Chapter 3 -The painter himself

106 2 0
                                    

Hindi pa rin ako makatulog dahil sa sinabi ni Jiro bago ako umalis sa garden.

"Hindi naman malabong magustuhan ka nya. You're beautiful,"

"Ate Kyra," tawag ni Yumi sakin. Hindi ko namalayang nakapasok na sya ng guest room kung saan ako nakahiga ngayon. Bumangon ako at tiningnan ko sya.

"Bakit?"

"Wala, gusto ko lang sana makipagkwentuhan," saka umupo sya sa kama.

"Wala kang maririnig na magandang kwento sakin,"

"It's okay. Sige ako na lang ang magkwekwento tungkol dito sa Isla Bueno,"

Medyo marami din syang naikwento, di pala sila permanenteng nakatira doon, binili lang yun ng lolo nila para sa bakasyon. Sa Maynila talaga sila nakatira.

"Si Chester? Kaano ano nyo sya?" Naitanong ko habang nakahiga. Kanina ko pa sana itatanong yun kaso nahihiya ako.

"Apo sya ng bestfriend ni lolo, kaso ulila na kaya pinatira ni lolo samin,"

Naalala ko si Brent. Andami ko kasi gusto itanong tungkol sa kanya. Yung tungkol daw sa painting, kung bakit  parang kilala nya ako. Pero walang lumabas sa bibig ko.

"Ate?"

"Hmmm? Bakit?"

"Pwede ba akong matulog dito?"

Tiningnan ko sya ng seryoso pero niyakap nya lang ang braso ko..

"May magagawa pa ba ako?"

Napangiti si Yumi at parang bata na tuwang tuwa.

"Thank you ate. Ah Ate, Pwede magtanong?" Di pa ba sya nagtatanong sa lagay na yan?

"Go ahead," sabi ko na lang kahit gusto ko nang matulog.

"Matagal mo na bang kakilala si Jiro?" Bakit naman kaya natanong yun ni Yumi?

"Since 1st year highschool, classmate ko sya bakit?"

"I think he likes you," Ayan na naman yang "I think he likes you" kanina si Brent, ngayon yung mokong namang yun.

"Pano mo naman nasabi?"

"Kasi he looks at you like he want  to own you. Pati si Kuya ganoon din, siguro kung malaki laki na si Veron baka maging ganun na rin sya,"

"Such a funny joke. Alam mo matulog ka na, Inaantok na rin kasi ako," at tumalikod ako sa kanya at nagkunwaring tulog. Effective naman dahil hindi na nangulit si Yumi...

***

Pupunta sana ako ng kusina nang mapadaan ako sa kwarto ni Brent. Bukas ang ilaw at pinto kaya naisipan kong sumilip at nakita ko si Brent na nagpipinta ng isang magandang talon.

"Ang galing!" Mahina kong sabi. Hindi ko mapigilang humanga sa galing nya magpinta. Hindi ko alam kung napalakas ang pagsasalita ko o sadyang malakas lang sya makaramdam dahil napatigil sya at lumingon sya sakin.

"Gabi na ah. Bakit gising ka pa?"

"Nauuhaw kasi ako kaya bababa sana ako kaso nakita kitang nagpipinta," napatigil ako ng lumapit sya sakin.

"It's my hobby," maikli nyang sagot.

Inilibot ko ang mata ko sa mga painting  na nakasabit sa dingding ng kwarto ng yun. At hindi naman nabigo ang mata ko dahil nakita ko ang painting na kamukha ko.

"Sino ba yun?" sabay turo ko sa painting. Agad namang napangiti si Brent.

"It's you two years ago. Remember sa park?" Pilit kong inalala ang sinabi nya pero blanko ang utak ko. Ano ba talaga kasi nangyari sa park na sinasabi nya?

"Nakaupo ka noon sa bench tapos lumapit ako and I said "Miss pwede ka bang ipaint. Project ko lang," tapos tumango ka. Hindi mo talaga naalala?" Parang nalungkot sya nang makita nya akong tumango.

"Medyo matagal na rin kasi yun kaya di kita masisisi. Matulog ka na. It's getting late," yun lang sinabi nya at sinaraduhan na niya ako ng pinto. Ako naman ay nagbalik na sa kwarto ko.

"Bakit ka lumabas?" Ang boses na yun. Kahit di ko tingnan kung sino yun ay kilalang kilala ko.

"Ano bang pakialam mo Jiro? Matulog ka na lang," papasok na sana ako ng kwarto ko nang bigla nyang hilahin ang braso ko dahilan para mapaharap at napakapit ako sa balikat nya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Natigilan ako sa sunod nya ginawa. Ninakawan lang naman nya ako ng halik, hindi sa pisngi kundi sa mismong labi ko.

"Goodnight sweetie," bulong pa niya sa tenga ko at umalis. Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. Ano ba talagang nangyayari kay Jiro? Bakit nya ginawa yun?

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin sakin si Brent. Nakita nya kaya?


  Sandoval's mansion--------->>>>

The Romantic GetawayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon