Chapter 18

24 9 2
                                    

CHAPTER XVIII

“ANG ganda dito. Bakit hindi mo ito i-open sa public at gawing negosyo?”

“Hindi ko naman na kailangan ng panibagong negosyo. Mas gusto ko ito na ma-maintain ang ganda ng lugar. Dito rin kasi ako pumupunta kapag kailangan ko makapag-isip ng maayos at ma-relax. Peaceful and refreshing.”
She nodded. She agreed with him. Kapag kasi na-open at nadiscover ito ng mga tao paniguradong masisira ang tunay na kagandahan nito at magiging magulo na.

“Tama ka naman. Ganito din kasi ginawa nila Mama doon sa property namin sa Batangas. Hindi nila in-open sa public kasi para may mapupuntahan sila na tahimik at relaxing, malayo sa gulo sa Maynila.”

Tumingin siya sa dalampasigan. Napakaganda at tahimik ng lugar. Maririnig mo lang ay ang mga huni ng ibon at hampas ng mga alon sa mga naglalakihang bato sa paligid. Hindi nakakasawang panuorin. Kahit pangalawang araw na nila dito ay hindi niya kayang pagsawaan ang lugar.

Niyakap niya ang tuhod ng humampas ang malamig na simoy ng hangin. “Ang sarap tumira sa ganitong lugar. Para bang wala kang problema na maiisip at puro masasayang alaala lang ang tatakbo sa isip mo. Napakasimple ng pamumuhay na hindi ka matatakot na may mangyayari sayong masama.”

“Kung gusto mo dito na lang tayo tumira.”

Napalingon siya dito na nakaupo lang sa tabi niya sa buhanginan. “Para namang kaya mo.”

Binalik niya ulit ang tingin sa dalampasigan kung saan may mga ibon na nagsisiliparan.

“Alam mo ba, hiniling ko din iyan kila Mama na sa Batangas na lang kami tumira. Pero ano pa nga ba, hindi sila pumayag dahil nasa Manila ang trabaho nila at hindi nila kayang iwan iyon.” Malungkot siyang ngumiti dito. “Kaya alam kong hindi mo rin kayang malayo sa trabaho mo at gaya sa kanila, naiintindihan ko iyon.”

Pinaglaruan niya ang buhangin sa kanyang kamay. “Siguro natutunan ko ito kay Ate Amerie, ang maging mapagpasensya at umintindi. Nagkaroon kasi si Ate ng karelasyon at dahil sa line of work nila minsan lang sila magkita. Masyado silang tutok sa trabaho, people need them. Si Ate para tulungan ang may mga sakit at ang boyfriend naman niya kailangan tulungan na mapawalang-sala ang isang tao. Both of them need patience and understanding at iyon ang natutunan ko kay ate na na-aapply ko sa buhay ko.” Pinagpag niya ang kamay at tumingin dito na may ngiti sa labi. “Pero alam mo ba kung anong nangyari sa kanila? Naghiwalay din sila dahil hindi na rin nila kinaya. Sumuko na sila at nagsawa sa relasyon nila, at iyon ang ayaw kong mangyari sa sarili ko ang sumuko at magsawa na umintindi at magpasensya sa pamilya ko dahil sila lang ang mayroon ako.”

“Minsan hindi naman dapat ikaw lang ang laging magpapasensya at iintindi. It’s a two way process. Give and take. Kailangan sila rin ay intindihin ka at pagpasensyahan ka. Dahil hindi talaga magwo-work ang isang relasyon kung ikaw lang ang gagawa.” he pointed out.

“Yeah. Siguro iyon ang nagkulang kila Ate para tumibay pa ang relasyon nila. Minsan kasi nakikita ko si Ate Amerie na laging problemado sa boyfriend niya. Sabi pa nga ni Ate Amethyst, mas inlove pa daw sa trabaho yung boyfriend ni Ate kaysa sa kanya.” she laughed at the memory.

“Nung sinabi iyon ni Ate Amethyst, nasabi ko sa sarili ko na maghahanap ako ng lalaking kahit gaano ka-busy, he will still find a time to spend with me. Na hindi makakatulog na hindi ako makikita at makakausap. But then, isa na lang iyong pangarap.”
Nangalumbaba siya. Hindi man lang pala niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend.

Ni maligawan man lang ay hindi dumaan sa buhay dalaga niya. Yung mga naiisip niya dati kapag napasok siya sa isang relasyon ay mauuwi na lang sa pantasya niya. Naiinggit tuloy siya sa kaibigan na naranasan ang mga bagay na hindi nangyari sa kanya.

Unchained LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon