o3.
“Naalala mo pa ba ako?” Nagulat ako ng biglang may nagtakip ng bibig ko, oh gosh. Wag naman sana ako holdapin neto, para sa Mama ko ang pera na’to.
“S-si-sino ka?” Nanginginig kong tanong.
“Kabilis mo namang makalimot, nakakatwo months ka palang na nawala nun ah.” Tapos tumawa siya ng mapang-asar.
Two months? Ano yun? Parang nagmigrate lang ako sa ibang bansa tapos, nakalimot na ako sa kaniya? Yung biglang lumipat ng lu—
Teka, two months na nawala? Don’t tell me na schoolmate ko siya sa dati kong school? .
Naguguluhan man ako, hindi ko siya tinanong, hinahayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita, alam ko na ring schoolmate ko siya dati kasi nadulas na siya at saka kinikilala ko lang yung boses niya. Kesyo daw bakit lumipat agad ako, sayang daw dahil hindi ko man lang natapos yung isang school year dun.
“Bakit di ka sumasagot?” Buti naman at nahalata mo na.
“Kasi, mukhang hindi mo ako papasingitin at hahayaang magsalita, wala ka kasing ginawa kundi magsasalita ng magsalita, blah blah blah.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Kriesha Lynne Vargas, akala mo ba nakalimutan ko na yung tungkol sa’yo?” Bakit alam niya buo kong pangalan? Pati yung second name ko? Kriesha lang naman yung pinakapopular na tawag sakin, saka, si Claire lang may alam na Lynne ang second name ko, pati sa Facebook ko, Kriesha lang ang nakalagay, anak ng tinapa, sino ba talaga to? Schoolmate ko nga siya, pero, hindi ko alam pangalan niya, pwede ba. Saka, ano yung sinasabi niyang tungkol sa akin? Alam kaya niya na —
“Alam kong nagsstalk ka ng mga tao tao, wag mong ipagkaila sa akin yun, dahil, dadamihan mo lang kasalanan mo, masama magsinungaling.” Tapos naggrin siya.
“Sino ka ba talaga ha?!”
“Buti naman at tinanong mo na yan, kasi kanina ko pa gustong sabihin kung sino ako. Though, ayokong gayahin si Crisostomo Ibarra na siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya, di naman ako ganun. Ako si Jasper, Jasper Ghian Mendoza, kaklase mo ko nung nasa San Beda, kaya lang, unfortunately, lumipat ka nga.”
“Saan mo nalaman full name ko? Yung pangsstalk ko, bakit alam mo rin?”
“Isa isa lang, full name mo? Tinanong ko sa kaklase natin dati, yung madalas mong kasama, yung lumipat din, tapos, yung pangsstalk mo, secret ko na yun.”
“SINO NAGSABI SA’YO?!” Pasigaw kong tanong.
“Wag mo akong sigawan, magkaharap lang tayo. Walang nagsabi sa akin, basta, wag mo na lang alamin.” I glared at him. Tinawanan naman niya ako, may nakakatawa ba sa ginawa ko? I’m not joking, okay?
Nakipagtitigan siya sakin, ano ba talaga gusto nito? Bwiset ‘to ah. Ano akala niya matatalo niya ako sa titigan contest? Asa siya, sanay ata ako. Habang tumatagal ng tumatagal yung titigan namin, palapit ng palapit yung mukha niya sa mukha ko, pati yung paghinga niya nararamdaman ko na, buti nalang di ako bad breath, haha.
Hindi ako pipikit, hindi ako pipiki—
OKAY. 2cm nalang ang layo niya, wtf. Ayoko na, napapikit nalang ako bigla. Narinig ko naman siyang tumawa. Asar.
“Takot ka rin pala sa ganun, now I know, ang dakilang stalker, may kinatatakutan din pala. Sige, mauna na ako, nice meeting you, Kriesha!” Nagsimula na siyang maglakad palayo.