One

199 10 10
                                    

Jo's POV (short for Josephina)

Panibagong araw, Panibagong simula, Panibagong pag-asa. Hindi naman sumabay yung pag-asa ko sa paglisan niya. Hindi naman nilipad ng hangin ang pag-asa ko, gaya ng mga pangako nya.

Ewan ko ba, morning routine ko na ata ang isipin yung mga pangakong hindi naman matutupad. At ewan ko ba, kung bakit hinihintay ko pa rin matupad yun kahit alam kong wala na yung taong nararapat na tumupad non.

Josephina, lumuluha ka na naman. 15 years na lumipas, hindi na babalik 'yun.

Wala naman na kasi talaga. Wala nang babalik. Wala nang babalik sa dati. Wala na sya, wala na.

Pinahid ko ang mga luha sa mata ko, bumangon sa higaan, niladlad ang buhok, at pumasok sa banyo para maligo dahil may mga batang naghihintay pang matuto sa akin.

Mas importante sa akin ang maturuan sila ng magandang asal at mga lectures, than to teach myself how to move on from what happened 15 years ago.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniporme ko, kinuha ang mga gamit ko at umalis na papuntang eskwelahan.

"Hi Ma'am jo!" bati ng former student ko na si Kristin.

"Hi, musta ang pag-aaral mo?"

"Okay naman po Ma'am Jo. Kayo po, kumusta?"

"Ayos naman. Sige una na ako may klase pa ako Kristin, ar mabuti." sabay himas ko sa likod nya.

"Oh, Jo hinihintay ka na ng klase mo." salubong ni Rida sa akin dala dala ang mga modules papunta sa klase nya.

"Oo, papunta na ako don. Sige na, mukhang late na nga ako."

Pagpasok ko pa lang sa room ng mga highschool students, bumungad na sa'kin ang mga studyanteng nagsusuklay, nagdadaldalan, naghahabulan, kumakanta, at iba pa.

Nang makita nila ako, agad naman nilang inayos ang mga sarili nila at bumati sa akin.

"Magandang hapon po, Binibining Fernandez." nakakatuwa, dati ako ang bumabati sa guro ko dati. Ngayon, ako na ang binabati.

"Hindi tayo magsisimula sa diskusyon nang hindi tayo nagdadasal." 

Nag lead ng prayer ang isa kong studyante, natapos ang dasal at nagsimula na akong nag discuss.

Walang bago, kabisado ko na nga ata lahat ng nilelecture ko sa mga bata. Paano ba naman, taon taon iba't ibang mukha nga ang kaharap ko pero pare-parehas lang din ang tinuturo ko.

Values. Tinuturuan ko ang mga kabataan ng tamang asal, moral, at values. Sa tahanan naman talaga ito dapat unang matutunan, pero responsibilidad ko pa rin naman bilang guro, nakakatanda, at pangalawang magulang nila na ipaintindi sakanila ang tamang asal.

Sanay na ako sa ganito, araw araw pareparehong lesson sa iba't ibang klase.

12:30 ng hapon ang tapos ng trabaho ko, hindi naman ako agad umuuwi dahil mag isa lang naman ako sa bahay. Wala namang dahilan para maexcite ako umuwi, wala akong uuwian.

Alam mo 'yun? may bahay ka, pero you feel homeless. Sometimes home is not a place, it's a person. But that one person who made me feel that I'm home, left me homeless.

Jo, stop it. Clean up your desk, and fix yourself.

Tumayo ako at lumabas ng room para tumambay muna sa Faculty. Ayokong iuwi itong mga activities ng mga studyante ko sa bahay, work from home lang ang peg te?

No, seriously. Ayokong dinadala ang trabaho sa bahay, gusto ko kasi pag umuwi ako matutulog na lang ako at magpapahinga. But, as a teacher may mga times na kahit ayaw ko naiuuwi ko ang trabaho.

While checking the activities of my grade 9 students, Rida entered the faculty with an irritated face.

"Caridad, bakit di na naman mapinta 'yang mukha mo?" I asked Rida while I'm turning the pages and checking my students' answers.

Caridad is Rida's real name. My closest co-teacher friend. She hates being called 'Caridad' nakakatanda daw pakinggan. Diba, galing talaga. Hindi na nga mapinta ang mukha nya, I teased her pa with her real name.

"Ako Josephina, wag mo akong pinipikon lalo ah." Inis na sabi nito sa akin while she's applying liniment roll on onto her temple.

Me being inquisitive, I asked her with "Hahaha, anong nangyari ba?"

"Paano ba naman kasi, diba nagbigay ako ng call slip sa students ko na hindi nagpasa ng modules nila dahil I gave extension na nga ng 3 days, wala pa rin akong natangap na modules from them. So I gave them call slip that I need to talk to their guardians, kasi Mars sobrang hirap ba magsagot ng activities? Lagi naman ako nagtuturo..."

"And?"

"So eto na nga, some of their parents or guardians arrived kanina sa room. I talked to them tapos nagrereklamo sila na yun lang daw pala ang issue, bakit kailangan ko pa sila ipatawag? Seriously? Nagpapalaki at nangungunsinti sila ng tamad? Alam mo kung nila 'lang' nila yung modules na hindi napasa sa'kin, pwes it's a big deal for me. Concerned ako sa pinagkukunan nila ng binabayad nila for the modules, Imagine they would pay such as 50 pesos for that module pero their children will left it blank and no answers? God, these millenial nowadays! Sobrang irita ako sa pagiging unbothered parents nila!" reklamo ni Rida sa akin while she's still massaging her temple as a sign of calming herself.

"Alam mo, Rida pitong taon ka nang guro. Pitong taon mo na ring naeencounter yang mga ganyang parents, naiistress ka pa rin? Kaya hindi ka nakakapag asawa eh." Biro ko sakanya.

"A ha ha ha ha, funny ka no? Kung makapagsalita ka, parang may lovelife ka ngayon ha? Saka, ano naman kung di ako makapagasawa? Utang na labas, ako ba kaunaunahang guro na tatandang dalaga? And also, choice ko naman kung gusto ko magkaanak at magkaasawa. It won't make me less as a woman kung wala naman sa plano ko 'yun diba?" paliwanag ni Rida sa akin.

Wow, daming sinabi. Inasar ko lang naman sya, niratratan naman ako.

"Rida, utang na labas controllin mo mala-armalite mong bibig? Trenta'y kwatro años ka palang pero daig mo pa mag memenopause kung makakuda ka. I-Iced Coffee na lang natin 'yan."

"Makaaya, libre mo?" while her left eyebrows being raised.

"Buraot friend ka naman talaga ever since. Sige, basta ikaw sa ensaymada ha?"

"Parantimang ka naman, edi sana di mo na lang ako nilibre. Haller 97 pesos isang ensaymada, dalawa tayo 194 edi parang bumili na rin ako ng large na iced coffee non-" she stopped talking when I placed my index finger on her lips.

"Daming kuda, Caridad. Lika na, tapos na 'ko magcheck ng isang section."

———————





EulBert Series #1 || Hanggang May Kailanman. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon