Chapter 6

14 0 0
                                    

Chapter 6

Hinatid na rin ako ni Matt pagkatapos naming bumili ng laptop. Matraffic pero hindi namin pinansin dahil kailangan niya na ring umuwi para tignan kung kumpleto ang gamit niya at ayusin.

Pagkahatid sa akin ni Matt sa bahay ay nag-usap lang kami ng sandali at umuwi na rin siya sa condo niya. Sinabihan niya din ako na susunduin niya ako bukas gaya ng napagkasunduan, sabay na rin daw kaming uuwi at kung pwede ay maglunch na rin.

Today is the first day of our school. 5 AM pa lang naman so nagdesisyon muna akong magworkout dahil medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagworkout.

Sa loob lang ako ng aking kwarto nagworkout. I think I spent 30 minutes of excercising at nagdesisyon na akong magpahinga. Habang nagpapahinga ako, pinicturan ko ang aking sarili sa malaking mirror sa aking kwarto and I posted it on ig.

Pagkatapos kong magscroll sa aking mga social media accounts ay itinabi ko na ang mat na ginamit ko at pumunta na ako sa bathroom para maligo.

I decided na magbabad muna kahit sandali lang sa bathtub dahil maaga pa naman. Pinuno ko ng maligamgam na tubig at nilagyan ko ng lavender body wash soap.

Pagkatapos kong maligo ay tinuyo ko ang aking sarili at nagsuot ng bathrobe bago lumabas ng banyo. Naglagay ako ng lotion at ginawa ko ang aking routines sa mukha.

Pagkatapos kong maglagay ng kung-ano-ano sa aking mukha ay pumunta ako sa closet ko at kinuha ko 'yong white sleeveless dress na hanggang hita from Forever 21, kinuha ko rin ang aking black pumps.

Pagkatapos kong magbihis ay chineck ko kung ayos na ba ang laman ng aking bag, naglagay rin ako ng panyo, payong, powerbank at iba pang gamit.

Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok at nagsout ako ng relo.

Nang masiguro kong ayos na ang aking sarili at gamit ay kinuha ko ang aking phone at tinignan kung anong oras na. It's already 7AM at nakita ko rin na may nagtext kaya naman tinignan ko.

Pagkatingin ko kung sino ang ang nagtext, it's Matt kaya naman binuksan ko ang kanyang message.

From Matt:
Pupunta na ako dyan.

Habang hinihintay ko si Matt ay nagbasa muna ako ng libro na binili namin noon. Ilang sandali lang ay may kumatok na kasambahay at may sinasabi.

"Ma'am Iana. Nandito na po si sir Matthew." Magalang na sabi ng kasamabahay kaya naman binitawan ko na ang librong binabasa ko.

"Opo! Susunod na po." Sabi ko at kinuha ang aking bag at ipinasok doon ang aking phone bago lumabas ng kwarto.

Naglakad ako ng dahan-dahan pababa dahil baka madapa ako, pagkababa ko naabutan ko si Matt na nakaupo sa isang sofa sa sala at ng makita niya ako ay umayos siya ng upo.

"Let's go?" Tanong niya at tumayo habang hawak niya ang kanyang bag.

"Yeah, sure." Sabay kaming nagkalad papuntang kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at pumasok at saka ko kinandong ang aking bag. Umikot naman siya para pumasok sa driver's seat at inilagay niya ang kanyang bag sa backseat para makapagdrive ng maayos.

Habang nagdadrive si Matt at ako naman ay tinitignan ang mga dinaraanan namin ay tumunog ang aking phone na nasa bag. Tinignan ko kung sino ang nagtext at ng nakita kong si Aria ay binasa ko.

From Aria:
Girl, let's in the school's cafeteria today, bilisan mo, hintayin ka namin ni Zhav.

Siguto ay papunta na rin sila sa school. Hindi na ako nagreply at ibinalik ko nalang ang aking phone sa bag at tumingin ulit sa labas.

Bound To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon