Layunin at Mga Dapat Tandaan

63 8 1
                                    

Layunin ng 'Graphic Ph' ang mga sumusunod:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Layunin ng 'Graphic Ph' ang mga sumusunod:

•Makatulong sa mga kapwa 'editor'

•Makapagbigay ng tips o critique sa kanilang mga gawa.

•Magturo sa mga baguhan at mga may kagustuhang matuto sa pageedit.

•Maipakilala ang mga editor na hindi gaanong kilala.

•Maipalaganap ang pagmamahal sa larangan ng pageedit ng mga larawan.

•Makadiskubre ng mga editor na nahihiyang ilabas ang kanilang talento at

•Makapagbigay inspirasyon sa mga editor.

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan, isa puso at isagawa kung ikaw ay sasali sa aming samahan:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan, isa puso at isagawa kung ikaw ay sasali sa aming samahan:

Unang-una bukas at tumatanggap kami ng mga may kaalaman, may mataas na kaalaman at bihasa na sa pageedit. Nasabi sa aming layunin na bukas sa loob kaming magtuturo sa mga baguhan pa lamang.

Pangalawang dapat tandaan ay, ang ugali o attitude. Tumatanggap kami ng kahit sino ngumit kapag aming nakita na hindi kaaya-aya ang iyong ugali ay may tiyansa na ikaw ay matanggal.

       * May tatlong babala kaming ibibigay. Kapag naabot mo ang tatlo ay masinsinan ka na naming kakausapin at duon pagpapasyahan kung karapat-dapat kapang magpatuloy sa pagiging kasapi namin o hindi na.

Pangatlo, dito sa organisasyong ito. Ang pangunahin nating layun ang makatulong. Kaya maging bukas ka sana sa mga kasamahan o ibang kasapi natin na nagpapatulong o humihingi ng tulong sa iyo.

Pangapat, huwag sanang magsimula ng gulo o alitan, ang gusto lang namin ay maging magkakaibigan o di kaya maging isang pamilya tayo dito. Kaya kung maari ay iwasan ang pagsisimula ng away. Mabuti ring iwasan ang pagtatanim ng galit sa isang miyembro.

       * Magkakaroon tayo ng 'Report' tuwing katapusan ng Buwan upang malaman at maiayos kung may alitan o hinanakit ang bawat isa.
      *  Meron ring tayong bubuksan na form kung saan maari mong ilahad ang iyong problema at mabigyan ka ng payo. (Sa Form na ito ay mananatiling tago ang identity ng kung sino man ang sumangguno/nagpasa ng form)

Kung ikaw ay hindi makakagawa o makakasali sa nasabing aktibidad ay maari mo iyong sabihin o kung biglaan naman ay sana maghanda ka ng explanation kung bakit, kami ay tumanggap at umuunawa ng explanation.

Earth Bender Where stories live. Discover now