Criza.POVSabay kami nagmaneho ni Zen patungo sa apartment namin, diko pa rin maalis sa isipan ko kong gaano ka oa si Casandra may pasabi-sabi pa siyang sinaktan namin siya! Mabuti nga siya bibig lang gamit ni Zen sa kanya at hindi suntok baka maglumpasay din yung boyfriend niya, Mga enggot sila maganda nga sumbonggera naman! Gwapo nga ang pangit ng ugali!!
Unang pumarada sa tabi nang apartment namin si Zen kaya hinubad niya ang helmet niya at kitang kita ko ang salubong niyang kilay. Dahil siguro sa bruhang Casandra nayun at ang mga alagad ni Majinbu! Mga enggot naman. Una nang pumasok si Zen sa apartment di ko pa kasi nahubad ang helmet ko. Agad akong pumasok sa bahay at hinanap ko si Zen for sure tulog na naman yun, Agad ko iginala ang paningin ko malaki nang kunti ang nakuha namin na apartment ni Zen pero malaki din ang bayad nito pero ok lang atleast may matutuluyan kami kaso di pa kami nakapag linis baka sa tuesday pa kami makapag linis nang bahay busy din sa school ehh. Kaya agad ako pumunta sa kwarto ko para makapag bihis pagka tapos ko mag bihis ay dumiristo na ako sa kusina para makapagluto na.
"Zeeennnn!" sigaw ko sa labas nang kwarto ni Zen.
"Hmmm"
"Anongg hmmm? Baba kana at kakain na tayo!!bilisan mo dyan!!" sigaw ko uli sa kanya kasi alam ko kapag salubong ang kilay nito hindi na naman to kakain.
"Ano ba!!ang ingay ingay mo!" inis na sigaw niya.
"Bilisan mo kasi dyan!! Zeñiahh Luz Mendozaaa!hihitayan kita sa baba!" sigaw ko ulit kapag yan hindi sinigawan ay hindi talaga yan gigising.
"Oo na!"
Kaya bumaba na ako para makapag handa na nang pagkain ang niloto ko lang ay tocino at itlog kasi yan lang ang madaling lutoin. Kasi kanina pagkatapos ko magluto ay naglinis ako sa kwarto ko, ang tagal talagang bumaba nang babaitang yun. Hinitay ko siya na ilang minuto at bumaba na rin. Plain Black T-shirt at kulay pink na pajama na unicorn ang design.
"Bat ba ang tagal mo?!" inis na sigaw ko sa kanya para kasing may anak ang tagal kong kumilos.
"Kain na nga lang tayo,ang inggay inggay mo." sabay subo niya sa pagkain.
Siya na ang nag presinta na maghugas nang pinggan kaya ako ay nalilinis sa sala para kahit papaano kunti nalang ang lilinisin namin sa saturday. Natapos na ako sa paglilinis tapos na din si Zen sa paghugas nang pinggan kaya umopo muna kami sa couch para manood nang telebisyon.
"Ano kaya ang mangyayari satin bukas?" tanong ko kay Zen na ang paningin ay nasa telebisyon. "For sure may mag bubully sa atin."
"Ok lang na e-bully tayo basta wag lang tayong saktan." sabay upo niya na naka dekwatro.
"Sana nga lang Zen." Sana lang talaga gusto naming grumaduate no!
"Akyat na ako Criz,antok na ako eh." sabay hikab niya halatang antok na nga.
Tinapos ko lang ang panood ko nang telebisyon at umakyat na ako sa kwarto ko para makapag pahinga na, naligo muna ako at nagbihis nag routine kunti sa mukha at katawan ko para stay fresh ako hehehe naka higa na ako at di parin ako dinadalaw nang antok kaya pinikit ko ang mata ko para makatulog ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising mga 5:30 am para makapag handa nang pagkain dumiritso muna ako sa banyo para makapag sipilyo pagkatapos ko ay dumiritso na ako sa pagluluto kaya may kunti pa akong oras ay naglinis na muna ako nang bahay. Ako talaga ang maagang gumigising kasi kapag si Zen matagal gumising yun at siya ka di rin yun marunong magluto kaya maaga talaga akong gumising. Pagkatapos ko ay pumunta na ako sa kwarto ni Zen.
BINABASA MO ANG
Just You
Non-FictionNa-Inlove ka na ba? Oo na-inlove na ako sa maling tao pero isinugal ko parin ang pagmamahal ko kahit walang natira sa'kin. Nasaktan ka na ba? Oo nasaktan na ako nang paulit ulit maraming klaseng uri nang nasaktan, pamilya, kaibigan, mag asawa, boyfr...