Kaibigan

185 66 3
                                    

Saan nga ba tayo nagsimula at saan nagkaroon ng wakas?

Samahan at pagkakaibigan na ating binuo sa paglipas ng panahon.

Paano nga ba nag wakas ang mga ala-alang ating sabay na inipon.


Naalala mo pa ba lahat ng ating kalokohan Ikaw ang aking kasama sa lahat ng hirap at sayang ating pinag daanan.

Ngunit sadyang mapaglaro ang Tadhana kung kaya't mula sa kamusta ka ay naging paalam na at Tara na ay naging Tama na.


Sinong mag aakala na mas pinili mo akong Iwanan ng dahil sa naka tagpo ka ng mga bagong grupo na masaya kasama.


Pinagpalit mo ang taon ng ating pagsasama sa ikli ng panahon na sila ay iyong nakilala mga alaala nating magkasama ay tinapon mo sa basura.


Masakit, Nakakagalit ngunit alam ko na sa kanila ka na magiging masaya oras na ba para palayain na nga ba kita?


Isa, dalawa at tatlo koneksyon natin ay tapos na.

Wala ka ng babalikan pa maging Malaya ka at Masaya sa kanila.

Salamat na lang sa lahat kahit panandalian ay tayo'y naging mag kaibigan sayang at ating samahan ay hindi pang matagalan.

Katulad ng lobo na lumipad sa ulap Ikaw ay unti-unting nawala na parang bula.


Ngunit katulad din ng bituin sa kalawakan Ikaw ang mag sisilbing aking gabay sa paghahanap ng bagong aking makakasamang kaibigan.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Rhymes Of Words ||PUBLISHED UNDER PSICOM APP|| 🎉
Rhymes Of Words ||PUBLISHED UNDER PSICOM APP||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon