"Bakit ba kasi nya ginawa yun? Nakakahiya!!" maktol ko habang nakaupo sa buhangin. Naisipan kong pumunta doon dahil narin sa hindi ako makatulog dahil kay Jiro at Brent. Kumuha ako ng maliit na bato sa gilid ko at inihagis yun sa dagat.
"Lagi nya na lang ako pinaglalaruan, Nakakainis!!" Kukuha pa sana ako ng bato pero paa ang nakapa ko.
"Br-Brent??"
"That man, tingin ko hindi ka nya pinaglalaruan," out of the blue nyang sabi. Siguro ay kanina pa itong nakikinig sa kanya. Umupo sya sa tabi ko at kumuha ng bato at ibinigay sakin.
"Hindi mo sya kilala," nasabi ko pagkatapos kong ibato ang binigay nya sakin.
"Yeah, siguro nga hindi ko sya ganun kakilala pero alam kong may nararamdaman sya para sayo," di sana ako maniniwala pero kita kong seryoso sya sa sinabi nya.
"Lalake ako Kyra. Alam ko ang ugali ng lalaking katulad ni Jiro,"
"Mas kilala ko si Jiro at alam ko kung kelan sya seryoso o nakikipagbiruan," sabi ko bago ako tumayo. Medyo nilalamig narin kasi ako at inaantok. Bahala na si Brent sa gusto niyang isipin, parehas lang sila ni Jiro. Parehas silang kakaiba ang iniisip.
Naglalakad na ako nang bigla syang nagsalita.
"Nahihirapan kang tanggapin kasi natatakot kang masaktan,"
***
Nagising ako nang wala na si Yumi sa tabi ko pero nakita ko ang painting ng mukha ko na nakasabit malapit sa bintana. Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi, pero alam kong totoo yun. Di ko lang alam kung pati yung pinagsasabi ng dalawang lalaking yun ay totoo.
Bumaba ako sa kusina dahil narinig ko si Yumi at ang mommy nya na nag-uusap.
"Ate, gising ka na pala," nakangiting bati ni Yumi habang naghahalo ng lulutuin nilang pancake.
"Ah yung kasama mo nga pala nasa may dagat, may kausap," Oo nga pala, ngayong araw namin pwedeng tawagan ang pamilya namin. Si Hannah at si Dad, sila na lang ang kakausapin ko. Agad akong pumunta kung nasaan si Jiro, saka ko na lang siya kakausapin tungkol sa mga pinaggagawa niya kagabi. Nakita kong katatapos lang niyang tumawag.
"Sinong tinawagan mo?"
"Si Kevin," maikli nyang sagot. Kevin Werttz. Bestfriend nya.
"Anong sabi nya?"
"He wants me to come back but-" Tumigil sya st tiningnan ako ng seryoso.
"But what?"
"Di kita kayang iwan," inabot nya sakin ang wireless phone bago tumayo at umalis. Di nya akong kaya iwan? Panibagong prank na naman ba to?
***
Jiro's POV
"Hey relax. Kevin it's me Jiro," baka kasi babaan nya na naman ako ng telepono nito.
"Prove it," sigaw nya. Kahit kaylan talaga itong lalaking ito. Psh.
"Gusto mo ng proof?? Wait. Ayaw na ayaw mo kay Blue dahil niligawan nya yung crush mo Tapos..." Di ko mapigilang matawa dahil kung nakikita ko lang mukha ni Kevin ay siguradong pulang pula na yun sa galit. Kaibigan ko rin si Blue Acosta na nakaaway ni Kevin at sinabi nyang lahat sakin.
"Oo na tapos nalaman kong bakla pala si Tricia, naniniwala na ako sayo. Halimaw nasaan ka ba? Apat na araw ka na naming hinahanap. Tapos nabalitaan naming naglayas ka, then lumubog daw yung sinakyan nyo. Buti naman at buhay ka pa,"
"Don't worry. I'm safe, By the way, Ano ng balita dyan?"
"Magpapakasal na sya dude, kaya umuwi ka na dito,"
"I can't," di pa kasi ako handang makita si Queenie, at iiwanan na lang basta si Kyra. Kasama ko syang nakarating dito sa isla kaya kasama ko rin syang aalis.
"Tss. Blue ano ba?" Narinig kong pag-aaway ng dalawa. Lagi na lang silang ganyan pero lagi rin naman magkasama.
"Gusto ko lang namang kausapin si Jiro, bakit ba ang damot mo?" Narinig kong sigaw ni Blue kay Kevin
"Give the phone to him," Narinig ko namang tumawa si Blue.
"Jiro, alam mo bang nawawala din si nerdy?" Tanong ni Blue. Si Kyra ang tinutukoy nito.
"Yeah, ang totoo nyan kasama ko sya dito,"
"Sasabihin ko pa ba?" Mahinang sabi ni Blue pero rinig ko parin.
"Ano ka ba? Alam nya na siguro yun," sabi naman ni Kevin. Ano na naman kaya ang pinaguusapan ng dalawang ugok na yun?
"Ahh eh? Jiro, may gagawin pa pala kami ni Kevin, mamaya ka na lang ulit tumawag,"
"Sige, bye." At bigla na lang dumating si Kyra. Tinanong nya kung sinong tinawagan ko at anong sabi. Sinabi kong si Kevin at gusto nyang pauwiin na ako. Pero ayoko dahil. Dahil di ko kayang iwanan sya. Ang mahirap lang ay baka iniisip nyang biro lang ang lahat.
Dahil yun lagi ang tingin nya. Na di ko kayang magseryoso...
Dahil isang malaking BWISIT ang tingin nya kay JIRO FRITZ. At mahirap ng baguhin yun...
***
Thanks po sa nakakaappreciate ng TRG.
<3Love - kyRo
BINABASA MO ANG
The Romantic Getaway
RomanceShe is just a simple girl who want to escape the man who brought her bad memories. Then suddenly an accident happen and the worst scenario of her life happen... Kyra was trap in an island with the worst person that she ever met. The person who makes...