✧ 004

214 22 28
                                    

N A R I ' S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

N A R I ' S

Oh my gosh.

May nagbuhat sakin! Don't tell me na si Yedam 'to?!

Omg, omg, omg! Unang palabas ko pa lang 'to pero nag-success kaagad HAHAHA! Sana lang nakita ni Gyuri, ang kapatid ko, lahat ng mga nangyari at kung papaano ako binuhat ng boyfriend niya.

Sabi ko naman sa inyo, I'll make him choose me this time.

"Anong nangyari sa kanya, hijo?" rinig kong tanong ng nurse.

Naghintay akong sumagot si Yedam pero wala siyang imik.. Weird, gising na gising pa naman ako ngayon, imposibleng hindi ko siya marinig diba?

Ramdam ko ang paglapag sa akin sa isang kama dito sa loob ng clinic. Ayoko pang magmulat ng mga mata, baka nandiyan pa si Yedam.

Ng makarinig ako ng ingay mula sa kurtinang nakatabon sa bawat kama, unti-unti na akong gumising.

Dahan-dahan akong umupo ng maayos para magmukhang nanghihina pa din ako. Malay natin may biglang pumasok, edi nahuli na kaaga―

"Gising ka na agad?" teka lang.

Hindi boses ni Yedam 'to.

"Yoshinori? T-Teka, paanong.."

"Mukhang disappointed ka yata, dahil ba hindi ako si Yedam?" tanong niya ulit.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Kanina ka pang hapon ka ah.

"Tsk. Alis nga diyan!" pagtataboy ko sa kanya habang tumatayo mula sa kama ko.

Papalabas na sana ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko, dahilan para mapalingon ako sa direksyon nito.

"Hindi ka pa pwedeng umalis, kailangan mo pa magpahinga. Nag-collapse ka, diba?" nakakaasar niyang tanong. Tinignan ko lang siya sa mata.

"Galit ka nanaman?" napatawa siya ng bahagya. "Alam mo Nari, nagtataka talaga ako kung bakit hanggang ngayon si Yedam pa din ang hinahabol mo.."

"..Maganda ka naman."

Sarkastiko akong ngumiti sa kanya at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Thank you but that won't work on me. 'Wag ka na lang mangialam, Kanemoto." at saka ako tuluyang naglakad papaalis.

" at saka ako tuluyang naglakad papaalis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

naiinis na ba kayo kay nari? HAHAHA

QUEEN OF HEARTS 'ʸᵒˢʰⁱⁿᵒʳⁱTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon