LME 158

3.3K 67 15
                                    

Tuwang-tuwa si Shawn nang sunduin niya ko sa bahay. Kilig na kilig naman ako dahil kami na officially. Mas exciting tuloy ang pagpunta niya ngayon kaysa sa mga dating araw na napunta siya.

"Tayo na talaga?" nakangiti niyang tanong sakin.

"Oo, ayaw mo ba?" Mataray kong sagot sakanya. Kunwari ay inis ako pero ang totoo ay kilig na kilig ako sa bawat kilos niya.

"Gusto ko, gustong-gusto ko." Sabay ngiti niya.

Ilang minuto lang ay nandoon na kami sa bahay ng family ni Shawn. Nanlalamig ang mga kamay ko noong bumaba kami sa kotse niya.

"Ang lamig ng kamay mo, okay ka lang ba? You can hold my hand if you want," alok ni Shawn na agad ko namang ginawa.

Naglakad kaming dalawa papunta sa dining area. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil si Shawn ang may hawak ng mga regalo ko para sa kanila.

Nagdala ako ng banana loaf at cinnamon rolls. Buti talaga nagdala ako ng mga pang-regalo sa kanila. Parang mga sosyal talaga e.

"Mom and dad, achi.. Si Kash po, ang girlfriend ko." Pagpapakilala sa akin ni Shawn sa pamilya niya.

Girlfriend ko. Ang saya pakinggan. Ang sarap sa tenga.

"Girlfriend? Akala ko nililigawan mo pa lang si Kash?" sagot naman ni Ate Shane Arica.

"Kakasagot niya lang niya sa akin kanina e," masayang sabi niya.

Tuwang-tuwa ang family ni Shawn na may girlfriend na siya. Akala ko'y hindi sila matutuwa sa akin. Nawala tuloy ang kaba ko kahit konti.

Panay naman ang kantyaw ng daddy ni Shawn sa kanya nung kumakain na kami. Nakakatuwa ang bonding nila ng daddy niya.

Pagkatapos namin kumain, niyaya ako ni Shawn sa labas para daw makapag-pahangin raw muna kami.

"Thank you for making my day. Hindi ko akalain na sasagutin mo na ko sa raw na ito," panimula niya sa akin.

"Actually, hindi pa dapat ngayon. Sa birthday ko pa sana.. August 12," sagot ko.

"Eh bakit ngayon mo ko sinagot?" he asked me.

"Wala. I just felt it. Pinakilala mo na ko sa magulang mo, iyon rin ang isa sa mga right time for me. Akala ko kasi noon, hindi ka seryoso sa akin.

"Of course I'm serious. I'm fucking serious with you Jan Kashmira Ferrer. Kung may pagkakataon nga, pakakasalan na kita ngayon e," sabi niya pa.

Hinarap niya ko sa kanya at hinalikan niya ang noo ko, sumunod ay sa labi naman na labis kong kinagulat.

"Talaga? Halik talaga?" sabi ko.

"Oo, pwede na kasi akin ka na. Ang tagal ko na nga ring hinintay 'to eh."

"Haynaku, loko ka talaga eh no?" sabay hampas sa braso ni Shawn.

"Oo, mahal mo naman 'tong loko na 'to. At itong loko na ito ay mahal ka rin," sabi niya sa akin sabay yakap.

Hay, mahal na mahal kita Engr. Villamiel. This is our best day.. August 6.

"Mahal na mahal rin kita, my engineer. Natupad na ang kagustuhan ko na mahalin mo ko."

Bago kami mag-iyakan ay niyaya ko na ulit siyang pumasok sa loob.

Love Me, Engineer (TES #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon