Samantha's POV
"Ella tara na!"tawag ko sa bunso kong kapatid habang pababa ng hagdan,nasa baba na si mama at Rio kami nalang hinihintay.
"Ate san tayo pupunta pagkatapos ng simba?"tanong ni Rio na atat na atat mapunta kung saan.Laki laki na isip bata parin."Rio pwede mamaya nayan?Wala pa tayo sa simbahan atat kana agad pumunta kung saan"pagsasaway ni mama na nagkibit balikat lang.
"Ate diba pupunta tayo ng mall?"isa pa tong si Ella puro mall nasa isip."Isa kapa,"saway ko sa kanya at napanguso naman sya."Tara na nga"aya ko bago sumakay sa kotse.Syempre ako magdadrive,ayokong si Rio baka ilipad nya tong kotse ko okay ng kotse nya magasgasan wag lang tong akin.
Nakarating na kaming simbahan at naghanap ng mauupuan.Day off ko ngayon kaya naman nakapagsimba kami pero hindi tuwing linggo ay day off ko minsan minsan lang kaya sinusulit na namin.
"Anak gusto mo nabang umuwi?"tanong ni mama.Tapos na ang misa at pasakay na kami sa kotse."Ma,gagala pa tayo ok?sulitin natin to."sabi ko saka ngumiti ng pagkatamistamis kay mama at ganon din sya.
Hindi Masyadong nagtagal ang byahe namin papuntang mall kaya tuwang tuwa itong si Rio at Ella.
"Yehey!Kuya arcade tayo!"aya ni Ella kay Rio,ito namang isip bata ay nakangiti pa habang tumatango.Sabay pa silang tumakbo papunta kung san nila gusto.
Dinala ko naman si mama sa bilihan ng mga damit.
"Halika ma,eto o bagay sayo"iniharap ko sa katawan nya ang damit na napili ko na animoy sinusukat iyon.
"Ay nako anak wag monakong bilhan ipunin mo nalang ang ipapambili mo nyan."inilayo nya ang damit sa kanya.tsk si mama naman e!
"mama naman e!minsan nangalang to ayaw mo pa,sige na please."sabi ko at pinipilit na mag puppy eyes para lang pumayag sya.Hinimas ni mama ang buhok ko."Okay,para naman dimona piliting mag puppy eyes HAHA."tatawa tawa si mama at kinuha ng damit na hawak ko.
"Susukatin ko lang sa feeting room ha."Napakasarap makita si mama na nakangiti,yung alam mo talagang ok lang sya walang kahit anong problema di tulad nung kasama pa namin si papa,laging umiiyak si mama dahil lang sa paulit ulit na pambabae ni papa pati kami ng mga kapatid ko ay naapektuhan.Minsan kapag nilalambing namin sya ay lagi syang galit lagi syang walang gana kumain.Ansakit makita na ganon yung mama mo dahil lang sa taong mahal na mahal nya.
"Samantha"napakurap kurap ako,si mama kasi kumakaway kaway sa mismong mukha ko.
"p-po?"
"Kanina kapa tulala."nag aalalang tanong sakin ni mama.
"Wala to ma,may naalala lang ako"sabay ngiti ko para magmukhang totoo."Halikana ma bayaran na natin yan"iniba ko ang usapan dahil alam kong magtatanong parin si mama kaya hinila konalang sya papuntang counter.
Lumabas na kami ni mama at naghanap ng pwedeng makainan.
"Dun nalang tayo ma"Turo ka isang resto sa malapit.Pagdating doon ay naghanap kami ng upuan para sa apat.
"Ma sandali lang tatawagan ko lang si Rio."tumango naman sya saka ako lumabas para tawagan si Rio.
Nakailang ring bago nya sinagot.
["Hello ate,bakit?"]tanong nya sa kabilang linya,naririnig kopa ang sigaw ni Ella dahil sa laro.
"Pumunta kayo sa dito sa resto bilisan nyo."utos ko saka pinatay ang tawag.
Pumasok nalang ako para umorder sana kaso naunahan nako ni mama.
Dumating narin ang dalawa kaya kumain na kami,napagusapan naming sa amusement park naman ang sunod naming punta."Ate cr lang ako"kalabit sakin ni Ella habang naglalakad kami,
"Samahan na kita naiihi narin ako e"tumango naman sya kaya nagpaalam ako kay mama bago umalis.Pabalik na kami ni Ella Kaso lang may ponyetang bumangga sakin.
"Aray naman!"palahaw ko habang sapo ang noo.Nabangga kasi ako kung saang parte ng katawan nitong bwisit e.
"Hala ate ko"tawa pa ng tawa tong si Ella habang itinatayo ako natumba kadi ako sa pagkakabunggo.
"Should i say sorry?"Tanong ng nakabangga sakin kayalang parang pamilyar ang boses kaya hinarap ko.
Muntik nakong mapaupo ng makita ko kung sino ang bumangga sakin,si Kris Velasquez putaaaaaa!
"Hoy gago ka bat ka andito?!"nanggigigil ako!Aba!may gana pang magtanong .
"Nice to see you again,hotheaded secretary"nakangisi pa ang animal na bwisit na basta!
"Ate sino sya?"Tanong naman nitong kapatid ko na nakaalalay sakin ready ata sa susunod kong pagbagsak.
"Jusko wag mo ng kilalanin"baling ko sa kapatid ko."At ikaw"turo ko sa animal na kris Velasquez,"tumabi ka!"jusko mauubusan ako ng dugo dito.
Padabog akong naglakad paalis habang nakasunod tong kapatid ko na kanina pa bungisngis ng bungisngis.
"tigilan monga yan!babatukan kita."pagbabanta ko kay Ella at tumahimik naman.
"oh bat antagal nyo?"tanong ni mama nainip na ata.
"Si ate kasi mama na--"tinakpan ko agad ang bibig nitong kapatid ko.
"Wala yon ma napadaan lang kami kung saan."pagpapalusot ko para naman matapos ang usapan.Mabilis naman kaming nakarating sa amusement park.Si Rio at Ella e nauna sa mga rides,Kami naman ni mama e nakaupo lang sa bench kumakain ng kung anong magustuhan namin.takaw natin ma.
"Ate samahan moko daliii!"pagyayaya sakin ni Ella habang hinahatak ako,tuloy ay dinako nakapag paalam kay mama.
"Pagkain nanaman?"nagkibit balikat ako dahil yun lang naman talaga ang rason kung bakit nyako hinahatak.
"Cotton candy lang naman ih!"pagmamaltol nya sa harap ko."Oo na!takaw."panunukso ko sa kanya.
Hindi lang pala cotton candy ang balak,dahil kung anong madaanan namin bibili sya basta matamis ay gustong gusto nya.Hindi nyapa tapos kainin ang isa ay may kasunod nanaman,puro kain lang ata nagawa ni Ella sa buong araw namin sa amusement park kaya ang ending?sumakit ang ngipin.
Nagpasya nalang kaing umuwi para magamit ang nngipin ni Ella,Puro hritan at aro ang nagaw namin hanggang sa makatulog.
-hi mga kagaga naiinis na talaga ako sa revision revision na to animal binubura ang ending ng sinulat ko nakakainis anyways see you nakang sa next chapter luv u all!

YOU ARE READING
That one true love
Romanceshe's always being left behind no apologizes,no goodbyes .That's why she never believe in love. Samantha is a hot headed woman and a strict sister,she hates boys who likes her,specially her father who left them for another woman.But suddenly her lif...