Kabanata 1

4.3K 177 29
                                    

Kabanata 1

Project

SIGURO sa mga oras na 'to, buhay prinsesa sana ako. Sana, pinagpaplanuhan na namin ni Geoff ang kasal naming dalawa. Pero hindi. Naiinis ako! Napapaligiran nga ako ng mga nagga-gwapuhang nilalang, hindi ko naman mapakinabangan.

Bagkus, sila ang nanginginabang sa 'kin. Hindi ko alam kung anong rason bakit dinukot nila ako at pinapahirapan ng ganito. Pero sana naman, si Farrah na lang ang dinukot nila. 'Di sana, tuwang-tuwa pa ‘yon.

G na G ako sa quadruplets na kasama ko dito sa bahay na hindi ko alam kung saang lupalop na lugar. Akala mo kung sinong mga prinsipe at inaalila ang kagandahan ko. Nakakainis talaga sila. Gusto ko nang umiyak!

"Hey Anacynth, you done na sa paglalaba?"

Kumuyom ang kamao ko at nanggigigil na na piniga ang boxer brief na nilalabhan ko. Hindi ko alam kung kaninong brief 'to, pero masyadong malaki pero wala akong pake. Sa dalawang linggo ko dito, kahit sobrang magkakamukha nila, nakikilala ko na sila dahil sa pag-uugali nila.

"Bakit, may ipapalaba pa ba kayo?!"  inis na tanong ko. Mga putanginang 'to, meron namang washing machine, gusto nila mano-mano ako sa paglalaba at hindi raw nalilinisan kapag makina ang gamit.

"Meron pa. Actually you have madami pang lalabhin. But anyway, pinapatawag ka ni Silas sa dining."

Katulad ng isang ‘to. Alam kong si Amos Agostini itong kaharap ko base na lang sa pagsasalita niya. Ang arte lang!  Siya rin ‘yong katabi ni Alistair (yung daks na sinasabi ko) nung gabing dinukot nila ako. At si Silas. Si Silas ang punyetang binantaan akong papatayin ang fiancé ko kapag hindi ko sinunod ang bawat iuutos nila. Sa kanilang apat, mukhang si Perry (ang katabi naman ni Silas ng gabing ‘yun at inilagay ang mga kamay sa pagitan ng hita niya nang mapalingon ako sa kaniya) lang ang matino dahil ito lang ang tahimik at mukhang mahiyain.

“You heard me, Anacynth?” ani Amos nang hindi ko siya pansinin.

Napapadyak ako sa inis. Gusto kong sumigaw at magtitili! Alas dose na ng tanghali at ang init-init na dito sa likod ng mansyon. Namumula na ang balat ko dahil nabibilad na ako pero hindi pa ako matapos-tapos sa paglalaba. Nakakainis lang at sabado ngayon, ibig sabihin lang ay lahat sila nandidito.

Kapag kasi lunes hanggang biyernes ay hindi ko mahagilap ang pagmumukha ng mga punyeta at pumapasok sa mga kompanya nila. Naiiwan akong mag-isa dito kasama ang mga gwardiya sa labas.

"Bakit kasi kayong apat kayo, ang aarte ninyo! Mahawakan lang kayo ng isa sa inyo, magpapalit na kaagad kayo ng damit. Saka ano itong mga boxer’s niyo? Bakit sobrang dami! Oh my God, in my twenty two years of existence, ngayon lang ako nakapaglaba. And I hate it!"  I can’t accept it. Prinsesa ako sa pamily namin pero dito, I become a maid.

"Basta you go na lang sa dining. Sige. I’ll bring here pa the bed sheet."

"Putangina mo, Amus! Mabaog ka sana!" inis na ani ko pero tinawanan lang ako.

"My semilya is healthy kaya."

"Eh di putangina ninyong lahat! Makabuntis sana kayo ng maaga! Lalo na ang punyetang si Alistair!" Na wala nang ibang ginawa kundi ang nakawan ako ng halik sa pisngi sa t'wing magkakalapit kaming dalawa.

"Hey! I heard my name! You want me to lick you?"

Kasasabi ko pa lang! Sa inis ko sa manyak na nakadungaw ngayon ang ulo sa may pinto, hindi na ako nakapagpigil at binato sa mukha niya ang boxers na hawak ko. Samantalang si Amus naman ay walang pakeng pumasok sa loob at sinamaan pa ako ng tingin nang may bulang tumalsik sa damit niya kaya hinubad niya ito at tinapon din sa mukha ko.

Slave Of The Four Hot BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon