o2.
Kung ako ang papapiliin, ayoko na talagang tanggapin yung offer niya, personally, kasi that Alexander guy already have a clue kung ano yung ginagawa ko, and that’s stalking.
I’m pretty sure na namukhaan na niya ako, at kelangan ko ng mag-ingat, or else, maaga akong mawawala sa eskwelahan na to, at mabubuking ang mga ginagawa ko.
Sa totoo lang, nahihirapan pa rin akong mamili kung gagawin ko ba o hindi, in short, nakapending pa rin yung Operation Stalking ko para kay Alice. Pumayag naman si Alice dahil inexplain ko sa kanya kung ano talaga yung pwedeng mangyari kapag itinuloy ko agad yung gusto niyang mangyari.
“Bhez, diba yung nasa canteen yung?”
“Yeah and as usual, nastalk ko ng mabuti, napakagala naman kasi kaya madaling hanapin.”
“So, what happened?”
“Binigay ko lang yung pictures na nakuhanan ko, beyond that, it’s none of my business, stalking lang ang ginawa ko.”
“Bakit ba kasi ang adik mong mangstalk?”
“Claire, I already told you the reason for 1485769th already. ”
“Okay fine, whatever. Malaki ba yung binayad sa’yo?”
“Uhm, a little bit higher sa napag-usapan, Php10,000 lang kasi napag-usapan namin. Guess how much the tip was.”
“3 thou?”
“Lower.”
“2?”
“Lower pa.”
“1?”
“Lower. ”
“TELL ME!”
“500. Funny right? Pero, okay na rin yun, may pandagdag ako sa ipon ko.”
“Sa bagay, how’s tita?” Tita tawag niya kay Mama.
“Ayun, mahina pa rin. Kaya lang medyo malakas kesa dati.”
Pagkatapos ng usapan namin ni Claire, umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay. Inayos ko muna si Mama, ipinagluto, pinakain tapos nagligpit na ako, pagkatapos, nag-open ako ng Facebook ko, yung isa ko pang account, pangbogus ba, I used another name at siyempre picture. Viniew ko si Alexander, ewan ko kung anong pumasok sa isip ko kung bakit inadd ko siya.
Siguro dahil, may part ng isip ko na nagsasabing kelangan kong ituloy yung mission ko para ipangdagdag sa panggastos namin, or maybe, gusto ko lang malaman lahat ng tungkol sa lalaking nakaalam ng ginawa ko sa kaibigan niya. Pero, I prefer the first one.
Nang maglalog-out na ako, may lumabas na notification, inaccept na ako, tinignan ko yung mga photos niya, halos lahat babae ang kasama niya, iba iba, I wonder kung lahat yun naging girlfriend niya, then, may isang album na nakakuha ng atensyon ko, tiningnan kong mabuti, yung mga poses niya, pangmodel, model kaya siya? Siguro nga model siya kaya lang, bakit parang hindi siya ganun kasikat? Anyway, I don’t care, naglog-out na ako pagkatapos.
“Wake up Baby.” Sabi ng alarm clock ko, bumangon na ako, nagluto, kumain at saka pumasok.
Almost time na rin ako nakarating since 7:30 yung pasok namin at 7:20 ako dumating dahil ambilis ng nasakyan kong tricycle, yeah, super bilis niya, 30 km/hr. lang ata ang takbo.
“Section 1 and section 3 will be merged for this day, since lahat ng teachers nila ay magiging teachers niyo rin, the principal decided na pag-isahin nalang kayo. Marami din kasing absent sa kabilang section.” Ah, okay. I really don’t care, ang pakialam ko lang, ay ang grades ko, since naging scholar ako dito, kelangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko.
The merging was okay nung una, kaya lang, biglang may pumasok.
“Good morning Mr. Rivera.” Tinanguan niya lang yung teacher namin na nagdidiscuss na. Nagtataka tuloy ako kung ano pumasok sa isip ni Alice kung bakit gusto niyang ipastalk yun?
Hindi ko na lang siya papansinin, sabi ko sa sarili ko, nakinig nalang ako sa teacher namin, it’s Algebra din kaya medyo favorite ko.
Habang naglelecture ako, may biglang nagtulak ng upuan sa right side ko kaya nasagi yung kamay kong nagsusulat. Sa halip na gantihan ko siya, hindi ko nalang siya pinansin, baka kung ano pa magawa ko dito kung sakali.
Kaya lang, naulit na naman, for the second time, hindi ko pinansin, kaya lang nung third time, ginantihan ko na siya, at dahil nakakaasar yun, mas malakas pa sa pangsasagi niya yung ginawa ko. Medyo napalakas ata yung sagi ko dahil pagharap ko sa kanya nakakunot yung noo niya, tapos, sinigawan niya pa ako.
“ARAY! BAKIT MO AKO SINIKO?!”
“Ha? Anong siniko?”
“Wag ka ngang magmaang-maangan, siniko mo ako!”
“Wala talaga akong sinisikong tao, inaasog ko lang yung upuan, ikaw ba yun? Sorry naman.”
“URGH!” Napalakas masyado yung pagkakasabi niya ng ‘urgh’ dahil tumingin sa kanya yung buong klase, pati yung teacher namin, isama mo na rin yung iba pang natutulog sa klase namin. .
“What is your problem, Mr. Rivera?” I see him smirk.
“Why don’t you ask Ms. Vargas, too?” May pang-aasar sa boses niya, asaran ba gusto mo? I’ll give you one. .
Binaling naman ng teacher sa akin yung atensyon niya at tiningnan ako na parang sinasabi na mag-explain ako.
“I’m sorry, Sir, but I don’t know what Mr. Rivera’s talking about. I was just writing my lectures, period.”
“STFU Kriesha, you know the truth, siniko mo ako!”
“Mr. Rivera, watch your words.” 1 point Kriesha, .
“URGH! Pero siniko niya ako! Why don’t you just say the truth? B1tch!”
“DETENTION MR. VARGAS! THAT’S ALREADY YOUR SECOND OFFENSE.” Padabog siyang umalis ng room namin. Pagpapatuloy ko na yung lecture ko, biglang may sumigaw,
“I’ll go to the detention room in one condition, Ms. Vargas will come with me.”***
Dahil sa kagagawan ng Alexander na yan, nadamay pa ako sa detention na dapat siya lang ang nandito, kaasar. Nagulat ako sa teacher ko kung bakit pumayag siya na kaladkarin ng isang Section 3 student ang isang Section 1 student who’s running for honor na gaya ko sa detention room.
*flashback*
“I’ll go to the detention room in one condition, Ms. Vargas will come with me.”
“I’m sorry Mr. Rive—”
“Hindi ako pupuntang detention room unless kasama ko siya.”
“But Ms. Vargas doesn’t have any offenses.”
“Sa’yo wala, pero sakin, meron.” And he smirked. Narinig kong magsigh yung teacher namin. Nag-isip muna siya ng matagal.
“Ms. Vargas, pwede bang ayusin niyo na yung away niyo ni Mr. Rivera? You two already took my time.”
Wala na akong magawa kundi ang sumama sa hinayupak na Alexander na yun, ayoko ng makipag-away sa kaniya (sa harap ng maraming tao). .
Hanggang lunch time sana kaming dalawa sa may detention room, kaya lang, napadali kami dahil nag-iingay lang kaming dalawa dun, nagalit ata sa amin yung tigapagbantay dun. Ito naman kasing Alexander na yun, kung makasigaw sa akin, daig pa yung niratrat ng machine gun sa sobrang nakakarindi sa tenga. Kapag naman sinabi kong wala akong alam, mumurahin ka, sino ba namang hindi maaasar sa usapang ganun, diba?
“Ano ba nangyari at napunta ka sa detention room?”
“Eh yung bwisit na Alexander na yun! Dinamay pa ako!”
“Don’t tell me na siya yung naka--?”
“OO! SIYA! ASAR! Simula ng makilala ko yung lalaki na yun, lagi na akong minamalas!” Tinawanan lang ako ni Claire. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Tell me, wala naman diba? T_T
“Claire, I’m not joking, okay?”
“Natawa lang ako kasi, after mong mainis ngayon, I know, matutuwa ka din pagkatapos.”
“At bakit? Papatayin mo ba yun? Siguro nga matutuwa ako kung ganun.”
“Nope, not really, wala akong pakialam sa kanya. Meron kasing nagmail sa akin, someone needs your help kasi, superman to the rescue. Ay mali, stalkerwoman pala. ”
“Shut up!” Tiningnan ko siya ng masama. “Ano yung contact information niya?” May inabot namang papel si Claire sa akin nun.
“Madali lang to, pictures lang pala kelangan niya eh, fan lang siguro to?”
“Malamang, yun din kasi ang tingin ko eh.”
Sa totoo lang, mas nadadalian ko yung ganito, yung sa internet lang ako magsesearch, I’m an internet addict kasi, every social networking sites ata may account ako. Ang kelangan ko lang malaman is yung name nung ipapastalk niya then, tada, I can get all the information.
Kagaya ngayon, ang kelangan ko lang makuha is yung birthday, full name, school and age. Tapos kahit onting pictures.
After 3 hours, nalaman ko na lahat, may mutual friend kasi ako sa kanya(though yung stalking account ang gamit ko). Good thing, may isang album na nakaopen for public tapos, may iba’t ibang tao dun na nakatag, namimili ako ng iaadd ko or not, fortunately, inaccept ako nung mga inadd ko, kaya nakakuha pa ako ng mga pictures dun.
Binigay ko na kay Claire lahat ng kelangan nung kung sinuman ang nagpastalk sa kanya, ibinigay na rin niya yung ATM no. ko para dun nalang ibigay yung pera, kung ganun lang kasi kadaling stalking business, I don’t prefer personal talks.
Kinabukasan, I checked my account, may Php15,000 na balance na ako dun, bale, 5thou yung binayad sakin, wala naman akong sinabing amount kay Claire ah, yung babaeng yun talaga, masyadong business-minded, ang laki ng hiningi.
Nang papaalis na ako sa may bangko, biglang may humila sa akin, hindi ko kilala kung sino. Tinakpan ang bibig ko, at sinabing,
“Naalala mo pa ba ako?” MOMMY! I need you now! HELP!