AYATO's POV
*yawn*Sabado. Salamat naman. Super stress na ako sa sch-----
Stress pa din pala ako. Aalis nga pala ako dahil gagawa kami ng music video. Bakit kasi musci video pa? Meeting pa lang naman guys! Kalma ha?
Mamaya pa namang tanghali ang meeting namin. 11:30 pa lang naman. Teka... 11:30?! What the fck?!
Agad akong tumayo mula sa kama at tumakbo papuntang banyo. Langyang si Avy hindi ako ginising. Sinabihan ko syang gisingin ako eh, mahirap bang gawin 'yun?! Kapag sya ang mag-uutos tapos hindi nagawa, akala mo magkakaroon na ng World War 5. Tapos gigisingin lang ako, hindi pa magawa.
12:45 na nung natapos ako sa lahat ng pag-aayos ko pati pagkain ko ng lunch. Hindi ko kinausap si ate at umalis na agad sa mesa. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang bag, 1pm kasi ang usapan namin. Late na ako.
Wala si mommy at si daddy, kaaway ko si ate, wala si manang, kaya umalis ako ng walang paalam. Badtrip nga ako kay Avy!
Pumunta ako sa school kasi dun na lang magkita kita. Andun na si Shou at Klarisse. Early bird! Excited mga 'to. Hinintay namin 'yung iba pa saka kami nagmeeting. VIP si Rence, pucha! Akala mo hihintayin namin sya ng matagal dun sa gate ng school, umasa sya.
Si Rikka at Rence ang gaganap na protagonists sa music video. Ang kanta: All of Me. Maganda naman ang boses ng unggoy na lalaking 'yun kaya pwede na. Kahit VIP 'yun, may mapapala ka naman dun.
After mag-isip ng concept, umuwi na din sila. Ako? Pupunta ako kina Reinsler. Ayoko nga sa bahay, kasama ko si ate. Kaaway ko nga 'yun.
*beep*
From: Reinsler
Dude, asa schoolgrounds kami. Sa field. Miss mo na ako?Yuck. Minsan hindi muna iniisip ng lalaking 'yun kung may mandidiri sa sasabihin nya. Pumunta ako sa field at nakita ko si Reinsler.
"Saan mo balak pumunta?" Tanong agad nya.
"Asan mga grupo mo?" Balik na tanong ko na naman.
"Bumili ng pagkain. Hindi ako sumama, alam ko namang miss mo na ako," hindi ko sya pinansin. Naglaro na lang ako ng bola. Parang gusto kong maglaro ng soccer or basketball.
Pero nevermind. Tinatamad pala ako.
"Yo!" Bati ng isang lalaki mula sa likod.
Nakita ko si Monster Girl at iba pang babae, pati na lalaki. Ito ba? Ito ba ang grupo nila? Edi wow. Ayos ah. Walang pangit.
"What're you doing here?" Mataray na tanong ng kaaway ko. Ang dami kong kaaway. Warfreak na din ba ako tulad ng mga babae?
"For me. Don't worry, Shin. I guarantee, he will cause us no trouble," sabi ni Reinsler.
"Okay. Sabi mo eh," at 'yun na lang 'yun tapos umalis na sya.
"Ayato, she will not harm you as long as I'm around," sabi ng fiancee nya.
"Ha! Sana dito ka nag-aral. Amazona ata 'yang fiancee mo eh," bulong ko.
"I know. She's scary as hell, but you you don't to worry about her eating you alive," agad akong tumingin sa sinabi nya. Kumakain ng buhay ang babaeng 'yun?! "I already asked Reinsler to pet her for me," dagdag nya.
Pet? Hayop lang? Ganun na ba nakakatakot ang halimaw na 'yun at kailangan pang may magbantay at magpakalma sa kanya?
"Tinatakot mo 'yung tao, Shiki," komento ng isang babae.
Oo, ako na takot kahit hindi. Edi magkakainan kaming dalawa. Akala mo sya kang kumakain ng buhay na tao.
"Right! Ayato, here's Caruie, Tamayo, And Kou. I'm Shiki and there's your bestfriend, Reinsler," Ah, Shiki pala pangalan nya. Akala ko forever unknown na lang ang name nya para sa akin eh.
BINABASA MO ANG
Wrong Girl
Teen Fiction"Sorry to give you the wrong idea. I didn't mean to hurt you. I just want to help you." -(c)Shin Kira