"Is this really a goodbye hija?" Rinig pa rin nya ang mahinang hikbi ng Tita nya. Tinuring talaga syang anak nito. Palibhasa wala itong anak na babae. Si Carlo ay 13 years old at nasa ibang bansa naman ang Tito nya.
Kasalukuyang nagiimpake sya ng gamit na dadalhin nya pauwi sa Batangas. Matagal na rin syang kinukulit ng Lola nya na umuwi doon. At dahil graduate na sya ng highschool, wala ng dahilan para tanggihan pa ang Lola nya...
"Tita naman, wag na kayong umiyak, pupuntahan ko lang si Lola di pa ako mawawala," bahagya syang napangiti bago binuhat ang maleta na dadalhin paalis.
"Si Mama talaga, mag-iingat ka dun Ate Kyra hah," singit naman ni Carlo na hindi ko namalayang nasa tabi ko na.
"Ate ako na ang magdadala nyan," at pilit na inaagaw ang dala-dala ko
Ginulo ko ang buhok nya at saka ngumiti, "Sige na nga," at binigay ko ang maleta ko.
***
Huminga ako ng malalim bago pumikit. Gusto ko lang marinig ang hampas ng alon ng dagat at maramdaman ang hangin.
"Hey, anong ginagawa mo?" Isang pamilyar na boses ang biglang bumulong sa tenga ko. Bigla na lang ako napamulat at humarap sa nagsalita. Hindi nga ako nagkamali. Sinong mag-aakala na pati bakasyon ko ay balak sirain ng isang Jiro Fritz? Itulak ko kaya sya sa dagat, siguradong matutuwa pa ang mga pating!
"Monster!" Mahinang bulong ko. Tiningnan ko pa sya mula ulo hanggang paa. "Bakit ka nandito?"
Lumapit sya sakin kaya bahagya akong napaatras.
"Gusto ko lang, bakit may angal ka?" Ngumiti pa sya at hinawakan ang pisngi ko, pero agad nya ring binitawan yun. "Ikaw, Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba nilalamig?"
Parang nanlabo bigla ang salamin ko kaya tinanggal ko ito at pinunasan. "Wala ka na dun," saka sinuot ko ulit ang de gradong salamin.
"M-may kasama ka ba d-dito?" Nagtaka ako kung bakit sya nagkakandautal, pero bigla na lang sya ngumiti ng pagkalaki.
"Mas bagay sayo ang walang salamin," tsaka hinawi nya ang buhok ko pero agad kong tinabig yun. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, may kasama ka ba dito?"
Umiling lang ako saka tiningnan ulit ang along bahagyang lumalakas. "Mas gusto ko ang mag-isa,"
"Looks like you hate everybody," napataas ang kilay nya. Napairap na lang ako. Oo lalo ka na!!!
Aalis na sana ako nang bigla na lang sya sumeryoso "And it includes me right?"
Sasagot na sana ako nang maramdaman kong parang gumegewang ang rorong sinasakyan namin. Di tuloy sinasadyang mapakapit ako sa braso nya. Tapos ay may narinig akong nagsalita sa likuran namin.
"Ma'am, Sir, may problema pa tayo, nasiraan po kasi tayo," parang natatakot pang sabi ng isang crew, nagsilabasan naman ang mga tao suot suot ang life jacket. Binigyan naman kami ng life jacket ng isa pang crew. Napatingin ako sa paligid, nagkakagulong tao at crew na nagaayos ng mga bangka.
"Kyra, may balak ka bang mamatay?" Narinig kong sigaw ni Jiro na nasa dagat na pala. Hinawakan ko nang mahigpit ang gamit ko at nagdasal bago tumalon.
Hinawakan ako ni Jiro at tinitigan ako ng masama "What take you so long? Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka lang,"
Sa halip na makipagtalo ay tinabig ko ang kamay niya at nagsimula akong maglangoy, wala naman mangyayari kung makikipag-away pa ako sa kanya.
***
Nagising na lang ako sa init ng sinag ng araw. Nasa isla na ako, di ko nga lang alam kung anong isla. Di lang pala ako ang napapadpad dun dahil natanaw ko ang lalaking nakadapa. Nilapitan ko sya at itinihaya.
"Pag minamalas ka nga naman," agad kong binitawan si Jiro. Oo si Jiro! Walang iba!
"Nasaan tayo?" Napamulat si Jiro at napatitig sakin.
"Di ko alam. Baka nasa impyerno," naiinis kong sabi.
Demonyo kasi kasama ko.."Such a bad mouth of you," napatayo sya at pinagpag ang buhangin na kumapit sa damit nya. "Nagtatanong ako ng maayos but you answer me a silly one, inuulit ko, alam mo ba kung nasaan tayo?"
"I don't know," matipid kong sagot.
"Pano ba yan mukhang trap tayo dito," ngumiti pa sya kaya lalo akong naiinis. Nagawa pa nyang ngumiti sa kalagayan nila, sino bang hindi maiinis?
"Trap in an island, just you and me," saka kumindat pa sya. Kung hindi lang talaga ako marunong magpasensya baka mapatay ko sya...
Tumayo na ako at nilayuan sya. Mahirap na.
"Nerdy, where are you going? Tayo na nga lang dalawa tapos layo ka pa ng layo sakin. Wala akong sakit,"
Ayan na naman ang pangalang kinainisan ko. Nerdy such an old craft. Na dapat nakasanayan ko na.
"Uyy, Ms. Beautiful," patuloy nyang pangungulit sakin. Kung ibang babae siguro ang tinawag nya nun, Baka nahimatay na ng di oras. Pero Ibahin nyo ako...
"Okay, sorry na Kyra, di ka naman mabiro," at nilapitan nya ulit ako. Tiningnan ko lang sya ng masama, pero nakita kong seryoso sya kaya tumango na ako.
"Wag na wag mo lang uulitin na magbiro ng ganun," sabi ko pa.
"Bakit ba kasi ang sungit mo?" Naitanong nya pero sa dagat nakatingin. "Lagi ka na lang nakasimangot at nakakunot yang noo. Ni hindi pa kita nakitang nakangiti. Parang pasan mo ang universe,"
"Kasi--," napatigil ako at nag-isip. Pano ko ipapaliwanag na hindi ko kayang ngumiti dahil naasar ako sa kanya? Parang napakababaw naman yun. Napakagat ako ng labi nang mapatingin sya sakin.
"Okay lang kung hindi mo sagutin. Eto na lang," tumigil sya at parang nag-isip, saka tumingin sakin.
"Ilang taon ka na?"
"17, ikaw?"
"Just turned 18, kahapon ang birthday ko," ngumiti pa sya pero halatang malungkot ang mata nya. "And ikaw ang kasama ko. Not my parents, friends, and even my girlfriend, correction ex-girlfriend. She broke up with me the day before my birthday, and worst nabuntis sya ng kaibigan ko,"
"I'm sorry to hear that, eh ang parents mo?"
"Busy on their business. Ni hindi nga yata nila alam na umalis ako ng bahay," ngayon alam ko na kung bakit nya ako pinagtritripan... Hayy pero inis pa rin ako.
Tumayo na sya kaya nagulat ako. Saan na naman to pupunta? At iiwanan pa talaga ako?
"Kukuha ako ng pagkain natin at kahoy para may apoy tayo mamaya, hindi na kita isasama dahil baka may ahas pa tayong makita," sabi nya bago ako iniwan...
Tinanaw ko na lang ang dagat nang makaalis ang lalaking weirdo. Weirdo dahil minsan seryoso, minsan puro kalokohan. Napaisip ako tungkol sa ex-gf nya. Kilala ko kung sino yun, si Queenie, isang sikat na dancer sa school namin. Maganda at mabait ito kaya nagtataka ako sa sinabi ni Jiro tungkol kay Queenie.
Napabuntunghininga na lang ako at bumulong. "Hindi ko na lang iisipin ang problema nila. Hindi ko na kailangan pang mangialam sa buhay ng iba,"
Dahil sarili kong buhay, pinoproblema ko na.
Ulila na ako sa ina, presidente ng bansa ang aking Ama na sobrang abala kaya mas pinili kong tumira sa kapatid ni mama at itago ang tunay kong pagkatao bilang anak ng presidente... Siguro sa mga oras na ito ay ipinapahanap na ako ng magaling kong ama. Hindi naman sa ayaw ko syang kasama pero gusto ko lang ang simpleng buhay. Walang bantay, walang magbabawal, walang magsasabi ng dapat o di dapat. Mabait si Papa, lagi nya akong pinagbibigyan sa anumang gusto, Namatay kasi si Mama sa panganganak sakin kaya ganun na lang ang pag-aalaga nya sakin kahit nakakasakal na...
BINABASA MO ANG
The Romantic Getaway
RomanceShe is just a simple girl who want to escape the man who brought her bad memories. Then suddenly an accident happen and the worst scenario of her life happen... Kyra was trap in an island with the worst person that she ever met. The person who makes...