Kabanata 9
Kahit Ayaw Mo Na
#KAMN
LovieNotLilah Daza
"Uuwi ka rin ng probinsiya?" nakakunot-noong tanong ni Tin. Marahan naman akong napatango.
Nasa condo ko sila ngayon dahil friendship day namin at mas ginusto na lang din nila na dumito lang kami since wala naman si Juvie. Hindi pa rin nakakabalik ng Manila.
"Why? Bakit?" usisa rin ni Rich. Napabuntong-hininga naman ako.
"I need rest and... Peace of mind too," mahina kong saad at napapikit.
Mukhang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa na makuha ulit siya. Siya na ang kusang lumalayo eh.
I remember what happened yesterday at LC Mall. He's with his friends Freddy and Yael. Alam kong iisang direksyon lang ang pupuntahan namin which is Lala Boutique pero noong makita niya ako ay bigla na lang sa katabing boutique sila pumasok.
Noong pauwi naman, papasok na rin dapat sila sa elevator na kinasasampahan ko pero nong makita niya ako ay hindi na sila sumabay pa. Ang tanging napagtanto ko ay nagbago na talaga siya sa loob ng isang buwan.
Isang buwan na mula noong sabihin niya sa aking ayaw niya na sa kung anumang meron kami.
Kahit naman nasasaktan at mahal ko pa rin siya ay wala akong ibang magagawa kundi ang pakawalan na lang siya. Kung saan siya masaya ay hahayaan ko na lang.
You never really love someone until you learn to let go. Let him go and your feelings for him Lilah.
"How about Alester?" malungkot na tanong ni Shie. Marahan akong nagdilat ng mata. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na maitago pa ang sakit at lungkot na bumabalot sa aking sistema.
"Wala na kaming pag-asa pang magkabalikan. Siya na mismo ang lumalayo eh."
"Kapag ang isang tao ay lumalayo sayo, meron siyang dahilan. Bakit hindi mo subukang alamin at habulin man lang? Lalah naman, sayang eh." Mapait akong ngumiti dahil sa tinuran ni Tin. Kung sana lang ganun kadaling gawin ang mga payo nila ay ginawa ko na.
"Hindi ko ugaling maghabol at ipilit ang sarili ko sa mga taong hindi naman ako gusto, alam niyo yan hindi ba? Tsaka rason ba kamu? Hindi niya na ako mahal. Ayaw niya na sa akin. I think, enough reason na yon para lumayo siya sa akin. Kasalanan ko rin naman kung bakit humantong kami sa ganito but it doesn't mean na papaalipin ako sa nararamdaman ko for him. Kailangan ko na ring magmove-on gaya ng ginawa niya." Napaiwas ako ng tingin sa kanila dahil nararamdaman kong papatak na ang aking luha.
"Okay, nakukuha naman namin ang gusto mong mangyari Lah at susuportahan ka namin. At least naman tinanggap mong may pagkakamali ka, sinubukan mong itama ang pagkakamali na iyon at higit sa lahat ay may natutunan ka," ani Rich sabay yakap sa akin. Sumunod naman si Tin and Shie. Swerte pa rin ako at may mga kaibigan akong kagaya nila.
"So, kailan ang uwi mo?"
"Next week, maybe? May aayusin pa kasi ako bago umalis eh. Naisipan ko ring magbukas ng Lala Boutique sa probinsiya. Kapag sinuwerte ay baka doon na ang magiging main office ko."
"Hala naman! Sa sinasabi mong yan ay parang wala ng balikan dito ah? Si Juvie din ay may balak ding mag run ng business doon. Kami na lang ang matitira dito?" angil ni Rich. Natawa lang ako dahil sa reaksyon ng mukha niya.
"Madali lang din naman ang pag-transfer ko roon, no worry," saad ni Tin palibhasa ay teacher, kahit saan ilagay ay pwede.
"Ang daya niyo naman. Lalah, bumalik ka dito," nakangusong sambit ni Shie.
BINABASA MO ANG
Kahit Ayaw Mo Na (LC Series#1)
Romansa|PUBLISHED UNDER KPub PH| ✅Complete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelation when she made the difficult decision to let go of her partner of two years, Alester Hernandez. Sh...