangailangan na ito ng human experiment upang lubos na itong maisakatuparan. Kapalit ng pagiging bahagi ng experimento, binubuhay nito ang pamilya miyembro ‒ binibigyan ito ng pera.
Marami ang ninais na maging parte ng experiment. Halos magkagulo ang mga tao maging isang miyembro lang ito. Siyempre kapalit lang naman pera, sinong aayaw doon diba? Tao basta pera hahamakin ang lahat.
Ngunit sa kahuli-hulihan ng experimento, nabigo ang official. Isinapubliko nila ito, ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao, isang tahedya ang naging dulot ng pagkabigo ng proyekto. Ang nais ng poryekto na mahabain ang buhay ng mga tao ay tinanggalan ito ng hangganan.
Ang DNA na nasa content ng project ay hindi nakamatch sa DNA na mayroon ang mga tao. Ang nangyari ang naging imbalance ang mga ito kung kaya't naging abnormal ang DNA ng sino magti-take ng project. Dahil sa abnormalities ng DNA ay naging invulnerable ang mga tao. And death will never come to get them.
Hinold ang mga taong naging parte ng experiment. Sineparate ang mga ito at nilagay sa lugar kung saan wala silang magiging contact sa mga tao.
Ngunit sa kalagitnaan ng paglalagi nila doon isang miyembro ng human experiment ang nakatakas. Si HE# 79.
Ayon sa mga sabi-sabi, si HE# 79 ay tumakas sa isolation area nila. Mahigit isang buwan siyang naging wanted sa buong bansa, yun pala ay umuwi na ito sa pamilya niya. Pero hindi nagtagal nagkaroon din ng lead ang official tungkol sa kinaroroonan niya. Tinugis ito ngunit nanlaban at pinilit nitong makaalis sa kamay ng mga officials. Sa .kalagitnaan ng pagtakas niya ay naaksidente ito, dumanak ang dugo sa buong pinangyarihan ng aksidente.
BINABASA MO ANG
Beyond the Grave (to be Rewritten)
Science FictionNo one would really want to die. But in my case and this situation, sometimes, I just want to.