#4A

16 0 0
                                    

[HIM]

“Wax??, ikaw ba yan?. Grabe ang tagal mung hindi nagpakita ah?” Si Cedrick.

Ngumiti lang ako. Matagal ko na silang hindi nakikita. Actually, ako yung lumayo. Siguro, moving on tendencies. Ewan, basta nung mga araw na lumipas halos mabaliw ako. Corni noh? Hahah. Ahm, halos six months akong nagtago. Pati kina mama hindi ako nagpakita, pero kinokontak ko naman sila. Ayaw ko lang talagang magpakita.

“ Kumusta na pare? Bakit ngayon ka lang lumabas sa lungga mo? hahahah” Dennis

“Ayos lang pare. Actually, kakabalik ko lang talaga. Dumaan lang ako dito sa mall para ibili si mama ng pasalubong. Alam niyo na pambawi. Hahaha” sabay taas ko ng cake. Favorite cake ni mama.

“ hahaha. Dapat lang. kunsumihin daw ba si Tita?! Hahahah” Henry

“ou na! Ito na nga oh, uuwi na! hahah. Tara sa bahay?” yaya ko sa kanila. Matagal-tagal na rin hindi kami nakapagbonding.

“oo ba. Namiss ko yung luto ni tita. Yahoo!, kainan na naman!” si dennis tagala kahit kelan. Hahah. Pero kahit ganyang mga yan, masasabi kong namiss ko sila. So gay! Hahah

*KRIING*KRIING*KRIING*

“teka lang ah. Sagutin ko lang ah?”

DENNIS’s POV

*KRIING*KRIING*KRIING*

“teka lang ah. Sagutin ko lang ah?”

Biglang tumunog yung phone ni Wax. Nagpaalam siyang sasagutin niya lang daw. Nakakapagtaka lang kasi nung makita niya kanina yung screen bago niya sagutin, napangiti siya? Bakit kaya? Wait. Hindi kaya…?

Nilapitan ko yung mga mokong,

“psst. Hoy.” Sabi ko.

“may pangalan ako. Makasit-sit, ahas lang? di bagay mas mukha kang unggoy.hahaha” walanghiyang henry talaga ou.

“hhahahahahah” tawanan din yung iba. Mga walang kwentang kaibigan.

“ Gag*! Seryoso na to. Nakita niyo yung reaksyon ni Wax nung bago niya sagutin yung tawag?”

“oh? Anung meron?” Cedrick

“Bakit parang ang saya niya ata?” tanong ko

“Bakit bawal bang maging masaya?!” Henry

“hindi naman sa ganun, pero bakit parang walang nangyari. Parang inspired ulit ang loko. Hindi kaya..?” sagot ko

“nagkabalikan ulet sila ni shane?? Impossible!” sagot ni Cedrick

“o baka may nakilala siyang ibang babae sa lugar kung san siya nagtago?” singit ni henry

“pwede! O baka nagka-amnesia siya. Naaksidente siya habang papunta sa kung saan, tumama yung ulo niya at nacomataus. . at. . at ng magising siya, nakalimotan niya si Shane, pero tayo hindi. Kaya ngayon lang siya umuwi dahil kakagising niya lang kahapo— AraaY naman!“ batokan daw ba ako?

“imahinasyon mo ang wild! Writer lang? Makapagconclude ka feeling mo imbestigador ka! At nakapangalumbaba ka pa?! Astang nag-iisip?! Ulol!” Cedrick

“Ou na! Mali na naman ako! Kelangan mambatok? Kayo kaya batukan ko at ng maranasan niyo kung ganu kasakit yung alipostahin ng sarili niyong mga kaibigan. Ang sakit. Ang sakit-sakit. (w/ matching-nanlulumo-acting)”

“GAGU!” silang dalawa

“hoy!”

Iwan daw ba ako? Imbis na magsorry, tinalikuran ang ng mga kamug at pinuntahan si Wax. Mga Bastosing bata!

WITHOUT YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon