Chapter 1: In Love

35 3 0
                                    

Rhane's POV

"Mahal, gising ka na. Kain na tayo. Pinaghanda pa naman kita ng breakfast." sabi niya habang yakap yakap ako. Naghikab muna ako tapos humarap sa kanya.

"Ang sweet sweet talaga ng asawa ko. Pinagluto pa ako ng breakfast. Kaya mahal na mahal kita eh." ngumiti ako ng sobrang lapad.

"Mahal na mahal na mahal din kita." tapos pinisil niya yung cheeks ko. Yiieehh! Kinikilig akooo. ^_^

Bumababa na kami sa kusina para kumain. Ang niluto ng asawa ko ay bacon, egg at fried rice. Pagkatapos namin kumain, naghanda na ang asawa ko sa trabaho.

Pagkababa niya ng hagdan, inayos ko yung tie niya at binigay yung briefcase niya. Hinatid ko siya sa may gate.

"Mahal, bye na. Ingat ka sa trabaho mo." patalikod na ako nang hinigit niya ako.

"May nalimutan ka ata mahal ko?" sabi niya habang nakalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Ano yun mahal?" tapos palapit siya ng palapit sa mukha ko at at-...

*Kring*Kring*Kring*

"Hanuba yan! Panaginip lang pala! Kala ko totoo ehh.." =___=

Sabi ko habang nakasimangot at nakapikit. Kakainis, yun na eh, yun na yung part na ikikiss ako ni ...-

"Hoy! Anak! Nagsasalita ka mag-isa diyan? Baliw ka na ba?" sabi ni mama habang nakahawak siya sa bibig niya.

"Mama naman. Kung baliw ako eh di baliw ka din?" tapos tumawa ako ng tumawa.

"Ikaw lang ang baliw. Bilisan mo na nga dyan anak, maligo ka na at kakain na tayo ng breakfast, baka malate ka pa sa school." sabi ni mama at pumunta na ako sa c.r para maligo. Tulad na tulad talaga kami ng ugali ni mama, PATAWA eh. Minsan feeling ko ate ko na din si mama, sinasabi ko lahat kay mama yung mga problema ko at syempre mga secrets. *-*

Pagkatapos kong mag-ayos, pumunta na ako sa kusina para kumain ng breakfast.

"Mama, susunduin ba ako ni Minus ngayon?" tanong ko kay mama habang nakain ng toasted bread. Nagtataka ba kayo kung sino yung Minus? Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo, para masaya. :D

"Hindi ka masusundo ni Minus, may maaga daw silang basketball practice ngayon."

"Ahh, ganun po ba. Sige po, aalis na ako. Bye mama." tapos kiniss ko siya sa cheeks.

Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Abigail Rhane Manahan, 3rd year student sa South Emerald Academy. Hindi naman kami ganoon kayaman, may dating kaming bussiness but  my father died last year so kami na lang ni mama at ni kuya Kyle ang nagtutulungan. Sabi nung iba cute daw ako dahil mukha daw akong korean pero wala akong lahi huh? Di naman ako ganun katalino tulad ng iba pero pasado naman yung mga grades ko.

I'm just a simple girl when suddenly I fell in love with my dearest bestfriend. Natuto na akong mag-ayos ng sarili. Manamit na tulad ng iba pero hindi yung mukha nang malandi. My life change when I met my bestfriend.

Yan lang po muna. Sorry medyo maikli. Just VOTE and COMMENT guyz. :*

-LadyGorgeous99 :*

I'm secretly inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon