Chapter 2- day 1

143 3 0
                                    

Nakatitig ako sa apoy na ginawa ni Jiro, may alam naman pala syang matino.

"Kanina ka pa tahimik, ayos ka lang?" Seryoso nyang tanong habang inaayos ang pwede naming tulungan

"Wala. Wag mo na lang akong pansinin,"

"Tss. Ang sungit mo talaga, tinatanong lang naman," at bigla na lang sya tumabi sakin. Nagulat ako kaya napaisod ako bigla.

"You really hate me, right?" Parang may halong lungkot  ang boses nya habang nakatitig sa alon ng dagat. Nakakunot naman ako na nakatingin sa kanya.

"Tss. Never mind. Matulog kana para makahanap tayo bukas ng tutulong satin," sabi nya na hindi man lang tumingin sakin. "Wag kang mag-aalala, wala akong balak na masama sayo,"saka nya ako iniwan para magpahinga.

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko sya ay parang gustong gusto kong tirisin ang pagmumukha nya kahit wala pa syang ginagawang masama. Tiningnan ko sya na nakaupo malapit sa apoy na ginawa nya.

"Monster," tanging bulong ko habang tinitigan sya.

"Bakit ka ba inis na inis sa kanya?" Tanong ng kaibigang si Hannah habang nakatingin sa mga papel na nilamukos nya sa tindi ng pagkainis kay Jiro. Nakatingin ito sa kanila at di maalis sa ngiting aso sa mukha nito.

"Because he's a monster. Tingnan mo nga yung ngiti nya. Nakakainis!" 


Kung hindi siguro hinawakan ni Hannah ang kamay ko ay baka nabato ko na ang lalaking yun.

Napabuntunghininga na lang ako nang maalala si Hannah. Nerd din si Hannah. Tahimik, loner at madalas na nasa isang sulok lang. Ako lang yata at ang libro nito ang madalas na kasama.

***

"Kanina pa tayong lakad ng lakad, di ka ba napapagod?" Reklamo ni Jiro pero hindi ko sya pinapansin, tuloy pa rin ako sa paglalakad, nagbabakasakaling may tao maliban sa halimaw na kasama ko. Hindi nga ako nagkamali dahil may natanaw akong lalaking nangunguha ng mangga.

"Hindi mo ba ako nariri---" natigilan siya nang pinanlakihan ko sya ng mata. Nang natapos ang lalaking nangunguha ng mangga ay agad namin syang sinundan. At nagulat ako ng makita ko syang pumasok sa isang mala palasyo sa gitna ng gubat.

"Alam kong kanina nyo pa ako sinusundan," tumigil ang lalaking sinundan namin sa pinto at humarap samin. Siguro ay kinse anyos na ito. Payat pero matangkad. Lumapit pa ito samin at tinitigan ako.

"Kailangan nyo ng matutuluyan?" Napatango  lang ako pero nakayuko, Nakakahiya kasi sa kanya. Napaangat lang ako nang hawakan ni Jiro ang kamay ko.

"Chester, nakuha mo ba yung pinapakuha ni Lola Isabel. Uy--," napatigil ang babaeng tumatawag nang makita kami. Maputi ito na may brown at medyo kulot na buhok, mukhang manikin pa sya sa bestidang suot nito. Siguro ay mas bata ito kay Chester ng isang taon.

"Mga dayo sa isla," parang nagulat ang babae sa amin. Lumapit din ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, saka napangiti kaya nawala ang kaba ko.

"Pasok kayo, Chester dalhin mo na kay mommy yan at maihanda na sa hapag," nauna naman si Chester.

"Siguro nagtanan kayo?" Napatingin ako sa babae na nakatingin kay Jiro. Noon ko lang napansing hawak pa rin nya ang kamay ko kay hinila ko na ito at lumayo sa kanya.

The Romantic GetawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon