“Pre! Wassup brodie?” sigaw ni Jed sabay akbay sa tropa. “Napagalitan ka ba ni Bossing kahapon?”
“Di naman. Napagsabihan lang.” pagkikibit-balikat nito sabay upo sa lamesa namin. Inabutan siya ni Monty ng sandwich tsaka softdrinks habang si Jack ay may sinusulat at si Dean naman ay nagtotono ng gitara. Sila madalas ang magkakasama tuwing lunch break, uwian at kung kelan pa may oras tumambay.
Napakamot si Jack sa ulo niya dahil sa inis. “Ano ba naman to! Bakit kasi kelangan pa mag-aral ng Math?! Di ko naman to magagamit kapag nagmacho dancer ako sa gay bar!” pikon niyang bulalas.
“Alam mo? Ikaw? Kung anu-ano pinagsasabi mo. Kilabutan ka nga.” panenermon ni Monty habang binatukan naman ni Dean si Jack. “Aray ko naman! Makabatok kala mo ang gaan ng kamay eh!”
“Patingin nga!” sabi ni Toyang sabay agaw ng papel na hawak ni Jack. “Eh ang dali lang neto eh! Pahiram ng ballpen.”
“Yown! Buti pa si Toyang tinutulungan ako. Di nyo ako mahal!” pagdadrama ni Jack. “Oo di ka namin mahal, halatang kulang ka sa aruga eh.” natatawang sabi naman ni Jed.
“Hoy, Jack! Wag ka pakakampante. Hindi libre tong pagawa mo ng assignment sakin. Wala nang libre sa mundo.” sabi niya habang napasimangot naman si Jack. “Awit sayo, Toyang. Pagawa nalang ako, libre ko nalang yung DOTA mamaya.”
“Libre mo nalang ako ng meryenda. Pass muna ako sa laro.” sabi niya habang mabilis na sinusulat ang sagot sa papel. “Bakit ba kasi ngayon ka lang gumagawa neto? Kung kelan naman sunod na subject na yung Math eh.”
Napakamot sa batok si Jack at nag-iwas ng tingin. “Eh kasi...” panimula nito. “Nahila ako ni kuya sa inuman eh.” sabi niya na naging dahilan para batukan ulit siya ng apat.
“Ayan! Lumalabas ang pagkalasinggero mo!” sabi ni Monty.
Natigilan silang lima sa ginagawa nila nang makarinig sila ng pagbagsak ka kabilang parte ng canteen. Ilang mga tao ang nagkukumpulan at halatang may pinapanood na gulo.
“Tama na kasi! Pinaghirapan kong lutuin yan eh!” sigaw ni Cris habang patuloy ang pag-agos ng luha niya habang pinapanood niyang tinatapon ni Charles ang baon niya.
“Ah talaga? Wawa naman ang baby wala nang pagkain.” panunuya ng mga tropa ni Charles sa kanya habang pilit niyang inaabot ang baunan mula sa lalaki. Malakas siyang hinawi ng mga kaibigan nito dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig.
“Di mo na kelangan yung pagkaing yun. Taba-taba mo na eh.” sambit ni Charles habang papalapit sa kanya matapos nitong maitapon lahat ng pagkain sa baunan niya. “Tumayo ka dyan. Tayo! Ilabas mo bulsa mo at akin na yung pera mo!” sigaw nito sa kanya.
Nanginginig na tumayo si Cris at nilabas ang bulsa niya. Napangiti ang kumag nang makakita siya ng isandaan sa bulsa nito. Agad na kinuha ito ni Charles at sinubukang maglakad palayo hangggang sa may mabangga siyang katawan.
“San ka pupunta? Tingin mo makakaalis ka ng ganun nalang?”