N A R I ' S
"Ma, pwede bang hindi na lang ulit ako pumasok?" pagtatanong ko habang nasa loob pa din ng kotse namin.
"Nari, 'wag ng matigas ang ulo. Kailangan mo pa din ituloy 'yang pag-aaral mo." sagot niya.
"Hindi ka ba natatakot para sa akin Mama?"
"Syempre natatakot, anak. Pero ito ang advise sa atin ng doktor mo, sumunod na lang tayo, okay?" napabuntong hininga na lang ako at nagpaalam kay Mama bago umalis.
I have Leukemia. And unfortunately, buhay pa ako.
I'm currently retaking 12th Grade na dapat natapos ko na noong last school year pa pero dahil sa biglang pag-atake ng sakit ko, hindi ko na nagawang makapag-exam para sa finals namin.
Sayang, college na sana ako ngayon..
Pero ang mas malas pa sa school year na 'to ay ang makita ang kapatid ko at ang boyfriend niyang naglalandian. Ayos lang sana kung hindi ko sila ka-batchmate eh. Ayos lang sana kung hindi siya ang boyfriend ng kapatid ko.
Bang Yedam is his name, the guy I like.
No, actually, the guy I love.
And also my sister's boyfriend.
That's what he is in my life. Taong mahal ko at mahal ng kapatid ko. Ang saklap lang kasi hindi ako ang pinili niya.
Pero syempre hindi ako papayag.
I'll make him choose me.
And this time, kusa na siyang lalapit sa akin.
Sisiguraduhin ko 'yon habang nabubu―"Aray!"
"I-I'm sorry, Miss! Hindi ko sinasadya.. Nari?"
Aish, teka nga lang. Hindi ako makatingin sa kung sino man 'tong nasa harap ko ngayon. Ang sakit kasi! Bubungguin na nga lang ako, sa ulo pa talaga.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, bulag ka ba―" natahimik ako bigla ng marealize ang taong kinakausap ko.
"Yoshinori.. Bakit ka nandito? Diba dapat nasa college campus ka na?" pagtatanong ko sa kanya. Ano nga bang ginagawa niyan dito? Don't tell me mag-reretake din siya ng year HAHA!
"No, hindi pa ako college. Parehas lang tayo ng rason bakit ako andito."
I was just joking.
"Retaking 12th Grade? Ikaw? Akala ko ba matalino ka?" pang-aasar ko.
"Ikaw din naman matalino, pero bakit hindi mo ginagamit sa tama?" natigilan ako sa naging tanong niya.
I saw him smirk.
Gwapo ka sana Kanemoto, kung hindi ka lang sana nakaka-badtrip.
"Goodluck sa bagong year, Nari. Sana lang hindi tayo maging magkaklase." pagpapaalam niya habang ginugulo ang tuktok ng buhok ko.
Iritable kong tinaboy ang kamay niya mula sakin.
Hindi naman kami close, tigilan niya nga 'tong pang-aasar sakin. Hindi siya nakakatuwa.
"Sana nga." imik ko at nauna ng maglakad kaysa sa kanya.
Bwisit na first day 'to. Dapat talaga hindi na lang ako pumasok.
hello, sa mga hindi pa nakakabasa ng iba
kong stories sobrang laking spoiler ng book
na 'to para sa inyo HAHAHAHA pero sshh pa
din sa mga nakabasa na hehe
BINABASA MO ANG
QUEEN OF HEARTS 'ʸᵒˢʰⁱⁿᵒʳⁱ
Short Story[ DISCONTINUED ] "Mahal kita kahit na alam kong masasaktan lang din ako sa huli." ✦ She just wants to be genuinely loved by someone. Unfortunately, she doesn't seem to notice the love he was giving her all this time. ✧ Yoshinori Kanemoto. TreasureLa...