{Ikalawang bahagi}
Pamagat ng akda:
Pagsapit ng Duyog.
———}{———
* ** *
"NAWAWALA si Chona,"ito ang unang bumungad kay Isabella ng siya'y pumasok sa silid ng kanyang Ina upang kamustahin ito. Umirap irap si Isabella at napaupo sa tabi ng kanyang Ina na nakaupo sa malambot na kama.
"Hindi ba maganda iyon? Para mabawas bawasan ang mga indios na'tin mga katulong?"tugon ni Isabella sa kanyang Ina na naaalala na ngayon. Dalawang araw ang makalipas ng isumpa ni Chona si Isabella, matapos ng gabing iyon ay hindi na nakita si Chona.
Kaya, ganon na lamang ang pag a-alala ni Donya Innocencia at Don Juan sa maaring nangyari sa unica iha nila na si Isabella at sa tinuring na rin nilang anak na si Chona.
"Hindi ito maganda, Isabella. Alam mo ba ng araw ng iyong piging ay....
sinumpa
ka ni Chona sa Duyog. Nangangamba akong baka sa pagmulat ko na lang ng aking mga mata ay wala ka na kagaya ni Chona,"na iiyak na sambit ni Donya Innocencia. Bumuktong hininga naman si Isabella halatang hindi nagulat sa sinabi ng kanyang Ina, at yinapos ang likod nito.
"Hanggang ngayon pa rin ba ay kayo'y naniniwala sa kwentong iyon? Ina, gumising na po kayo! Nasa realidad tayo at wala sa panaginip, sa tingin niyo po ba ay bigla bigla na lamang ako mawawala dahil lang sa Duyog?"ani ni Isabella na hindi nababahala sa maaring kanyang sapitin. Hinawakan siya agad ni Donya Innocencia sa kanyang braso.
"Haka-haka 'man ang aming pinaniniwalaan, ngunit Isabella, hindi masamang maging segurado sa mga bagay-bagay. Nakita ko sa mga mata ni Chona ng gabing iyon ang galit sa kanyang mga mata, ano ba ang nagsindi ng iyong pag-away?"bigkis ng ni Donya Innocencia. Napatigil si Isabella, hindi alam ang kanyang isasagot.
Ano nga ba ang nagsindi sa kandilang nanahimik lang na katulad ni Chona? Ang pusporu bang hawak hawak ni Isabella, o iba pang rason. Sasagutin na sana ni Isabella ang tanong ng kanyang Ina ng biglang may kumatok sa kahoy na pintuan sa kanilang gilid.
"Binibining Isabella, naririyan po ba kayo?"tanong ng isang malamyang boses babae."Nandito ako,"sagot naman ni Isabella na nakatingin na ngayon sa kahoy na pintuan, dahan dahan itong bumukas at tumambad ang isang na payat na babae at malamya ang mga mata
"Binibining Isabella, naririyan na po sa ibaba ang iyong mga pinsan na sila Binibining Christine, Binibining Juliana, at Binibining Nemia upang magpaalam sapagkat sila'y aalis na ng San Salvacion,"ani ng katulong. Tumango lang si Isabella, at napalingon sa kanyang Ina na muka pa ring nagaalala sa kanya.
"Ina, huwag niyo pong masyadong pinapahirapan ang iyong sarili sa kakaiisip, hindi po totoo ang Duyog at tiyak kong nag gagala lang ang Chona na iyon upang magpapansin," naiinis ngunit mahinahon na wika ni Isabella bago ito lumabas ng silid. Hindi maungkit sa isipan ni Isabella ang masyadong pag a-alala ng kanyang magulang sa kanya dahil lamang sa isang sumpa, para sa kanya isang biro lamang ang mga nakakatakot na kwento ng Duyog.
Papadaan na si Isabella sa silid ng kanyang Ama ng may marinig siyang hindi pamilyar na boses. Hindi niya alam kung bakit parang may naghihikayat na dapat ay malaman nito ang pinaguusapan kaya lumapit siya sa nakasarang pinto, inilapit ang kanyang taenga dito.
BINABASA MO ANG
Ang Duyog: Ika-unang Yugto
Historical Fiction[Ang Duyog: Ika-unang Yugto] Maling panahon at oras, ito ang pinaninindigan ng isang binibini sa taong 1888 at ng isang ginoo sa taong1941. ⌘⌘⌘ Tungkol ito sa isang Binibining nabubuhay sa panahon ng kastila, isinumpa siya dahil sa kanyang mapanget...