Kabanata 2

3.4K 165 19
                                    

Kabanata 2

Performance

HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin ang sinabi ni Silas na next project nila ako. Naloka lang ako bigla. Alam kong si Alistair at Amos ay architect at si Silas naman at si Perry ay engineer. Pero ano bang mapapala nila sa 'kin? May gusto ba silang apat sa 'kin? Asa naman! Taken na ako at hindi ko sila papatulan. Like duh!

Humikab ako. Pasado alas onse na ng gabi at malakas ang ulan sa labas. Mula dito sa kwarto ko ay tanaw na tanaw ko ang pagkidlat at dinig ko rin ang pagkulog. Ang sarap lang matulog. Kung nandito lang sana si Geoffe, malamang ay magkayakap kami nu'n magdamag. Kaso wala. Punyeta kasi ng Agostini quadruplets na 'yan. Ang ga-gwapo naman pero mukhang may sira sa ulo.

Muling kumulog at kumidlat. Kaya napayakap ako sa unan ko. Sobrang dilim sa kwarto ko. Ganito ang gusto ko. 'Yong tipong malamig at madilim.

Muli kong niyakap ang unan ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napabangon ako at binuksan ang lampshade.

"S-sino ka?" tanong ko sa pumasok. Hindi ko kasi alam kung sino sa apat ang kaharap ko ngayon.

"Tch! Shut up!"

Napaikot ako ng mata. Alam na kung sino ang punyeta.

"Ano ba! Pwede ba, Silas--aray! Ano bang problema mo!?" asik ko dahil bigla na lamang itong sumampa sa kama at niyakap ako ng mahigpit.

"Silas! Anu ba!" pagpupumiglas ko. Kinakahiya kong nandito siya sa kwarto ko. Baka ano pang isipin ng punyetang si Alistair kapag nalaman 'to.

"S-shut up!" asik nito at napapitlag nang kumulog na naman. Niyakap ako nito ng mahigpit at binaon ang mukha sa gilid ng leeg ko.

"Silas--"

"Fuck! Don't move! Just shut the fuck up!"

Napa-ikot na lamang ako ng mga mata nang mapagtanto kung bakit siya nandito at bigla na lamang nangyakap.

"Takot ka sa kulog at kidlat? Punyeta!" humalakhak ako pero hindi niya ako pinansin. Bagkus, mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa 'kin.

"Kalalake mong tao! Ang tangkad-tangkad mo tapos!" Hindi ko na matuloy ang sasabihin dahil tumawa na ako nang tumawa. Akalain mo nga naman. Kulog at kidlat lang ang isa sa mga kahinaan ng masungit na si Silas Agostini.

"Bakit ba dito ka sa kwarto ko pumunta? Pwede ka naman doon sa kwarto ng mga kapatid mo!" ungot ko at sinubukang lumayo pero mas humigpit ang pagyakap niya sa 'kin.

"Shut up! Don't tell this to them tomorrow!" paos na aniya dahilan upang kilabutan ako.

Sa isip-isip ko'y napapamura na ako. Paano ba naman kasi ramdam ko ang pagtama ng labi niya sa leeg ko. Dagdagan pa ng mainit niyang hininga at ang braso niyang nakayakap sa bandang t'yan ko.

"S-Silas, hindi na ako makahinga," protesta ko na agad ko din namang pinagsisihan dahil pinatalikod niya ako ng higa sa kanya saka muling niyakap.

"Now, shut up, woman!" asik niya.

Punyeta! Ba't siya pa ang galit.

Kinabukasan ay napuyat ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos sa takot na halayin ako ni Silas. Sayang naman kung sa kaniya lang mapupunta ang virginity ko. Hindi pwedeng ganun na lang. Hindi porque siya si Silas Agostini na asul ang mga mata, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, kulay tsokolate ang buhok, matangkad at may abs pa, ay basta ko na lang ipapaubaya ang katawan ko sa kaniya. Saka hindi ko pa na-check kung daks siya! Charot!

Mabuti na lamang at nang bandang alas kwatro ng madaling araw ay umalis na ito sa kwarto ko. Napairap pa ako nang batuhin ako nito ng unan sa mukha.

"Maswerte ka at natabihan mo ang isang Silas Agostini. Bibihira ang mga babaeng nakakalapit sa 'kin," mayabang na aniya.

Slave Of The Four Hot BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon