Chapter 7

13 0 0
                                    

Chapter 7

Ganon ang mga nangyari sa bawat araw na may pasok. Susunduin ako ni Matt sa mansion at sabay kaming papasok. Depende na sa oras kung saan kami kakain ng almusal at kung kasabay ba namin ang mga kaibigan ko dahil minsan nagmamadali sila o kaya naman kami ni Matt.

Na-meet ko na rin ang nga kaibigan ni Matt na si Levi at Dave. Minsan kapag wala ang mga kaibigan ko ay sila ang kasabay naming kumain ng tanghalian. Hindi ko lang sigurado kung kilala ba nila ang mga kaibigan ko.

Sabay rin kaming umuwi ni Matt kapag may pasok. Minsan ay siya ang maghihintay sa akin at minsan naman ay ako ang maghihintay, depende sa sched namin. Kapag may kailangan kaming bilhin ay dadaan muna kami sa mall bago niya ako ihatid pauwi.

Sa weekends naman ay minsan hindi papasok sila mom sa trabaho para makapagbonding kami at minsan ay mamamasyal si Matt dito sa bahay at manonood lang kami ng movie o kaya naman ay sabay naming gagawin ang mga pinapagawa ng prof.

Maganda rin yung laptop na nabili ko, kaya lang ay napapaisip ako kung bakit namatay nalang bigla ang isa kong laptop.

Naalala ko rin yung kapatid ni Matt, hindi ko pa pala siya nabibisita. Sabagay, ay pwede ko na siguro siyang puntahan kapag sinisipag ako.

3 months na simula nung nagklase kaya medyo hindi pa kami busy pero hindi rin naman kami ganon kaluwag sa sched. Minsan ay pagpupuyatan ko pa ang mga ginagaw ko dahil naninigurado ako, baka kasi magkapalpak minsan at sayang naman ang grades ko.

Sa school kapag nagla-lunch kami ay bibisita sila Cera para makisabay sa amin kumain kapag maluwang ang sched nila. Kapag naman hindi ganon kaluwag ang mga sched namin ay minsan nalang kami magkita-kita.
Pasalamat ko nalang na nakakapaglunch pa ako kahit medyo marami ang mga pinapagawa.

"Sino yun?" Takang tanong ko habang nakakunot ang noo at tinitignan ang isang sasakyan sa harap ng bahay.

Pauwi na kasi kami mula sa school at ihahatid ako ni Matt. Nakapasok na kami ng gate ng bahay pero habang papasok ang sasakyan ay may napansin kaming nakapark na isang sasakyan malapit sa entrance.

"Do you have visitors for today?" Tanong rin ni Matt ng napansin sin ang sasakyan.

"Wala naman sinabi sila mom. Kapag naman makikipag-meet up sila lolo ay magpapareserve sila sa restaurant." Sabi ko habang kandong ang aking bag from Guess at mga libro dahil hindi kasya sa bag.

"I think that's my dad's car." Sabi ni Matt ng makalapit kami at napabuntong-hininga siya.

Nagtaka ako kung kung bakit nandito sila tita pero hindi na dapat ako magtaka dahil may fiance na ako.

Naunang lumabas si Matt at pinagbuksan niya ako kaya naman nagpasalamat ako. Habang sinusuot ko ang aking bag ay hinawakan ni Matt ang mga libro. Sinubukan kong kunin ang mga libro pagkatapos kong isuot ang bag ko pero nagsalita siya.

"Ako na." He said using his husky and manly voice. Ngumuso nalang ako at tumango at sabay kaming pumasok ng entrance ng bahay at hinawakan niya ang aking pulso.

Pagkapasok namin ay naabutan namin sila mom at tita sa sala at nag-uusap. Napansin nila kami kaya naman nabaling sa amin ang kanilang tingin.

Napatingin si mom sa kamay ni Matt na nakahawak sa aking pulso kaya naman ngumisi siya sa akin at ako naman ay nag-iwas ng tingin.

Lumapit kaming dalawa ni Matt at umupo sa mahabang sofa. Si Matt ay bumati kay dad, lolo at tito saka siya bumeso kina mom at dad, ako naman ay nagsalita.

"What's with the meeting?" Pabiro kong sabi at bumeso sa kanila. Si mom at tita naman ay napatawa.

"We're planning to make you stay in Matt's condo." Sabi ni mom sa akin habang nakangisi. Ako naman ay hindi na nagulat dahil sa ngisi pa lang ni mom kanina ay alam kong may plano siyang kung-ano-ano.

Bound To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon