Patawad

11 0 0
                                    

Patawad, kung ikaw ay aking nasaktan,

Patuloy na binibigyang pighati at kalungkutan,

Masaya sa labas na kaanyoan,

Subalit makikita sa mata ang ibang kahulugan,

Ikaw ay tumatawa sabay nang iyong pagluha,

Alam kong masakit, sobra.


Patawad, dahil sa akin ika'y nagdurusa,

Aking nais lamang ay Makita kang masya,

Iyong maranasan ang maging Malaya,

Maraming kaibigan at bagong kapaligiran,

Labi na may mga ngiti,

Katumbas nang ligaya na sa mata makikita.


Patawad, ikaw ay aking binigo,

Puso ay hindi maampat ang pagdurugo,

Isipan mo ay tuliro,

Iba't-ibang emosyon ang bumubugso,

Kahit anong nais ko na ika'y yakapin,

Paghihinagpis na dulot ay doble dahil sa akin.


Alulong nang iyong nadarama,

Nagdudulot sa akin nang pagdurusa,

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin,

Mangyari bang sarili ay dapat muna hanapin,

Nang sa iyong muling pagmulat, buhay na sa iyo ay nararapat,

Maibigay nang walang anumang lamat.

Muli sa iyo, Patawad.


Pakiusap, 'wag ka nang tumawa, kung ikaw ay hindi masaya,

'Wag ka nang mag isip, nang kung anuman sa iyo ay nakakasakit,

'Wag ka nang gumawa, nang mga bagay na hindi mo ikinatutuwa,

'Wag ka nang maghanap o magnais, nang damdaming lungkot ay wangis.

Inuulit ko, Patawad.


Ngayon ay kalayaan nang ating bansa,

Hiling ko nawa ito ay iyong makuha,

Mabuhay ka nang walang inaalala,

Iwaglit mo ang sa iyong pagkatao ay nakakabahala,

Palagi mong pakatandaan, ikaw ay minamahal.

Paalam, Patawad.

Her Point of ViewWhere stories live. Discover now