Chapter 24

1.3K 79 5
                                    

Chapter 24

Myracle's POV 

"Grabe bessy ha, kinareer na ang pagiging manliligaw!" kilig na kilig na sabi ni Mia,  bigla akong naubo sa sinabi niya. sasabihin ko na ba? ah bahala na! 

"k-kami na." at napaiwas ako ng tingin, wala pa naman yung prof namin kaya nakakapag-chissmisan pa kami. 

"ANO?!" napalakas ang pagkakasabi ni Mia non, mabilis ko naman tinakpan yung bunganga niya para pigilan ang ingay.

 pinagtinginan kami ng mga kaklase namin. inirapan nalang kami nung ibang kala mo maganda mukhang hito naman. 

sa totoo lang hindi naman mahirap magustuhan si kyle kahit na ganong demonyo ang ugali niya, gwapo, matangkad, medyo singkit, maputi pwede na sa ideal man diba? pero hindi kasi ganoon yung type ko, dati'.  hehehe! 

'malandi ka talaga, myracle!' pero pwede na!'  

natawa nalang ako sa naisip ko, hindi ko din naman inaasahan na magkaka-gusto sakin 'yon, sa totoo lang.   

"kelan pa?" takang bulong nya sakin, sinabi ko nalang lahat para wala na syang tanong tanong. except lang yung sa kiss hehehe. nakakahiya, gago talaga 'yon! buti nalang wala si kuya non. ninakaw nya na yung first kiss ko pati ba naman second and third?! hmp!! 

"kahapon lang.." 

tuwang-tuwa si brush kaya ngiting aso sya sakin, ewan ko ba minsan naguguluhan din ako dito. mukang good mood naman ewan ko nalang mamaya pag nagpa-surprise quiz si ma'am kung ngiting aso pa 'to! HAHAHAHAHAHHA. 

maya-maya pa ay dumating na yung prof namin, kaya hindi na kami nakapag-kwentuhan ay dahil malapit na rin ang exam namin. 

-- 

After ng class namin ay agad-agad kong itinext si kyle, hindi para sunduin ako kundi para magpaalam na uuwi na ko. nakakahiya pa din kasi! nung isang araw lang ay ayaw ko sakanya at ngayon nagbago ang isip ko. 

hindi ko din alam pero pag gising ko kanina, iba na yung pakiramdam ko. after that girlfriend thingy ay nagising akong nakangiti na parang tanga. ganto ba talaga 'yon? hindi naman ako inlove diba? 

"Bessy, si kyle oh!" sabay turo ni mia sa di kalayuan sa gate ng shs, hindi na sya naka uniform siguro ay maagang natapos ang klase niya. 

dahil madami pang mga tao ay hindi ko maiwasan mailang dahil sa mga tingin nito at mga bulung-bulungan. 

"hindi ba akala ko ay may girlfriend na yan si rewis?" 

"hindi ko alam, diba pinahiya yan dati bat ayan?" 

"Hindi naman maganda 'yan, nag pa ganda lang kaya ganyan mukha." 

"bagay naman sila, pala." 

iilan lang yan sa mga naririnig ko, napailing nalang ako sa mga estudyanteng naririnig ko. bakit hindi nalang nila intindihin ang mga sariling buhay nila?  

kumaway ako at ngumiti ng makalapit siya saakin, ngumiti din siya. 

ito ang gusto ko ngayon kay kyle, napapadalas na ang pag ngiti di tulad dati ay mabibilang mo lang sa kamay o minsan nga ay wala pa. 

"Alis na ko bessy! ayokong maging thirdwheel!" sigaw ni Mia samin at sinimulan ng maglakad papalayo, sure akong may susundo dyan nako! ayan paba? 

tumango nalang ako at kumaway sakanya, after non ay tumingin na ako kay kyle na nakangisi. 

ang gwapo niya pa din kahit hindi masyadong nakaayos, naka hoodie lang sya at naka shorts at sapatos. siguro ay dinala nya ang kotse nya. 

My Boyfriend is a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon