AYATO's POV
"Let's meet again someday."
"Then let's —"
I've been having this dream over and over again. That dream was a fragment of the promise from ten years ago. I am always relying on this fragment to help me remember what I had forgotten. I want to remember what the entire promise was all about because I know it's important. A really important promise. I'm always haunted by this dream.
Okay, that's enough.
Guys, ako nga pala si Ayato Shuu Alavarez. 17 years of age. May isa akong ate, si Akari Reina Alavarez. Sikat? Nah. Hindi ako yung tipo ng lalaki na nakakakuha ng atensyon ng mga babae. Being an unpopular type of guy has an advantage. I can live a peaceful life. Top four in our batch, and mayaman din naman kami.
Madalas wala ang mom ko pero nandito si dad para alagaan kami. Alaga nga ba? Inuutusan lang naman kami nun. May business din kami dito sa bansa at si dad ang nagmamamange nun. At least, may ginagawa syang iba maliban sa utusan at lokohin ako.
Tahimik ang buhay ko sa school hindi tulad ni Reinsler na kulang na lang ay ikulong ng mga babae. Gwapo kasi ng kaibigan ko, ang sarap saktan minsan.
Everything would have been peaceful until today. How do I know? Instinct.
"Akari! I'm going ahead of you!" Paalam ko.
"Be careful!"
"Alright!"
***
Hindi na ako nagpahatid sa driver namin. Maaga pa naman kaya may oras pa akong maglakad. I stretch my arms. Antok pa ako. Bakit kasi ang daming assignments na ibinibigay? Tapos may math pa! Saan ko ba kasi magagamit ang mga theorems at formulas na 'yan? Plus at minus maiintindihan ko pa eh, pero ang mga slopes? Find x, y and z. Para saan? Nasa alphabets lang hindi pa makita, kailangan pang hanapin.
My hands in my pockets, I yawn. Sana walang pasok. Inaantok ako lalo kapag nakikita ko ang school. School disease.
Maaga pa masyado kaya wala pang masyadong naglalakad. Maglong cut na lang ako.
I turn right which I totally regret.
*BOOOOOOOGSH*
"Itai." [T/N: Ouch.]
"Aray."
"Ā! Sumimasen! Watashi wa isoide ne. Mōshiwakearimasen futatabi!" [T/N: Oh! Sorry! I'm in a hurry! Sorry again!]
Yeah, right. It was a girl. After she hit, kneeled, and stepped onto me, he fled the scene. Nice. At least nagsorry sya.
Tumayo ako at kinuha ang bag kong lumipad kung saan. Ang sakit talaga. Ang lakas g babaeng 'yun ha. Grabe. Halimaw ata ang isang 'yun. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi ko, may dugo kaya pala masakit. Pero hindi naman malaki ang sugat, masakit lang talaga.
BINABASA MO ANG
Wrong Girl
Teen Fiction"Sorry to give you the wrong idea. I didn't mean to hurt you. I just want to help you." -(c)Shin Kira