Agad na napaatras si Charles at napatunghay para makitang si Monty pala ang nabangga niya. “Umalis ka nga sa daanan! Ang laki mong harang!” sigaw niya kay Monty sabay lakad palayo. Di pa siya nakakalayo ay hinila siya ni Monty gamit ang kuwelyo ng kanyang uniporme.
“Tangina ka. Laki ng problema mo sa mataba ah?” pikon na sabi ni Monty. Sinubukan maglakad ni Charles papunta sa kabilang direksyon para lang mabangga naman si Jed na mas matangkad sa kanya.
“Hoy payatot! Ibalik mo nga sa kanya yang pera nya.” tukoy ni Jed kay Cris. “Wala bang pampakain sayo yung nanay mo at kelangan mo pang mang-agaw ng baon ng iba?”
Napagitnaan ni Monty at Jed si Charles na hindi makapalag dahil parehas silang mas malaki at mas matangkad sa kanya. Sinubukan niyang magpakawala ng suntok para kay Monty pero nakailag naman agad ang lalaki. Binuhat ni Monty ang nakapapayat na para bang isa tong sako ng bigas. “Sa principal ngayon ang bagsak mo.” sambit ni Jed habang naglakad na sila palayo mula sa eksena.
Naiwan namang tulala at tameme si Cris dahil sa nangyari. Unang beses ito na may “nagligtas” sa kanya mula sa pambubully ni Cris at ng tropa niya. Madalas ay walang nakakapansin sa pang-aabuso ng mga ito sa kanya. Madalas ay umuuwi siyang may pasa o gutom dahil sa mga kalokohang ginagawa ng mga ito sa kanya. Minsan pa nga ay pinapahiya siya ng mga ito sa hallway o kaya naman ay tinatapunan ang bag niya ng kung ano-ano, pero ni isang beses ay di niya nakuhang lumaban. Gusto lamang niyang makagraduate nang tahimik at walang gulo.
“Ayos ka lang, kid?” tanong ng isang babae sa kanya na siyang sinagot lamang niya ng isang tango. Masyado pa siyang gulat sa mga nangyari para makapagsalita. “Eto salamin mo oh. Tumalsik ata nung hinawi ka nung mga kumag.” sabi nito sabay abot kay Cris ng isang salaming basag na ang isang lente. Kinuha naman ito ni Cris at nilagay sa bulsa ng uniporme niya.
“Di ka pa ata kumakin dahil dun sa siraulong yun.” pagpapatuloy ng babae. “Sayo nalang tong sandwich ko. Di ko pa naman yan nababawasan.” nakangiting sabi pa nito sabay aboy ng sandwich na nakabalot sa kanya.
“Wag kang mag-alala, di yan madumi.” dagdag pa nito bago siya tawagin ng mga kaibigan niya. “Hoy Toyang! Tara na! Andyan na daw si Ma’am!”
Muling sumulyap sa kanya ang babae. “Ingat ka sa susunod, kid.” sabi nito bago maglakad palayo.
Toyang
Napakagandang pangalan.