Jo's POV
"Seryoso, Jo. Bakit wala ka bang nobyo? Sayang, habang bata ka pa humanap ka na ng makakasama mo habangbuhay. Baka mahirapan ka na makahanap pag dumating ka ng 40."
"Wala lang. Wala pang dumarating eh." tipid na sagot ko sakanya.
"Wala pang dumarating o wala nang bumalik?"
Wow, grabe yung atake ah.
"Rida, tanghaling tapat iniintriga mo 'ko. Kala ko ba gabi ang show ni Tito Boy?" tanong ko pabalik sakanya.
"'Wag mo nga akong nililihis, Josephina. Move on na, Mars. 15 years nang wala 'yun. How are you so sure na babalik pa 'yun?"
"Ano ka ba? May sinabi ba akong hinihintay ko pa bumalik 'yun? Wala naman diba? So, tantanan mo ako Caridad." I replied as I took a sip from my Iced coffee.
"Jo, kahit naman hindi naman manggaling sa bibig mo yung sagot, nababasa ko na yung sagot sa mata mo. Payong kaibigan lang ha, hinding hindi ka maghi-heal kung babalik ka lang sa taong minsan nang nanakit sa'yo."
Natigilan ako sa sinabi ni Rida sa'kin. Hindi ko rin alam sa sarili ko. Kahit naman paulit ulit kong sabihin na hindi na ako naghihintay ng pagbabalik, alam ko sa sarili ko na hinihintay ko pa rin sya. Hinihintay ko pa rin na tuparin nya lahat ng pinangako nya sa'kin. Hinihintay ko pa rin talaga sya, hinihintay ko pa rin na dumating ang araw na maging masaya ako ulit.
𝘏𝘪𝘯𝘪𝘩𝘪𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘪𝘵𝘢, 𝘓𝘦𝘢𝘯𝘥𝘳𝘰.
Pero, hindi ko alam kung paano ko pa sya tatanggapin muli sa buhay ko kung sakali mang bumalik sya. Gusto kong bumalik kami sa dati, pero hindi ko alam kung paano ko sya haharapin, kakausapin, at pakikitunguhan pagtapos ng lahat.
I came back to my senses when Rida snapped her fingers right at the front of my face.
"Huy! Tinatanong kita kung anong gagawin nating program next week. Diba tayo yung nakaassign sa daloy ng program?"
"Ah, oo. Sorry. The usual, kung ano ginagawa every year. Mass muna tapos saka na yung mga performance." I suggested.
"Jo, okay ka ba?" Rida asked.
"Para kang tanga. Okay ako, wala namang ibang choice kundi maging okay. Pag ba nagpakalugmok ako habangbuhay, mapapakain ko ang sarili ko? Hindi naman diba?"
"May rason ba para malugmok ka?"
"Bills. Charot! Daming tanong!"
"Josephina, kailan kaya kita makakausap nang matino? Alam mo sa ilang taon na nakilala kita, parang hindi pa kita nakakausap ng maayos. So, Kelan nga kita makakausap ng matino ka?"
"Pag may jowa ka na." I smirked.
"Ah talaga ba?"
"...kaya hindi ka binabalikan eh." she whispered pero narinig ko naman dahil malamegaphone nga ang bibig nito kaya kahit pabulong lang yun, maririnig ko yun.
"Anong sabi mo?" I asked as my eyebrows furrowed.
"Wala, sabi ko hintayin mong magkaron."
------
3 days after.
After ng klase ko, dumiretso na uli ako sa Faculty ko dahil mag aasikaso pa kami ni Rida ng winners sa pacontest naming Poster Making. Gagawa rin kami ng Certificate para sa winners at magca-canvas kami ng Trophies for the winners ng Mr. & Ms. Values 2019.
BINABASA MO ANG
EulBert Series #1 || Hanggang May Kailanman.
FanfictionWala akong maisip na description, pero panoorin nyo na lang yung trailer mahal nyo naman ako HAHAHAHAJAHAHAH. 😂