Kabanata 4

3.3K 145 17
                                    

Kabanata 4

Sabay

THAT night, I tried to escape. Takbo lang ako nang takbo kahit hindi ko alam ang lugar at kahit wala akong mapupuntahan. Malakas ang pagbuhos ng ulan. Giniginaw na rin ako pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo para lang makalayo sa apat na demonyong iisa lang ang mukha.

Sobrang nakakababa ng pagkababae ang ginawa nila sa 'kin. Plus the fact that they took a video of it pakiramdam ko'y wala na akong mukhang maihaharap sa kahit na sino mang tao.

Sumilong ako sa isang waiting shed nang masigurong malayo na ako mula sa mansyon. Halos doble ang pag-iingat na ginawa ko para lang matakasan ang mga nagbabantay sa labas.

Pasado alas tres na ng madaling araw ngunit malakas pa rin ang ulan. Basang-basa na ako at gusto na lamang magpahinga. Pero hindi pwede. Kaylangan kong makalayo sa kanila.  Kaylangan kong isalba ang sarili mula sa mga kahayupan nila.

Nagtagal ako ng halos kalahating oras sa waiting shed na nakita ko bago muling sinuong ang ulan. May mga bahay akong nadadaanan at kinakatok ko ang bawat pintuan ngunit wala akong makuhang tugon mula sa kanila.  Nawawalan na ako ng pag-asa. Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.

"T-tao po. T-tulong." Pag-katok ko sa isa pang pintuan ngunit hindi na maririnig ang boses ko at nangibabaw na ang malakas na pag-ihip ng hangin.

"T-tulong. Paki-buksan po," muling ani ng paos kong boses. Yakap ko na ang sarili dahil sa panlalamig. Nanginginig na ang mga labi ko at pakiramdam ko'y anu mang oras ay mawawalan na ako ng malay.

Muling pumatak ang mga luha ko, handa nang tumalikod nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang matandang lalake.

"Sisay ka?" (Sino ka?) aniya, kunot ang noo at may hawak na flashlight sa kanang kamay, naka-tutok iyon sa mukha ko.

Bahagya akong napapikit dahil sa liwanang nun bago muling nag-angat ng tingin dito. "P-pakiusap. T-tulungan po ninyo ako. W-wala akong matutuluyan," pagmamakaawa ko. Halos lumuhod na ako sa harapan niya.

"Taga-sain ka? Ga-bagyo baga. Ngata ta pagala-gala ka sana?" (Taga-san ka? Buma-bagyo diba. Bakit paggala-gala ka lang?)

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napakurap-kurap ako at umiling.

"Bako kang taga-digdi? Dae mo ako nasabutan?" (Hindi ka taga-dito? Hindi mo ako maintindihan?)

Muli akong umiling. "H-hindi ko ho kayo maintindihan."

"Taga-siyudad ka?"

Saka lamang ako tumango. "O-oho p-pero naliligaw ho ako. Pakiusap, tulungan ho ninyo ako." Gustuhin ko man sabihin ang totoong sitwasyon ko ay nag-aalinlangan ako dahil baka hindi ako tulungan ng matanda. Hindi ko pwedeng sabihing dinukot ako at dinala sa lugar na ito para gawing bihag.

Hindi na umimik ang matanda at iginaya ako papasok sa loob ng bahay niya. Dahil madilim ang paligid ay hindi na ako nagkaroon pa ng tsansa na libutin ang paningin sa buong kabahayan.

Nakahinga na lamang ako ng maluwag dahil pakiramdam ko ay safe na ako mula kina Silas.

"Maupo ka muna r'yan Ineng. Tatawagin ko lang ang asawa ko," ani ng matanda sa 'kin.

Tumango ako bago naupo. "S-salamat po." Niyakap ko ang sarili ko at tumungo. Nanginginig pa rin ako sa lamig pero hindi na gaano.

Makalipas ang ilang minuto ay kasama na ng matandang lalake ang asawa niya. May bitbit itong tuwalya at pamalit. Lumapit sila sa 'kin.

"Ito Ineng, magpalit ka muna ng damit. Baka sipunin ka," ani ng matanda at inabot sa 'kin ang isang maluwag na t-shirt at shorts. "'Wag kang mag-alala. Malinis ang mga iyan. Damit iyan nong pamangkin ko pero matagal nang wala dito."

Slave Of The Four Hot BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon