#3

20 0 0
                                    

[HIS POV]

Pesteng puso ito, kelan ka ba gagaling?

Sa halos 3 linggong  nakalipas hindi ka pa rin gumagaling.

Ampuchang sakit kasi sa puso to, di man lang matinag. Di alam yung salitang move-on e.

Kahit anong gawin ko sa tuwing nakakakita ako ng mga bagay na makakapagpaalala sa kanya, saamin, nung kami pang dalawa, bumabalik lahat. Lahat ng sakit.

Minsan nagpapakabusy ako para makalimot.

Tulad ngayon, nagyaya kasi yung isang barkada ko si Dennis. Mag-mall daw kami. Parang babae lang e noh? Pero hindi sa magsho-shopping kami tulad ng mga ginagawa ng mga babae kapag pumupunta sa mall. Well, sort of parang ganun daw. . ang sabi niya kasi. .

“Dre, sama ka samin sa mall. Window shopping tayo ng mga CHICKAS. Hahahahah.”

Loko rin e noh? Pumayag na rin ako hindi dahil sa reason na sinabi niya kundi dahil matagal na rin silang nag-aayang lumabas, ngayon lang ako makakabawi sa barkada.

Libot lang kami sa loob ng mall. Kumain at konting gasolina para sa kidney, San Mig light lang naman. Laro-laro sa arcade. Same routine lang tulad ng dati. Hanggang sa nagpasya kaming umuwi. Pero hindi pa man kami nakakalabas ng mall. Biglang nagsalita si Alex, kaibigan rin namin.

“Wax, pare, diba si Shane yun?”

Tinginan kaming lahat sa parte ng mall na tinuro niya.

“Ou nga, mga parekoy ah. Pero sino yung kasama?” Dennis.

Oo nga, may kasama siya. Pumasok sila sa isang jewelry shop. Tinitigan ko siya, mukhang ang saya-saya niya. Siguro nga mas nakabuti yung paghihiwalay namin, mukhang mas masaya siya ngayon. Tuwang-tuwa siya habang kausap yung lalaking kasama niya.

“Ang sweet nilang tingnan, diba Wax?” Ipamukha daw ba, dennis?? Haist.

“Psh!. Tumigil ka nga, ingay mo!” sabay batok ni Henry kay Dennis.

“Aray ah!. Makabatok, close ba tayo?” sabay irap pa ni Dennis.

“Gago!” Sabi ulet ni Henry.

Nakatingin lang ako kina Shane. Ewan ko ba, kahit masakit parang ayaw kong mawala sa paningin ko yung mga ngiti niya. Masukista na kung masukista. E parang dun lang rin ako magiging masaya, ang makita muling ngumiti siya kahit hindi ako ang dahilan nga mga ngiting yun.

Biglang nagsalita ulet si Dennis,

“Mukhang blooming ngayon si Shane noh?”

“Aissh. Ang ingay tala—“ pinutol ko na ang sasabihin ni Alex.

“Tara na. Hayaan na natin sila dyan.” Nagsimula na akong maglakad.

Okay na rin siguro yung ganito, ako na mismo ang iiwas para kahit papanu mabawasan yung sakit dito sa puso ko. Tutal nasabi niya na yung mga salitang magpapabago ng desisyon ko na hinding-hindi ako bibitiw at ibabalik ko yung dating kami.

Dumiretso kami sa isang bar. Ito yung bar na madalas naming tambayan. Kapag may celebration dito kami laging pumupunta. Halos isang oras na rin kaming nandito, 8 kami nakarating at ngayon medyo lasing na ako. Pero alam ko pa naman lahat ng mga ginagawa ko.

Maya-maya, tumayo na ako. Gusto ko ng umuwi. Tama na yung hangover na nakuha ko pagkatapos ng ilang gabing sobrang pag-inom ng alak.

“ohh. Pare, uuwi ka na kaagad? *hik-hik*” pinigilan ako ni Dennis.

“Lasing na ko, magddrive pa ko.”

“Isang baso na lang. Isang baso pa.” sabay abot niya sakin ng isang baso.

WITHOUT YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon