Chapter 2: My Cassanova Bestfriend

28 3 1
                                    

Rhane's POV

Naglalakad na ako papuntang school. Di naman ganun kalayuan yung school ko kaya nilalakad ko na lang. Tapos may narinig akong natawag sa akin.

"Gail! Oy! Panget!" Lumingon ako at nakita ko si Near. He's my bestfriend, Near Jay Flordeliza. 3rd year din siya katulad ko pero hindi ko siya kasection. Section 1 kasi ako habang si Near ay Section 4. Hindi siya katulad ko na grade conscious, siya yung tipo na walang pakialam sa pag-aaral. Palagi siyang nagdiditch ng class para mambabae. Hindi ko pa pala nasasabi na siya ang tinaguriang "Cassanova Prince" ng SEA. Kada araw iba-iba ang kasama niyang babae, wala siyang pakialam kung may masaktan siyang babae. Pero kahit ganyan yan, love na love ko ang bestfriend ko. Kasi siya ang nagligtas ng buhay ko noong 1st year pa lang ako. Hinding hindi ko yun makakalimutan.

(Flashback)

"Gail! Wait lang! Mag-usap tayo!" sigaw ni Zee sa'kin. Naiiyak na ako habang natakbo. Hindi ko na nakaya ang nakita ko. Sobra na ako nasaktan. Yung taong nagparamdam sayo ng tunay na pagmamahal, pinapasaya ka palagi at laging nandyan para sayo pero siya din pala ang magpaparamdam ng sakit sayo. Niloko niya ako. Hindi niya ako minahal. Ginamit niya lang ako.

*Beep* Beep* Beep*

And suddenly it went black...

"Oy! Magsalita ka naman kung buhay ka pa? Haisshh, late na ako sa date ko eh. Kaasar." May nakita akong lalaking nakaputi. Nasa langit na ba ako?

"Nasa langit na ba ako?" sabi ko habang hawak ko yung mukha nung anghel, ang pogi talaga ng anghel na ito.

"Wala ka pa sa langit! Baliw ka ba?! Hindi ka man lang natingin sa tinatawiran mo?! Kung hindi kita niligtas, siguro nasa la-" Naputol yung sinabi niya kasi niyakap ko siya at doon umiyak. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam kong di ko pa siya kilala pero wala akong paki, kailangan ko nang ilabas ang nararamdaman ko.

"Ah... Eh... Wa-wag ka nang umiyak. Poprotektahan kita sa mga mananakit sa'yo. Andito lang ako."

*End of the flashback*

"Huy, panget. Natutulala ka na naman? Tara na nga sa school, malelate tayo niyan eh." tapos tumakbo kami papuntang school.

Andito na ako sa classroom namin. Ako pa lang pala ang tao dito, napaagap ata ako ah. Makapagadvance study na nga muna ng math, bulok pa naman ako dun sa subject na yon. Mwahaha! *-*

Naalala ko si Minus, dapat ihahatid niya ako pero di siya dumating. Nakakatampo naman siya, promise pa naman niya na tutulungan niya ako sa math. :'(

"Guess who? Haha!" sabi ni uknown guy habang tinatakpan yung mata ko. Sino kaya ito? Iniiba niya yung boses niya eh. Nakakakaba naman, baka kung sino ito eh. Omergesh! Baka rapist o kidnapper o kaya killer?! Hayy, naghahallucinate ka lang Gail. =__=

"Sino ba to?!" Nakakainis na huh! Sinipa ko siya sa maselan niyang bahagi tapos napa"Ouch" siya. Parang pamilyar yung boses.

"Rhane naman eh! Napakasadista mo! Ang sakit kaya, pag ako nabaog. Haissh, sakit eh." habang hawak niya yung maselan niyang bahagi.

"Haha, sorry Minus. Haha, sorry talaga. Ikaw kasi eh, may paganun ganun ka pang nalalaman. Eh alam mo naman na matatakutin ako. Mwahahaha!"

"Sige tumawa ka, hahalikan kita dyan." tapos nagsmirk siya. O my Gulay! Lagot na akooo! *o*

Lumayo ako sa kanya, pero nalapit pa rin siya hanggang wala na akong maatrasan. Lumapit siya sa mukha ko tapos tapos....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ok. Medyo bitin. Haha. Comment kayo para matulungan niyo ko sa story ko. :D

LadyGorgeous99 :*

I'm secretly inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon