Kung ano ang puno siya ang bunga, kasabihan ng karamihan lalo na nila lolo at lola
Kung ano ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmumula ang sambit nila magmula moong tayo'y musmos pa
Sila ang ating karamay sa lahat ng problema
At sila ang ating pinakamamahal na PAMILYA
Simpleng asaran,
Malulutong na tawanan
Ito yung palagi nating mararanasan
Sa loob ng ating munting tahanan
Di man araw-araw masaya
Hindi man parating maligaya
Ngunit sa panahong kailangan mo sila
Asahan mo't dadamayan ka nila
Di lahat biniyayaan ng kumpleto
Kaya't masuwerte ka't kasama mo sila pareho
Ang nanay mong labis kung magmahal sa inyo ng mga kapatid mo nang todo todo
At ang tatay mong grabe ang sinakripisyo mapanatili lang na maayos ang kalusugan niyo.
Pamilyang sama sama at nagsasanga sanga at patuloy pang mamumunga pagdating ng ilang dekadakaya dapat nating ipagpasalamat sa poong may kapal
ang pamilyang sa atin niya ay ibinigay
na punong puno ng pagmamahal na iniaalay
at walang humpay na damayan na tuwing may malaking pagsubok na ibinibigayKaya't dapat natin silang mahalin at alagaan
Gawing kayamanan magpakailanman
Dahil kahit anong lugar man ang ating mapuntahan
Wala pa ring mas masaya pag kasama ang pamilya sa ating munting tahanan
YOU ARE READING
TULAAN
PuisiTHANKYOU PO FOR READING THIS POEM ALTHOUGH DI AKO GANON KAHUSAY SA PAGSUSULAT NG TULA. LOVEYOUALL!!!! I'M TRYING GUYS HAHAH