“Tangina mo!” sigaw ng babae kay Toyang habang nananatili siyang nakaupo at kumakain ng spaghetti.
“Ang lakas ng loob mong landiin ang boyfriend ko! Akala mo maganda ka? Pwes hinde! Napakapangit mo at ang dumi-dumi mo pang hampaslupa ka!” pagpapatuloy pa niya.
“Talagang uupo ka lang dyan, Toyang? Di mo kikibuin yang babaeng yan? Naririndi na yung tenga ko eh.” bulong ng tropa niyang si Jed.“Pabayaan mo siya. Lakas ng loob eh.” bulong naman niya pabalik.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo habang bitbit ang spaghetting di naubos. Nakakawalang-ganang kumain kapag ganyan ang kaharap mo. Panira ng tanghalian, bwisit.
“Hoy! San ka pupuntang babae ka? Hindi pa tayo tapos!” pahabol pa ng bruha. “Tsk. Sabagay ganyan naman kayo eh. Manang-mana ka talaga sa nanay mong pokpok.”
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Nagdilim ang paningin niya at namalayan na lamang niyang nakangudngod na ang mukha ng bruha sa spaghetting hindi naubos habang nakasabunot ang kamay niya sa mahaba nitong buhok. Nakatingin sakanila ang mga tao sa canteen habang ang mga kaibigan ng bruha ay handang sugurin siya.
“Ikaw ang putangina mo. Hindi ako pumapalag sa katulad mo pero wag na wag mong idadamay ang nanay ko kung ayaw mong ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo.” pagbabanta ni Toyang sa kanya.
“Tsaka yang boyfriend mo? Bakit di mo tignan yung cellphone niya kung sinong unang nagbigay motibo saming dalawa? Kasi sa pagkakaalala ko, di ako pumapatol sa katulad nya.” pagpapatuloy niya. Idiniin niya pa lalo sa pinggan ang mukha ng babae hanggang sa makarinig siya ng kaunting pag-iyak.
“Wag na wag mo akong hahamunin ng away. Di mo alam kung sino kinakalaban mo.”