CHAPTER 1: Hey, Loneliness!

22 3 3
                                    

Author's Note: Thank you for the photo from University of Oxford's Library.

It's a brand new day na naman for me. Sino bang mag-aakala na dadating yung time na magagawa ko yung mga bagay na gusto ko at magpapasaya sakin. I've been a puppet of myself's expectations and competitiveness and even my parents own greed as well for a very long time. I grew up believing na kapag hindi ka honor student, mahina ka. Kapag mababa ang grades mo, bobo ka. I cried a river every night and day thinking na kapag hindi ko naabot ang expectations nila, mahina ako. Pero, that was only before. Kasi ngayon, I'm free.

I've been sharing my stories pala without you knowing my name. I'm Snædis Aestraea Marchesa. Yes, may lahi ako. Italian ang magaling kong ama. Yung nanay ko naman pure na Pinay siya. Only daughter ako kaya nasa akin lahat ng stress ng pamilya. Akala niyo ba masaya kapag only child ka? Nag-umpisa ang kalbaryo ko noong nag-aaral na ako. So, I'm living in hell for almost 14 years. From elementary to college. Ngayong frosh ako sa Law School ko pa lang mararamdaman ang kalayaan mga besh! 

••••••

Flashback:

"Aestraea! Wake up! You have to attend your classes right? Walang lugar sa pamilyang 'to ang mga mahihina!" sigaw ng mommy ko mula sa labas ng kwarto ko. Ayan na naman siya. Ipapamukha niya na naman sa akin na tuwing male-late ako ng gising ay mahina agad ako.

Nagmadali akong bumangon at lumabas ng kwarto para mag-almusal. Kahit nakakawalang-gana dito sa bahay wala akong choice. Binilisan ko ang pagkilos para maka-alis na agad dito sa lugar na parang copy paste ng impyerno. Sinubukan pa ni mommy na kunin ang atensyon ko pero hindi na ko lumingon pa.

***

Dito lang talaga ko sa school masaya. Pag minalas pa, pati mga classmates ko hindi ko nagugustuhan. Naglakad ako mula sa parking hanggang sa makarating sa room ko. Puro pangalan ko ang naririnig sa hallway dahil na rin siguro laging nasa bulletin board ang pangalan ko kasi top student ako ng school. Consistent yung pangalan ko sa top spot. Lahat sila masaya for me pero ako, hindi ako masaya para sa sarili ko. Naiinggit ako sa kanila kasi sila may time for hang-outs with their friends samantalang ako, every after school hours uuwi agad para magpakalunod sa mga libro na kailangan kong basahin.

"Aestraea!" sigaw ng best friend ko mula sa dulo ng hallway. Agad ko siyang kinawayan at nilapitan dahil ilang weeks din kaming hindi nagkita. Magkaiba kaming strand kaya hindi kami nagkikita most of the time.

"How are you, Czarina?" tanong ko kaagad sa kanya at niyakap siya. Yes, maganda din and pangalan niya. She's Czarina Zéphyrine Montero, my best friend.

"I'm doing well, Aea. Kakatapos lang ng trip namin nila mom sa Europe. Nag-enjoy naman ako. How 'bout you? How do you spend your sem break, huh?" sagot niya sakin na halatang sobrang saya ng trip niya with her family.

"Sem break?" I almost die laughing while asking her about sem break. "Mukha ba akong binibigyan ng break ng family ko? Hindi uso yun sa pamilya namin, Cza. I spent my vacay in my room reading those books na kailangan ko daw aralin according to my dad." sagot ko ulit sa kanya. Bakas sa mukha ni Cza ang pag-aalala sa situation ko. Alam niya lahat ng struggles ko. Sa kanya lang ako umiiyak. Siya lang naman nakakaintindi sakin.

After an hour of chit chat with Cza dumating na ang service ko. Yes, may driver ako na masipag magbantay. Sobrang loyal niya kila mommy kaya kahit anong paawa ko hindi ako makalusot. Minsan pa naiiyak na lang ako kasi nakikita ko mga classmates ko na kasabay halos umuwi yung friends nila or di kaya nakakapagstay sila ng mas matagal sa school para magbonding. Poor, Aea. That's how I look into myself.

BOOKS before BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon