01: The Trio

19 7 0
                                    

SIRION POV.

"Gumising na! aba!"

Napadilat ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Ano ba naman 'yan! ang iingay parang walang natutulog eh! Tumayo na'ko sabay kamot sa ulo at pumunta sa banyo. Kung pwede lang talaga iistop ang oras at matulog ng matagal gagawin ko tsh. Nagtoothbrush na'ko at naghilamos. Dapat maganda ang bakla 'no kahit kagigising dzuh.

"Oh pak! ganda ng bakletong ah" napalingon ako sa nagsalita, ay si ermat. "Hi mamaduh goodmorneeeng" nakangiting sabi ko at hinawi ang imaginary hair ko. Ginaya nya rin ang ginawa ko kaya sabay kaming natawa. "Tama na aba at kakain na" sabi ni ermat at hinampas ako, umalis na s'ya kaya sumunod na'ko.

"Hi world! good morneng!" sigaw ko at ginawa ang lava walk ng nanalo sa Miss Universe na si Catriona Gray. Napatigil ako ng makita si tatay na nakatayo. Umayos ako ng tayo at umiwas ng tingin. Galit kasi sa'kin ang itay dahil nalaman n'ya na isa akong vakla. "Hi bunso!" sabi ko nalang para mawala ang kaba at nilaro laro ang kamay ni bunso.

"Umayos ka nga Sirion, nakakasira ka ng umaga" sabi ni tatay kaya napatahimik nalang ako at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang plato na dala ni nanay. "Nay ako na po" sabi ko at inihanda na sa hapag kainan.

Isang taon na ang nakalipas ng matuklasan ni itay ang aking totoong kasarian. Galit s'ya sa'kin, sobrang galit. Alam ko naman na magagalit si itay, pero ang akala ko panandalian, isang taon narin ang nakalipas pero pag pinapakita ko sa kanya ang pagkabakla ko eh talagang uusok ang kanyang ilong sa galit. Kaya kapag si itay ay nasa tabi ay umiiwas na'ko at baka masapok ako, mabuti na ang wais

Si nanay naman ay ang sumusuporta sa'kin, pati ang palihim ko na pagsali sa pageant ay sinasamahan n'ya ako o minsan ay humahabol. Kaya laking pasasalamat ko dahil nanay ko s'ya. Kahit hindi ako tanggap ni itay, tanggap naman ako ng akin nanay. Meron din naman akong mga kaibigan na sumusuporta at tanggap ako kaya masaya na din ako. Sabi naman ng mga chismosang kapit-bahay namin ay dapat naging lalaki daw ako, sayang daw dahil gwapo daw ako. Ganito na ang mamshie dzai n'yo 'no!.

"Sirion?" tawag sa'kin ni nanay kaya napalingon agad ako, buti hindi nakita ni itay ang pagkakatulala ko, nagagalit kasi 'yon. Dapat daw pag kain, kain.

"Yes po?" nakangiti kong tugon.

"Tinext ako ng L Academy l, pasok ka daw" what?! baaaaklaaaaa

"Hala INAAAAY, pasok ako? baklaaaa hala hala!" sigaw ko dahil sa pagkashock dahil sa balita ni nanay nakakalurkeey! nagsitalon-talon ako dahil sa saya.

"AYAAAAAA ang bakla!" napatigil naman ako ng ginaya ni itay ang aking boses. "Magsitigil! kain pag kain!" matatawa na sana kami ni nanay pero binawi ito ni tatay kaya dahan-dahan akong umupo at baka masapak ako ni itay.

Nagkatitigan kami ni nanay at sabay napatawa ng palihim. First time kasi ni itay gayahin ang boses ko, infairness baklang bakla ang boses.

Tapos na kaming kumain kaya naghugas na ako ng plato, nakita ko naman sa side view ng mata ko na lumabas si itay sa likuran ng bahay. Napailing nalang ako, palagi kasi si itay dun ang tambayan o madalas pumupunta, minsan din ay dun siya natutulog, kapag lasing o napagtripan. Minadali ko ang aking paghuhugas para magayak ko na ang mga gamit para sa dorm namin. Updated ako dahil hiniram ko ang phone ng baklang si Hyrrom. Binisita ko ang page at lahat ng website ng L-Academy kaya alam ko ang mga impormasyon.

Nakita ko din na ang meaning ng L ay Love, so baka maraming papi dun at baka magkaron kami ng LOVE haha 'di ko gets joke ko.

Pupunta na sana ako sa aking kwarto ng may sumigaw. Sa labas 'yon ah! si itay!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon