MRTLG (NV) Twenty-Six

6.8K 248 36
                                    


---------------

Hide

---------------

Third Person

Di matigil sa pagtili ang dalawang babae ng makita ang isang duguang tao na humawak sa magkabilaang paa nila.

“OMGG!”

“T-tulong...” Napahinto sila ng mapagtanto kung sino ito.

“M-Mr. F-fryo?!” Natatarantang sabi ng dalawa.

Hindi sila nagkakamali...

Ito ang isa sa assistant ng HM.

“Lentek!” Napatingin sila sa kabilang dako kung nasaan sina Kycer, Lawrence at Venth.

Nakatulala ang mga ito sa harapan. Wala na rin silang ungol na naririnig.

“A-anon—”

Napasinghap sila sa nakita.

“T-tul-l-longan...n-n-n-yo k-k-kam-i...” Hindi na nagdalawang isip ang lima na tulungan ang dalawang assistant ng HM na duguan.

Pinasok ni Wavery sa bubbles ang dalawa.

“The fck anong nangyari?!” Galit na saad ni Venth

“San natin sila dadalhin?” Tanong ni Airene habang nakatingin sa dalawang nasa loob ng bubbles.

“Hindi natin sila maaaring ilabas dito. Makakatunog ang mga taong may gawa nito sa kanila.” Sabi ni Lawrence

Tumango naman si Venth.

Napatingin si Airene sa Drassier na nakahandusay sa sahig may malaking sugat ito sa bandang leeg.

“H-H-HM...” Napalingon ang lahat kay Fryo.

“Saan si HM?” Tanong nina Wavery

“W-wa-al-la..”

Hinimatay ito.

Nagpanic silang lahat.

“OMGG. Ano nang gagawin natin?!” Naiiyak na saad ni Airene

“Calm down.” Lumapit si Kycer sa bubbles sinenyasan niya si Wavery na iwala ang bubbles.

Nang mawala ay lumapit dito si Kycer at tinapat ang dalawang kamay sa dalawang taong nakahandusay sa sahig.

Lumiwanag ang magkabilang kamay nito kasabay don ang pagdaing nina Fryo at Drago.

“It's just temporary. We need to bring them somewhere.” Sabi ni Kycer.

Nagkatinginan sila Airene, Venth at Wavery.

“You have healing powers, Superior?” Tanong ng mga ito habang si Lawrence ay naguguluhang nakamasid lang sa kanila.

“No. I just gave them energy.” Tumango ang tatlo sa sagot ni Kycer.

Mystiqua Royale : The Legendary Goddess (New Version) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon