CHAPTER 9

12 2 17
                                    

The Sun is already shining when Hallie decided to start her day.

Kaninang madaling araw pa siya gising, ngunit hindi pa siya bumangon dahil sa mga ala-ala ng pangyayari kagabi.

Hindi niya alam paano haharapin si Mason ngayong araw, pero sa kapakanan ng mga kagrupo nila ay titiisin niya ang sakit na nararamdaman.

Inayos ni Hallie ang sarili bago pumunta sa kabina ng unang grupo, inilipat na roon ng mga kagrupo nila ang mga gawain dahil matatapos na din naman ito at para na rin maging malinis na ang kabina nila Hallie. pagkarating niya roon ay napansin niyang tahimik ang lahat at tila ba'y may kinaiilangang bagay.

Nang inilibot ni Hallie ang mata niya sa loob ng kabina, nakita niya si Mason at Xyrille na nagtatawanan habang may dinadagdag na disenyo sa magiging damit nito para sa paligsahan bukas.

Pinigilan ni Hallie ang kaniyang mga luha at pinili na lamang na tulungan ang iba pa niyang kagrupo para matapos ang kaniyang susuotin.

Matapos ang ilang oras na pagtatahi at kung ano-ano pa ay matatapos na nila ang mag kasuotan, kaya napagpasiyahan ni Mason na pagpahingahin muna ang lahat.

"Take a break everyone, we'll continue working after an hour."

Kani-kaniyang unat naman ang mga kagrupo nila at humiga sa pinakamalapit na kama upang magpahinga, ang iba'y nakatulog agad at ang iba naman ay naguusap.

Magluluto sana si Hallie ng kanilang pananghalian nang makita niya si Mason at Xyrille na nagluluto na sa kusina. Nakita niya ang saya sa mukha ni Mason at ganoon din kay Xyrille.

Just by observing the two, she knew that they're perfect for each other. Xyrille's cuteness and baby face suit well with Mason's manly and gentle aura.

Instead of hurting herself more, Hallie chose to sleep in one of the beds inside the cabin.

---

Hallie woke up by the sound of laughter of the two person she didn't want to interact right now. At dahil nagising siya ng wala sa oras ay uminit ang ulo niya at nabulyawan niya ang dalawa.

"Can the two of you shut up? May mga nagpapahinga dito oh. Konting konsiderasyon naman." Hallie said with an attitude. Napatahimik naman ang dalawa at bakas sa itsura ng mga ito ang gulat dahil sa sinabi ni Hallie.

They knew how soft spoken and sweet Hallie is. Kaya makikita din ang pagkabigla sa mga itsura ng mga kagrupo ni Hallie at Mason ng marinig nila ang sinabi ng dalaga.

"At isa pa, bakit ba andito si Xyrille? She has her own group to mind. Besides, we don't need help. Kaya naman natin ng tayo-tayo lang ha." Dagdag pa ni Hallie.

Dahil dito, nagsimula nang magbulungan ang mga kagrupo nila. Probably talking about her sudden attitude. Napansin ito ni Hallie at naituon niya sa mga ito ang init ng ulo niya.

"What are you all whispering about? Ngayon lang kayo nakakita ng mainit ang ulo? Ngayon lang kayo nakakita ng nananaway ng dalawang taong naglalampungan?" Natahimik lahat ng tao sa loob ng kabina.

Tumayo si Mason sa kinauupuan niya at pinagsabihan si Hallie.

"Hallie, stop with that attitude. Wag mo idamay mga kagrupo natin sa init ng ulo mo and don't talk about Xyrille like nangingielam siya sa grupo natin. She helped us a lot, you should be thanking her."

Hindi makapaniwala si Hallie na  ipinagtanggol ni Mason si Xyrille. Kaya mas lalong uminit ang ulo nito at nasigawan si Mason.

"Wow, so you're saying that we can't do this without her help? Huh? Are you saying that I am incapable of leading a group? Kaya ba nagpatulong ka sa kanya? Am I not enough? " Habang nagsasalita si Hallie ay palakas din ng palakas ang boses niya. Dahil sa ipinapakita ni Hallie ay uminit na rin ang ulo ni Mason.

With A SmileWhere stories live. Discover now