Chapter 2

189 13 0
                                    

Abigail Niechole POV

"Niechole! Arat na! Ano ba naman to. Ambagal bagal." Sigaw sakin ni Ali,

Cleaners kasi ako at andoon na siya sa labas. Si Sandra naman ay nauna na at may gagawin pa daw siya.

I rolled my eyes at binitawan nalang basta ang mop,

At bakit ako naglilinis? Di nga ako gumagalaw sa bahay tas aalilain lang ako dito?

"Jay! Jay! Can you clean for me? Naiihi na kasi ako eh." Pagpapacute ko sa isa naming classmate na lalaki.

Cleaners din naman siya ah. Tsaka totoong naiihi nako!

He widely smiled at me and I winked at him.

Lumabas na ako at binatukan ko kaagad si Ali.

"Di ka makapaghintay?" Masungit kong saad sakanya, she just make faces and nauna nang maglakad.

"Syempre! May pinapaabot ang Nelson bakla sa coordinator ng art para sa program niyo! Doon sa Dance Studio!" Irap niya.

Andon kasi ang laging tambayan ng Art Coordinator namin na siya ding coordinator syempre ng contest.

"CR muna ako!" Saad ko pero tumanggi siya at hinatak ako papuntang Studio, sandali lang naman daw kami doon.

"Hey! Bilisan mo! Magpapractice na yung Core Group!"

"Gaga, si Owen lang naman tinitignan mo don!"

"Ih! Basta sakin si Zeus! Ang angas niya kaya sumayaw!"

Napasimangot ako sa narinig. So magkikita pa rin pala kami. Akala ko naman hindi na, kasi nahila na siya ni Owen kanina.

At dahil nga susunduin ako ni Kuya at gusto ko pa kasama si Ali ay dumaan kami sa Dance Studio, May shortcut naman don papunta sa likod ng gate ng school kaya nagtext ako kay Kuya na sa likod nalang.

Sa labas palang ay rinig na rinig na ang tugtog. Madami ding kababaihan ang pasilip silip sa pinto maging sa bintana.

At dahil nga maldita ako, ay basta nalang akong pumunta sa pintuan ng Dance Studio at walang pakealam kung may mabangga. Sunod lang sakin si Ali,

Sari-sari nanamang bulungan ang narinig, akala niyo katulad ako ng mga storyang binabasa niyo na aalilain ng mean girls at sasagipin ng prince charming niya? Pwes, ibahin niyo ko.

Sa school na to, ako. Ako lagi. Ako ang pinaka. Pinakamasama, ganon. Pinakaatribida ganon, pinakamaldita ganon. Lahat ng pinaka.

Pake ko naman sakanila, di naman nila mapapantayan ang kagandahan ko kahit ipagsigawan pa nila sa harapan ko.

Taas noo kong nilibot sa Dance Studio ang paningin ko, seamless wood ang flooring nito. Sa harap at likod ay may malalaking salamin at hindi mo na makikita ang pader na pinaglalagyan nito sa laki. Sa bandang likod naman ay nalagay sa harap ng malaking salamin ang bench.

Nang hindi ko makita ang pakay ay napatingin ako sa gawi ng bench. Kinawayan kami ni Owen, lumapit naman kami dito.

"Hi Sexy!" Bati nito sakin, pagkalipat naman ng tingin niya kay Ali ay sumama ang timpla ng mukha niya. "Hi." Bati niya dito

Inirapan lang siya ng katabi ko. "Where's Ms. Sanchez?" Tukoy ko sa Art Coordinator.

Bakit nga pala ako ang nagtatanong eh si Ali ang inuutusan dito?

"Ah, lumabas si Miss. Baka matagalan kasi papunta siyang office at may dalang papers-Oh hi fans!" Pagpapaliwanag niya na bumati pa sa mga babae niya sa labas, nagtilian ang mga ito.

I'm His Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon