Chapter 2: The Dinner Party

105 7 28
                                    

Pagkatapos ko maligo, nag-deo muna ako. Bakit, akala niyo hindi nagdedeo ang mga lalaki? Nagkakamali kayo mga readers.

Lumabas na ako sa bathroom at nakitang nakaprepare na yung damit ko at nakasabit siya malapit sa malaking mirror.

Nakalatag naman sa kama ang aking black watch and black tie at sa baba nun ay ang black shoes na sinuot ko kanina.

Grabe talaga yung umbra ni Heart, pati sa amin nagpapa-alipin din.

Napailing na lang ako.

May kaniya-kaniya kaming umbra magkakapatid. Hindi lang naming sila madalas kailangan. Si Heart lang talaga ang pabebe at inuutus-utusan lang si Jewel.

Psyche Jergen Jewel.

Heart Simmons' Umbra.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan nakukuha ni papa ang mga umbra namin. Halos kasing edad lang din namin sila. And they do anything and everything that they can do to help.

Halos hindi na nga sila umalis sa tabi namin nung in-appoint ni papa sila sa amin eh. Shadow daw namin sila kuno. Hindi nga sana aalis yung umbra ko kung hindi mismo sinabi ni papa.

Kahit tinakot ko pa na patayin yung umbra ko, hindi pa din siya natinag. I could assume that he's in the other building beside this hotel, holding a sniper rifle and checking if I'm okay.

I'm not fucking okay, to be honest.

But he can't hear that now, can he?

Kumuha pa ako ng isang towel para patuyuin ang buhok ko habang patungo ako sa nagsimulang suotin ang aking suit.

It was a blue tuxedo paired with a black neck tie, black watch, and black shoes.

Not bad Jewel, Not bad.

Tumingin muna ako sa labas ng window at kumaway, knowing that my umbra can see it, I let go of the curtain and went ahead.

Muntikan nakong lumabas ng walang armas kaya tinanggal ko yung suit jacket ko at nagsuot ako ng holster sabay lagay ng dalawang Glock G17 on each holster.

Naglagay din ako ng dalawang throwing knives sa mga sapatos ko, just in case we run into trouble on our way to the party downstairs. Again.

When I was done, sinuot ko ulit yung suit jacket ko at nag pabango muna bago lumabas ng kwarto and walked myself into the living room.

Napansin ko agad yung mgasuot ng mga kapatid ko.

Holy shit Jewel, what did you do?

I have to admit, magaling si Jewel sa pagiging stylist ah. Kung hindi lang siya umbra ng kapatid ko pwede namin siyang maging stylist hahaha!

Kasi naman, color coordination naman ata ginawa ni Jewel.

My suit's color is blue, meanwhile yung kay Club, pure black tux, black tie, black shoes, black watch, Black everything! Pwera na lang yung dress shirt niya sa loob which is white.

Kay Heart, hindi ko alam kung matatawa ba ako. Hindi naman sa hindi niya bagay, lumitaw lang talaga yung pagka-chickboy niya sa suot niyang red suit jacket, black bowtie, black slacks, at black shoes.

Yung kay Diamond naman it looks black kung titignan mo lang siya saglit, but if you look closely, dark gray suit siya paired with light gray tie and white gold watch.

Hold up, bago tayo mag proceed, is there such thing as fraternal quadruplets? If there is, then that's us apparently. Magkakaiba kami ng mukha.

Hindi halatang quadruplets kami pero kung titignan mo ng mabuti, may mga pagkakahawig kaming apat.

Deccard Brothers: SPADE | ✔ #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon