Chapter 1

6.8K 197 12
                                    




Chapter 1 


Hi! Ako si myracle. as in "himala." pero y yung 'i' niya,  Weird ano? Sabi ni mommy galing daw 'yan sa wattpad eh. mahilig kasi si mommy dati dun. namana ko nga ata sakanya 'yon.

nag aaral ako sa Infinite Academy, Yup! Isa siyang sikat na school sa totoo lang ayoko dun mag-aral.

hindi sa maarte ako. kasi naman yung mga studyante 'don mga chismosa! Yung ugali pa akala mo kung sino sila.

Tapos may b-------

"ARAY!"

May kumuha ng bola sa harap ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin.

"tss." at umalis na sya, di manlang nag-sorry! akala nya tatalab sakin 'yung gwapo niyang muka?! Hmp! Muka syang tarshier!

"Kalma lang bessy!" sabi ni mia sakin, yung bestfriend ko.

Napasapo nalang ako sa noo ko na natamaan ng bola, Masakit talaga. Bola pa ng basketball yung tumama saakin.

"Paano ako kakalma aber? Natamaan na nga ko ng bola ni hindi pa nag sorry!" sabay amba na susuntukin yung lalaking nakatama saakin.

"Ano kaba! Di naman ata sinasadya." Mahinahong sabi nya.

Tinuloy ko na lang yung ginagawa ko imbis na magalit dun sa lalaking mukang tarsier, ano nga ba ginagawa ko? P.E namin ngayon at pagod na kami ni mia kaya umupo kami sa bleachers dito sa court.

"Omg bessy! Si kyle oh, papasok ng court." sabi nya habang kilig na kilig pa, pinadaanan ko ng tingin kung papasok nga at nang makita ko binalik ko nalang yung tingin ko sa binabasa ko.

Tch. Panget-panget naman non ni kyle! Ang cold-cold pa. Akala mo yelo sa sobrang cold. -___- gwapo nga masungit naman.

"Nako mia! Tigil-tigilan mo 'yan ah! Asa ka namang papansinin ka nyan." sabi ko sakanya habang nagbabasa ng wattpad book.

Umirap nalang sya sa sinabi ko at halata paring kinikilig siya. hindi ko nalang sya pinansin dahil busy ako sa pagbabasa ko.

Magbabasa nalang ako kesa kiligin dyan sa kyle na 'yan! Sikat dito si kyle sa Infinite Academy at ako lang ata ang walang pake dyan sa mokong na'yan. T.T nakakatakot din yung mga fangirls nyang mokong nayan pag may kasama lang babaeng iba 'yang mokong na yan inaabangan nila sa gate, akala mo mga girlfriend psh.

"Ayan na papalapit sya dito bessy!" tili nya habang hinahampas-hampas pa ko.

"Ano ba mia, wala naman akong pake dyan sa mokong na 'yan eh." matigas na sagot ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko. Maya-maya wala na kong masyadong naririnig na tilian. Salamat naman tumigil na rin sila ang sakit kaya sa tenga ng mga tili nila e! kung pwede nga lang i-masking tape yang mga bibig ng mga 'yan, ginawa ko na.

*poke poke poke*

"Ano ba mia sinabi mg hindi ka papansinin nyang mokong na 'yan e! kung gusto mo kiligin ka dyan hanggang sa mamatay ka at hayaan mo kong magbasa dito." angil ko sakanya, nakakainis pa naman kapag ginugulo ka sa pag babasa. Ang ganda ganda na ng binabasa ko e! 

"A-Ano b-bessy. . " sabay kalabit nya saakin ulit, ako naman nainis na kasi naman kanina pa  pwede naman sya lang yung kiligin dinadamay pa ko.

"Ano?!" Irita kong sabi sakanya at napatingin sakanya ngunit napansin kong may tao sa likuran nya sya naman sinesenyas yung nasa likuran nya.

Dapat pala di nalang ako humarap may nakita akong engkanto! Tch. Problema kaya nitong mga to? tinaasan ko lang sila ng kilay.

My Boyfriend is a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon