HIS POV
Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung araw ng hilingin niya saking maghiwalay kami..at isang linggo na rin akong lulong sa alak..
Pilit ko mang sanayin ang sariling kong hindi na tulad ng dati, hindi ko pa rin magawa..kaya minu-minuto tanging alak lang ang naging sandalan ko. Pati mga kaibigan ko hindi ako makausap ng matino. Sina mama at papa, wala naman dito. Busy sila sa negosyo naming abroad, kaya ako? Ito, busy rin sa pagpapakalunod sa alak.
“shane. . .”
Paulit-ulit kong binabanggit yung pangalan niya, kasi baka kahit papanu mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.
Kaso,
Sa bawat pagsambit ko ng pangalan niya sabay rin ng pag-agos ng luha ko.
Hindi ko na kaya.
Ang sakit-sakit na.Sobra!
Tumayo ako.
Pag-gewang gewang akong lumabas ng condo ko,
Sumakay sa kotse at pinaharurot ko..
After 10 mins.
*dingdong*
“Shane!.Please mag-usap tayo!” sigaw ko
“Please shane, kausapin mo naman ako! Nagmamakaawa ako!”
Sigaw lang ako ng sigaw.
Nakatayo lang ako sa labas ng gate nila.
Hinihintay na pagbuksan niya ako.
Halos magiisang oras na akong nakatayo dito. Paulit-ulit akong nagdodoorbel, pero ni isang tao walang lumalabas.
Alam kong nandyan siya, kasama ng mga kasambahay nila. Nasa ibang bansa din kasi yung parents niya.
Hanggang sa umulan,
Habang lumalakas yung buhos ng ulan,
Unti-unti na ring tumutulo ang mga luha ko..
Ang bigat.
Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Yung feeling na buong mundo pasan mu, na kahit ganu mu kagustong bitawan ito, hindi mo magawa. Kase umaasa ka na may isang taong tutulong sayo para mapagaan lahat ng nararamdaman mo.
Umaasa ako na maaayos pa namin ito.
Hindi ako aalis ditto hanggat hindi siya lumalabas at kausapin ako.
Hindi ko kayang umalis.
Hindi ko kayang umalis at iwan siya ng ganun-ganun lang.
MAHAL NA MAHAL KO SIYA.
*creak*
Biglang bumukas yung gate, nakita ko siya.
Nakita ko na ulet yung taong mahal na mahal ko.
Lumapit siya sakin at pinayongan ako.
“Shane. .” halos pabulong kong sambit. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagluha, bading man tingnan pero wala akong magawa. Kusa lang umaagos ang mga luhang to.
“Wax. Please, go home. Magkakasakit ka niyan. Umuwi kana.” Nakatungong sabi niya
Hindi ko pinansin yung mga sinabi niya, wala akong pakialam kung magkasakit man ako.
“Mahal kita. . “ hinawakan ko yung kamay niya. “Mahal na mahal pa rin kita, Shane. Kahit ang sakit-sakit na” humahagulhol na ako, pero wala akong paki.
“Wax. .tama na. .”
“Hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko, hindi ko talaga kaya.”
Niyakap ko siya. Umiiyak na rin siya.
Unti-unti niyang nabitawan ang payong kaya pati siya basang-basa na.
“Akala ko nung araw na tinalikuran kita at sinabing pakakawalan na kita, akala ko kaya ko. Pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang bitawan lahat ng ganun-ganun lang. 3 years ago, bestfriend pa lang tayo nun. Lagi kang nandyan sa tabi ko, ikaw yung nandyan para damayan ako. Ikaw yung nandyan para awatin ako, kase dati gag* ako. Basagulero. Pariwara. Lulong sa bisyo at kung anu-ano pa. Kase akala ko wala ng taong kayang magmahal sa akin, simula nung iwan ako ni Ana. Sabi mu sakin noon, hindi mo ako iiwan. Tinulungan mo akong bumangon at maging masaya ulet. Hanggng sa nagging tayo, lahat nabago. Naging kompleto ulet ako. Naging masaya ako at nakaramdam ng pagmamahal mula sayo. Ipinangako ko noon na kahit anung mangyari hindi kita sasaktan. . .”
Bumitaw siya sa yakap ko. .
“At hindi tayo maghihiwalay kase alam ko hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa ni Ana dati. . .”
“Nangako tayo sa isa’t-isa na hindi tayo hahantong sa ganito. . Pero, bakit ngayon? Naging ganito?”
Lumalakas na yung iyak namin habang lumalakas rin yung ulan.
“Akala ko rin Wax. .akala ko rin.”
Tumingin siya sa mga mata ko. Namiss kong tumitig ulet sa mga matang yan.
“Pero, hindi pala to para satin.. Akala ko rin magiging masaya tayo hanggang huli kaso hindi lahat nagtatapos sa ligaya. Hindi lahat ng akala natin nangyayari. Iba na lahat. Hindi na tayo tulad ng dati, Wax. May mga bagay na hindi na natin pwedeng ipilit. Kaya please, tama na.. Kase kahit ako nasasaktan din tulad mo.”
Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad.
Hinabol ko siya at niyakap mula likod.
“Please, Shane. Nagmamakaawa ako. Kung anu man yung nagbago, aayosin ko. Mahalin mo lang ulet ako tulad ng dati. Please”
“Wax. .” unti-unti niyang kinalas yung pagkakayakap ko at naglakad ulet.
Bigala siyang huminto at nagsalita,
Na siyang ikinalugmok ko.
+ + +
Heto nanaman ako,
Wax Alferez na natuldokan na ang pag-asang hinahawakan ko.
Tuluyang binitawan ng nag-iisang babaeng minahal ko ng tulad neto.
Na kahit magmukha akong tanga, hindi ko ininda kase umaasang mababalik ko pa.
Pero ngayon, narealize ko hindi pala lahat ng pangarap mo matutupad lalo na kung pinapangarap mo ay hindi naman pala nakalaan para sayo.
Kelangan mong bitawan kahit na ayaw mo, kase ayaw mong humantong na kamuhian ka niya.
Siguro nga kahit na masakit, kelangan mong marinig mula sa bibig niya ang mga salitang magpapabitiw sayo kase wala na. Wala ka nang magagwa.
“Hindi na kita Mahal. Wag kanang umasaang magiging tayo pa, kase kahit anung gawin mo hindi na kita mahal. HINDI NA KITA KAYANG MAHALIN, tulad ng inaasahan mo. .”
To be continued. .