28: A Real Taste of Summer

132 31 20
                                    

Hindi gaanong nakatulog si Sheika buong gabi kaiisip kay Wross. Mabuti na lang at naroroon siya sa apartment nito noong mga oras na uminda ito ng sakit sa tiyan. Paano na lang kung wala siya, baka kung napaano na ito.

To resolve and neutralize his stomach acids, Wross had taken antacids. Kailangan din nitong kumain sa oras na magising ito.

While waiting for him to wake up, Sheika was seated next to his bed. Ayon sa doktor na sumuri dito ay maayos na ang kalagayan nito. Hindi magawang lisanin ni Sheika ang kuwarto nito at binantayan ito sa sumapit na gabi. His left hand's vein has an IV placed in it. He is somehow made more comfortable by the hospital gown he is wearing. Palagay ang loob ni Sheika na makita itong mahibing na natutulog at nakakapagpahinga nang maayos.

"Sweetie, hindi ka pa ba uuwi? Ako na ang bahalang mag-asikaso sa kaibigan mo." Tinapik siya ng kanyang ina nang pumasok ito sa kuwarto kung saan naka-confine si Wross. Her mother didn't know Wross at all, until today. Dala-dala nito ang clipboard at ina-update ang chart ni Wross. Sheika knows that taking care of patients is her mother's routinely job as a healthcare professional.

"Okay lang po ako, Mama. Hihintayin ko lang po siyang magkamalay at uuwi na rin po ako," tugon niya at huminga nang malalim.

"Hindi ka pa kumakain simula kagabi. Hindi ka pa rin nakapagpahinga. Sumabay ka na sa aking kumain mamayang lunch. Hindi puwedeng tumanggi, magagalit ako."

Malapad itong ngumiti sa kanya at alam niyang hindi talaga ito magagalit, gusto lang nitong huwag siyang tumanggi... iyon lang iyon.

Sheika just gave her a wonderful smile.

Mayamaya pa ay lumabas na ang kanyang ina ng kuwarto at naiwan silang dalawa ni Wross doon na magpahanggang-ngayon... hinihintay pa rin niya itong magising upang kumustahin.

Ano na kayang lagay ng lalaking 'to? Magtatanghalian na at bakit hindi pa rin ito nagigising?

Sa magdamag na pagbabantay buong gabi, ngayon lang nagkaroon si Sheika nang pagkakataong pagmasdan ito nang malapitan. She was looking at Wross like a picture that was filled with memories while he was quietly breathing. Habang tumatagal silang magkasama, hindi lang ang pagkakaibigan nila ang na-develop, kung hindi pati na kung paano ang tingin niya rito noon. Sheika couldn't lie about Wross' improvement; she sees it. Mas lalo na niyang naa-appreciate ang taong madalas siyang sungitan noon.

Nakatunghay lang siya sa maamo nitong mukha dahil tulog, matangos din pala ang ilong nito at maganda ang hugis ng mga labi. Ganoon pala kahaba ang mga pilik nito na madalas niyang hindi mapansin dahil hindi pa naman niya napagmamasdan ito nang kung paano niya ito tinititigan ngayon. Mayroong maliliit na bigoteng patubo sa baba nito at nakausbong ang mga panga... pati na ang nakausli nitong adam's apple ay napansin niya. Habang tumatagal, mas lalo siyang napapamilyar sa bawat korte ng mukha nito, para bang nakita na niya si Wross sa kung saan na hindi niya matandaan.

Sa pagmamalabis pang makita ang bawat detalye, bahagya pang inilapit ni Sheika ang kanyang mukha rito upang suriin nang maigi. She observed Wross' peaceful breathing with his still and dreamless position. She has a nagging suspicion that she saw Wross somewhere; it's as though she once recognized his features, but it became a vague memory. Hindi niya lang mawari kung ang pagtitig niya rito nang malapitan ay may kalinawan bang naidudulot sa kanya.

Nagulat na lang si Sheika at nanlaki ang mga mata nang biglang tumagilid ito nang higa at halos isang dangkal lang ang mukha nila sa isa't isa. Napalunok siya habang napansin ang pagbukas ng mga mapupungay nitong mga mata.

"Hobby mo na talaga na titigan ako kapag tulog, ano?"

Sheika immediately sat properly and turned away from his eyes. "Hindi, ah!" tanggi niya at nagpatay-malisya.

Take Me to My FuneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon