CHAPTER 2

9 3 0
                                    

Amara Jean POV

"Darlene!" Biglang gising ko kasabay ng malalakas na pag singhap. Nang mapatingin ako sa bed side table at makita ang alarm ay ala una na ng madaling araw.

Binabangungot nanaman ako. Nakita ko nanaman sa panaginip ko ang pagmamaka awa at ang hirap sa mukha ni Darlene.

Anim na buwan. Anim na buwan na mula nang magising ako. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa loob na ng isang hospital. Ang sabi ay nakita ng isang matandang may yate ang katawan ko na palutang lutang sa gitna ng karagatan isang umaga nang magpasya itong ilibot ang noon ay kabibili lang na yate nito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo ijah?" Isang umaga ay dinalaw ako ng matanda.

"Maayos naman na ho ang pakiramdam ko" sagot ko rito, nakaupo ako sa hospital bed ko. Ang paningin ko ay nasa mga kamay ko lamang na nakapatong sa mga hita ko. Ang mga mata ko ay walang buhay.

"Sya nga pala ijah ako nga pala si Augusto Montereal ako ang nakakita sayo sa gitna ng karagatan, inaasahan kong hindi ka naman sirena para magpalutang lutang lang ng ganoon doon, maari mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari sayo?" Sa klase ng pagsasalita nito ay mukha naman syang mabait. Ngunit wala akong kasiguraduhan kung mapagkakatiwalaan ba sya. Pero niligtas nya ako, kastigo ng isip ko.

Dahil sa narinig ay napaangat ang paningin ko sa matanda. Nakatayo ito sa harap ko habang nakatuon ang dalawang kamay sa kanyang tungkod at bahagyang nakangiti sa akin.
Ngunit agad ding natigilan ng mabasa ang lungkot at takot sa mga mata ko.

"Kung ayaw mong sabihin ang nangyari sayo ay maari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong nyang muli.

"Amara Jean" sagot ko.

"Napakagandang pangalan para sa dalagang may napaka among mukha siguro nga ay isa kang sirena"
Nahihimigan ng pagbibirong wika nito.

"Nais sana kitang anyayahin sa aming tahanan habang hindi ka pa lubos na malakas, ayaw mo mang sabihin kung anong nangyari sayo ay nararamdaman kong may mabigat kang problema, mapagkakatiwalaan mo ako ijah at tinitiyak ko sayong handa akong tumulong sa abot ng makakaya ko" wika nito.

Noon ay hindi na ako tumangi. Wala din naman akong mapupuntahan at wala akong alam na maaring pagkakitaan ng pera para mabuhay.

Mula noon ay agad nya akong inuwi sa mansyon nila sa manila. Sa laki ng mansyon nya ay hindi na nakakapagta kung napakayaman man nito.

Sa unang buwan ay tahimik pa rin ako at hindi kumikibo, ngunit gabi gabi akong binabangungot ng mga nangyari sa amin ni Darlene.

Hanggang isang gabi ay natataranta ang matanda habang ginigising ako.
Ang sabi ay napaka lakas daw ng sigaw ko habang natutulog, nang imulat ko ang mga mata ko ay nandun din ang mga kasambahay nito nakatingin sa akin habang hinihintay akong magising.

Kinaumagahan ay kinumbinsi ako ng matanda na magsalita dahil nais daw nya akong matulungan.

Dahil kahit papaano ay nakukuha na nya ang tiwala ko ay ikiwento ko na ang lahat mula nung madukot kami ni Darlene hanggang sa mangyari ang gabing iyon kung saan sinubukan naming tumakas ni Darlene ngunit nabigo akong isama sya.

Mula nang sabihin ko yun sa matanda ay napa seryoso ito, sabi nya ay isa syang retired general at ang Golden Serpent ay isa sa mga sindikato na tinitiktikan nila noon pa ngunit napaka ilap ng mga ito, napaka hirap hanapin ng kuta ng mga ito at ang hinala ay isang high profile government official ang nagpapatakbo sa samahang ito.

Mula noon ay nagpasya ang matanda na tuluyan akong kupkupin at tulungan sa problema kong ito, nangako rin sya na hahanapin sa Darlene at ililigtas din ito.

FEARLESS CHICKS : AMARA JEAN SANTIAGO "THE FIERCE CHICK"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon