Chapter 3

139 6 0
                                    

Okay, today is first day of school. Corny noh? Ang corny ni author. Pero ayos lang yun, pretty din kasi sya parang ako lang.

Kung iniisip nyo kung kamusta kami ni Layne eh, ayos naman. Nagkwentuhan kami kagabi tapos tinulungan nya ako na mag ayos ng mga gamit ko. at ngayon nag r-rush kami kasi tanghali na kami nagising at isiniserve na daw ang breakfast sa cafeteria.

Nagmadali kami ni Layne, actually feeling ko nga bestfriend na kami neto eh. Tinanong ko sakanya kagabi kung ano si Niaid para kay Santa sabi nya sakin galing daw yung sa kababata ni Santa. Tinanong ko nga sya kung sino pero hindi na daw nya maalala kahit nga daw si Santa hindi na nya maalala kung sino yung kababata nya, basta ang alam nya lang daw eh babae yon. Galing din noh?

Bumaba na kami. Isa pang nakakainis dito eh nasa fourth floor kami at walang elevator. Yung tipong nag mamadali ka tapos pababagalin ka lang ng hagdan. Pucha mga sis! Kung alam nyo lang ang pakiramdam.

Pagbaba namin ay saktong nagseserve na ng pagkain. Pumunta kami sa parang buffet table. Ganun ko sya tignan eh. Basta kukuha ka lang ng pagkain dun sa lamesa tapos pupunta ka sa counter sabay yung kinuha mo ay papasok sa student account mo na binabayaran ng mga *ehem* parents mo tuwing end of the month.

Pumunta na kami dun sa buffet table tapos kumuha ng pagkain. Kumuha lang ako ng pancakes, bacon, milk na naka carton pa pero yung pang isahang consume lang, yung kasing laki lang ng chuckie. Kumuha din ako ng chocolate-vanilla cake, chocolates, ice-cream yes, nagseserve sila ng ice-cream kahit almusal. Kumuha din ako ng colslo. Gusting gusto ko yug salad na yun eh. Pagkatapos nun pupunta na dapat ako ng counter ng mahagip ng mata ko ang mga OMG!!!!! Cream puffs!!!! Lumapit ako sa kinalalagyan nun at kukuha sana ng tatlo. Ewan ko ba, gustong-gusto ko yung cream puffs eh, simula ng bata pa ako.

Kukuha na sana ako ng cream puffs ng may maka-bangga yung kamay ko. Ayiiieee~ hindi ako kinilig -_-

" ah, mauna ka na." sabi ko sakanya. Yung totoo? Gusto ko syang sigawan kasi ako yung nauna pero kasi naalala ko yung paki-usap ni Layne. Na sana daw wag ako makikipag-away kasi daw ayaw nyang mapag-initan dito sa school. Ako naman pumayag. Syempre, nakakapanget din kaya ang pakikipag-away noh.

Kumuha sya ng 3 cream puffs tapos umalis na. ay? Wala man lang thank you kasi pinauna ko sya? Hindi ko na yun pinroblema instead kumuha na din ako ng tatlo.

Tumuloy na ako sa counter nakasabay ko pa nga si Layne eh. Nagulat pa nga sya kasi ang dami kong kinuha. Nginitian ko na lang sya.

Maganda naman si Layne eh. Ewan ko ba kung bakit sya nagpapaka loner. Umupo kami sa pinaka sulok. As in sulok na talaga! Sabi sainyo loner sya eh. Pero di na ngayon, kasi kasama na nya ang dyosang kagaya ko. hahaha! Ako na mahangin!

Kumain na kami, grabe ang bagal nya kumain! Naubos ko na yung pancakes ko pati yung bacon. Cake na nga yung nilalantakan ko eh. Bigla syang tumayo.

" uy Layne anong problema?" tanong ko sakanya habang ngumunguya parin ng cake. Sarap eh! Vanilla yung cake tapos may chocolate icing!

" tinatawag ako ni mother earth eh. Wait lang ha? Babalik ako agad." Sabi nya. Ah, kaya naman pala.

Tumango lang ako sakanya tapos nagpatuloy sa pagkain. Patapos na akong kumain eh hindi parin bumabalik si Layne. Ano yun? Kinain na sya ng CR?

Lumingon ako para hanapin sya kasi parang yung upuan naming naka-harap sa pader. Yung lamesa kasi nakadikit na sa pader tapos syempre yung upuan dun nan aka-face sa pader. Pag-lingon ko, HOLY COW!!!!

May pitong tao na nakatayo sa gitna ng caf. Kasama dun sa pito si Layne. Eh? Anong meron? Akala ko ba loner sya? Eh mukhang sikat yung mga kasam nya dun. 3 silang babae tapos 4 na lalake. Kasama ni Layne si Santa. Kita mo to, ang landi ni Santa, may kaakbay pa syang babae. Yung babae mukhang nerd at parang ilang na ilang sya sa pagkakakbay ni Santa Klaus.

Wolf Academy: The worthless oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon