Chapter 2

58 18 9
                                    

CHAPTER II

"YOU'RE in college now, right?" tumango si Faye sa tanong ni Mr. Montenegro. "What course are you taking up? Culinary?" she shook her head. Hindi dapat niya sabihin kahit kanino ang sikreto niya. Kahit pa nga stranger ito sa kanya ngunit kilala ito ng magulang niya. For sure maikukwento nito iyon at mabubuking pa siya.

"Why? You are good in baking. You should enhance it and I know you will become successful someday." She sighed heavily. Mabuti pa ang ibang tao nakikita ang passion niya in cooking samantalang ang mga magulang niya hindi. But then, okay na rin ito dahil nakagawa naman na siya ng paraan para maipagpatuloy ang pangarap niya.

Tipid siyang ngumiti dito. "My parents want me to take Business Management. Hindi ko naman sila masisisi dahil ako na lang ang maaasahan nila to continue our business."

Napatango-tango ito. "But you want to take your passion?" tumango ulit siya. "Why not choose what you want? Explain to your parents your side. I know they will understand you."

She smiled sadly. "Sana nga. Kaso hindi nila naiintindihan, e." Napayuko siya at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay na nakapatong sa kanyang hita. "Pero okay naman na ako. I don't want to disobey them and feel disappointed. Malaman ko lang na masaya sila at proud sakin sapat na. Masaya na ako. Saka pwede ko rin magamit ang course na ito if I will build my own resto someday." Binalik niya ang tingin dito. Titig na titig ito sa kanya.

His eyes looked calm, mad and sympathy at the same time. But why he was feeling this? Or am I just imagining? Mabilis din kasing nag-iba ang ekspresyon nito. Hindi na niya mabasa.

"You know what, in just a short span of time that I talked to you, masasabi ko na isa kang masunurin at mabait na anak." Nilagay nito ang kanang kamay sa sandalan ng sofa. Ang kabila naman ay sa baba. "A selfless girl. Inuuna ang kasiyahan ng iba kaysa sa sarili."

Sefless? Yeah. Yan na lang ang lagi niyang naririnig sa iba. Kay Nana Isa, sa mga kaibigan niya nung highschool, sa bestfriend niya at sa mga ate niya.

But as she can see, being a selfless person is not bad at all. Dahil ang resulta naman ay masaya ang kanyang pamilya.

Pumasok ang ama niya sa office kaya hindi na siya nakasagot. "Sorry Mr. Montenegro kung pinaghintay kita." pagpapumanhin nito.

Inayos nito ang coat na suot. "No, it's okay, Mr. Delos Santos. I had a great time talking with your daughter." he looked at her with a small smile on his face.

Tumingin ang ama niya sa kanya. Lumapit ito at inakbayan siya. "I hope she was nice to you."

"Yeah." tipid lang na sagot nito.

Napasulyap siya dito bago binalik niya rin sa ama. "Papa, I baked a cake for you and mom. You want some?" masaya niyang sabi dito.

He walked to his swivel chair. "Maybe later na lang, hija. May mga dapat pa kaming pag-usapan ni Mr. Montenegro." Inayos nito ang mga folder. "You can stay in your mom's office while waiting for me for our dinner."

Her smile slowly faded. "Okay." Pumunta siya sa pantry para kunin ang cake. Maybe I will give Mama and Ate Denise instead. Pagbalik niya ay nakaupo na sa tapat ng Papa niya si Mr. Montenegro at masinsinan na nag-uusap. Sumulyap pa ito bago binalik ulit ang tingin sa ama niya. Lumabas na rin siya ng opisina pagkatapos magpaalam sa mga ito.

She approached Ate Denise when she saw her in her table. She asked her if she can entered in her mother's office but her mother has a meeting. Kaya doon muna siya tumambay sa harap ng table ni Ate Denise.

Inalok niya ito ng cake na gawa niya. Tulad ng iba ay nasarapan din ito. Nakipagkwentuhan pa siya hanggang sa kailangan nitong bumaba para pumunta sa ibang departamento. She was left alone. Kaya naisipan niyang i-text ang matalik na kaibigan.

Unchained LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon