Chapter 24: OI PROKLISEIS: Physical Aspect I

37 3 0
                                    

It's the final day of training ni Diamond para sa Oi Prokliseis. He spent 5 days each training for his Physical, Strategical, and Mental aspects. 

Ngayon ko lang nakitang nagpagod ng ganito si kuya Diamond. It's like he's training to be a Royalisis again, but this time, more brutal than the previous ones.

Minsan sinasabayan namin ng mga kapatid ko siya para naman may karamay siya, pero dahil sa may kaniya-kaniya din kaming ginagawa (i.e. Club finding who the mysterious hacker who hacked the CCTV's in the hospital, Heart tending to Mafia matters for the time being, and me supervising Mel with her training to be one of us), hindi na namin siya madalas nasasabayan.

Mel's training is going great. Hindi ko expect na mag eexcel agad siya in just 15 days, particularly in the Manipulation and Medicine category. Sa physical and strategical, sakto lang. Sa pag iinterrogate lang siya sumasablay paminsan-minsan. I'm actually not surprised that much, gawa nang si Ramos at Roma ang nagtuturo sa kaniya.

They pushed Mel to her limits, but even when she was at her limit already, she still doesn't break under pressure. I applaud my wife. Kung ibang tao lang siguro ang nangarap maging Royalisis at nag-undergo ng training namin, matagal na silang nag-quit.

Mel's ruthless. Kahit pagod na pagod na siya, hindi pa din siya tumitigil. She doesn't want special treatment, heck, she already moved out of my bedroom and into the Reaper's Building para daw ma "experience" niya yung full package of being a Royalisis trainee. Doon na siya natutulog halos gabi-gabi.

But not tonight.

She's got Manipulation and Interrogation lessons today, and who better to teach her other than The Mafia's very own Human Lie Detector. Yup, That's me. Pinakiusapan ko si Ramos at Roma na sa akin muna siya. Wala naman silang angal dahil pati sila mismo alam kung gaano ako kagaling sa larangan na iyan. 

Duh, Psyche Graduate yata ako noh.

Hinihintay ko si Mel ngayon dito sa Interrogation room. Hindi niya alam na ako ang magtuturo sa kaniya ngayon, and I'm so excited to teach her what I know. Speaking of Mel, naririnig ko na siyang kumatok ngayon.

"Come in." Sabi ko. 

And lo and behold, ang asawa kong hindi ko nakita ng halos ilang araw ay pumasok na sa room. Nagulat siya nung nakita niya ako.

"Spade?" 

"Come in, Ms. Vasilisa." Sabi ko habang tinatawag ko siya sa maiden name niya. Nagtatampo ako sa kaniya kasi halos hindi na kami nagkikita kahit nasa isang compund lang kami. It's ridiculous, really. But somehow, I know it's part of my fault. I know she's doing this for me. Ako din nag alok...

Nah, Hindi niya namang kailangang mag move out mula sa kwarto ko kung ganun. 

Nakita ko siyang napalunok at isinarado ang pinto at umupo sa harapan ko.

Dito sa interrogation room, dalawang upuan at isang table lang ang nakalagay. Isama mo na din ang mga CCTV's na nakalagay sa apat na corner ng room.

"Spade, what is this?" tanong niya sa akin. I ignored her question dahil magfofocus muna kami sa lessons namin ngayon, and also dahil nagtatampo pa din ako sa kaniya.

"How many CCTV's are in this room?" agad kong tanong sa kaniya.

"4."

"Where are we?"

"Interrogation Room."

"What am I doing to you now?"

"Questioning me?" nagtataka niyang sagot.

"Wrong." Sabi ko.

"Eh ano?"

"Is that the way you talk to your teacher right now, Ms. Vasilisa?" walang emosyon kong sabi. Napatigil siya at umiling, sumeryoso na ang mukha niya.

Deccard Brothers: SPADE | ✔ #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon