4. Rules

16.9K 458 922
                                    

Para sa iyo Mary, ang kinaiisan sa Sweetest Lie pero bida sa puso ni Mark. Pambawi:)

________________________________

Mary Ann

When I stepped out of the bathroom, I saw a foreign surrounding. I looked around and felt relieved, wala pa si Mark sa kwarto. Still I held it tight, ang twalyang nakatakip sa hubad kong katawan. I'm holding it as if my life depends on it.

Hindi ako sanay na nagbibihis sa loob ng banyo. Nasa ilalim na ako ng shower nang maalala kong dapat ay nagdala ako ng damit na maisusuot. Nasa ibang bahay nga pala ako at wala sa hotel. Mabilis na lumapit ako sa pinto at ni-lock ko iyon bago ako kumuha ng pantulog at underwear.

Pagkasuot ko ng panty at bra ay inalis ko na twalya sa katawan ko. Umupo ako sa paanan ng kama at ibinalot ko sa twalyang hinubad ko ang buhok ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anumang sandali maririnig na ko na ang katok ni Mark at makakasama na kami dito sa loob ng kwarto.

Ano bang naisip ko at pumayag ako sa ganitong set-up?

Sumama ako sa lalaking kailan ko lang nakilala at hindi ko pa boyfriend. Pihadong malulungkot ang Nanay ko kapag nalaman niya ang ginawa ko. Pihadong aatakihin iyon sa puso.

Bakit ba kasi siya humantong sa ganitonng sitwasyon?

Isinuot ko ang pajama top. Natagalan ako na hilahin iyon kasi hindi ko nabuksan ang unang butones. Pagkasuot ko ay bigla na lang akong napasigaw. "Ayyy!"

"Easy, ako lang ito." Nakangiting sabi ni Mark.

"Anong ginagawa mo dito? Papaano ka nakapasok?" Nilingon ko ang pinto at nakita niyang sarado pa rin naman iyon.

"Kanina pa ako nandito sa loob. Nagtago lang ako sa likod nun ng buksan mo yung pinto ng banyo." Turo nito sa lazy boy sa gilid ng kwarto nito. "Ang tagal ko ngang naghintay. Ang tagal mo palang maligo, sana sinabayan na lang kita."

Bumaba ang tingin niya sa na ka-expose kong legs. Mabilis na hinanap inalis ko ang twalya sa ulo ko at itinakip ko iyon sa mga hita ko. Lumingon-lingon din ako para hanapin ang pang-ibabang pajama ko.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Mark sabay taas ng pajama.

"Akin na yan!" Tumayo ako at sinubukan kong kunin iyon sa kamay niya. Pero dahil likas na mataas siya sa akin at itinaas pa niyang lalo ang kamay niya, nahirapan akong abutin iyon.

Humawak ako sa dibdib niya habang nakatingkayad ako at pilit kong inaabot ang hawak niya. Napasigaw ako ng bigla niya akong hapitin at iniangat niya ako gamit ang isang kamay.

"Ang gaan naman ng baby ko." Bulong nito sa akin.

Nagpantay ang mga mukha namin. Inihagis niya sa kama ang hawak na pajama at ginamit niya ang nalibreng kamay para hawakan ako sa mukha. Libo-libong boltahe ang naramdaman kong dumaloy sa akinng katawan na hindi ko namalayan na napapikit ako dahil doon.

"Bakit nakapikit ka na agad, hindi pa naman kita hinahalikan?" Mapanuksong sabi niya sa akin.

Hindi na ako nagulat ng pagdilat ko ng mata, nakitang kong sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Halos magkadikit na ang aming mga ilong. Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Ann think!

"Ano pang hinihintay mo?"

Pareho kami ni Mark na nagulat sa tanong ko. Ano bang nangyayari sa akin at nasabi ko ang mga bagay na iyon? Para tuloy inaakit ko pa.

"Gusto mo bang halikan na kita?" Mark kissed my nose.

Napapikit akong muli ng maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

Naguguluhan ako dahil may isang parte ng pagkatao ko na nagsasabi na itulak ko siya palayo at isang parte naman ay naghuhumiyaw sa pagnanais na ituloy ni Mark ang paghalik sa akin.

"I don't want you think Baby." Mark said after kissed my cheek. Napapikit ko ng maramdaman ang sensual na paghalik niya sa pisngi ko. Inalis ni Mark ang kamay niya sa pisngi ko at pinagapang niya iyon sa leeg ko hanggang sa pagitan ng dibdib ko. "I want you to feel."

Lalo kong nahigit ang paghinga at napahawak ako sa balikat niya.

"Mark, please." Usal ko.

"Please what?"

"Kiss me." Nawala ako sa aking sarili.

"No." Naramdaman kong ibinaba ako ni Mark at nagtatakang sinalubong ko ang tingin niya. "Not unless you say you love me."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Humakbang ako palayo sa kanya. Napahinto lang ako ng bumangga ang mga legs ko sa kama.

"Bakit bigla kang naduwag?" Nakangiting sabi ni Mark. "Kanina naramdaman ko na handa ka ng isuko sa akin ang lahat."

"Ano bang sinasabi mo?" Pagkakaila ko.

Inisang hakbang lang ni Mark ang pagitan namin at muli niya akong hinapit. "Don't deny it Mary. Pareho tayo ng nararamdaman sa isa't isa."

Napasinghap ako ng maramdaman kong bumaba ang kamay niya at haplusin ang pang-upo ko. Wala akong suot na pang-ibaba, maliban sa panties at hindi naman sapat ang pang-itaas kong pajama para takpan ang likuran ko.

"The touch of my hand, you cannot resist. See, your body is yearning for me." Hinalikan ako ni Mark sa labi pero napakabilis lang. Bago ko man maipikit ang mga mata ko ay inilayo na niya ang mukha sa akin. "Pero hindi ko hahayaan na samantalahin mo ako. Kailangan na alam ko muna na mahal mo ako bago ko ibigay ang sarili ko sa iyo." Idinikit niya ang isang daliri sa dibdib ko, malapit sa kung saan naroon ang puso ko. "Gusto ko ako lang ang nilalaman nito. Wala ng iba."

"Maghihintay ka sa wala. Isang linggo lang Mark. Iyon lang ang usapan natin." Matapang na sinalubong ko ang mga tingin niya. "At alam mo ang dahilan kung bakit ako pumayag sa ganitong set up because of Et---"

Naputol ang nais kong sabihin ng sakupin niya ang mga labi ko. Hindi gumalaw ang mga labi ko. Nanatili lang na magkadikit ang mga labi namin.

"I made a promise that I will not hurt these lips again." Sabi ni Mark habang sobrang lapit pa rin ng mga labi namin sa isa't isa. "Pero don't push me so hard Baby. Rule number one, sa loob ng kwartong ito, akin ka, ang buo mong pagkatao pati ang puso mo. Kung hindi mo pa kayang sabihin na mahal mo ako, ayokong maririnig mula sa iyo na may mahal ka pang iba."

Binitwan niya at tinalikuran niya ako.

"Mark." Tawag ko sa kanya. "Rule number two, huwag umasa sa mga bagay na imposible."

Nilingon ako ni Mark at ngumiti sa akin ng ubod tamis. "Understood! Pero walang imposible sa mundo ko. Maniwala ka, mamahalin mo rin ako."

Napaupo ako sa kama at sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng bathroom. Napahawak ako sa dibdib ko. Anong ibig sabihin ni Mark? Akala ko isa lang itong kasunduan? Pero bakit ang laki ng hinihingi niya sa akin.

Mamahalin mo rin ako?

Ibig sabihin ba mahal ako ni Mark?

Imposible!


Sweetest Trade (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon